Chapter Ten: Wishful Thinking
RHYME'S POV
"Kanina ka pa hinahanap ni Mam Mendoza."
"Mr. Mendoza is on the line. Gusto ka raw niyang makausap."
"Na sayo ba ang report ni Cherry Mendoza?"
Kanina pa nanakit ang tenga ko. Magmula kanina ay paulit-ulit ko na lang naririnig ang apelyidong iyon. Nanadya ba talaga ang pagkakataon? O napaka-common lang ng apelyidong Mendoza?
Dahil doon ay naapektuhan ang mood ko. Hindi tuloy ako makapagtrabaho ng maayos. Hanggang kailan ba ako maaapektuhan ng mga alaala niya?
Mendoza. Iyon ang nakasulat sa isang libro na natagpuan ko noon sa kuwartong pinagkulungan sa akin ni Louie. Ang totoo ay hindi ako sigurado kung iyon nga ang apelyido ng binata. Hindi rin naman ako nagkaroon ng pagkakataon na makumpirma iyon sa kanya.
"Rhyme, pupunta ka ba sa site?" Tanong ni Apple pagkatapos iabot sa akin ang hinihingi kong record. Tumango lang ako.
"Ngayon ang check-up mo, hindi ba?" Muli niyang tanong.
Check-up? Saka ko lang naalala na pinababalik nga pala akong doktor ngayon araw na ito. Wala sa loob na natapik ko ang noo.
"Haist! Makakalimutin ka na talaga," she rolled her eyes. "Ako na lang ang pupunta sa site at ikaw babae mag-half day ka para mapa-check-up mo na 'yang mata mo. Sige ka, baka tuluyan ka nang hindi makakita ng guwapo."
Hindi ko napigilang mapangiti. "Thanks, Pie."
Pabiro na umismid si Apple. "Thank you ka dyan! Basta bukas gusto ko ng cappuchino frappe at donuts. And take note, JCo Donuts," sabi pa niya bago bumalik sa puwesto.
Namamangha na sinundan ko siya ng tingin. Ayos din mag-request, dinaig pa ang naglilihi.
Kagagaling ko lang sa restroom nang may maabutan akong package sa table ko. Walang nakasulat kung kanino nanggaling. Pero sa akin naka-address iyon. Nang buksan ko ang kahon ay nagulat ako sa nakita.
No doubt, si Louie ang sender. Ibinalik niya sa akin ang mga naiwan kong personal na gamit sa bahay niya. Minsan naisip kong bumalik sa bahay niya para sana makuha ang mga iyon. Ngunit naunahan na niya ako. Mabuti na rin siguro ang ginawa ng binata. Hindi ko na kailangan mag-ipon ng lakas ng loob para puntahan siya. Nawalan na rin ako dahilan para makita siyang muli.
BINABASA MO ANG
You Belong To Me (Published under LIB)
RomanceBinalot ng pagtataka at pag-aalinlangan si Rhyme nang magkamalay siya sa isang di-makilalang silid. Ang pakiramdam na iyon ay napalitan ng takot nang ma-realize niya na dinukot siya. Hindi pa siya nakakabawi sa natuklasan nang makasalubong niya ng t...