Aisha’s POV
Today is the day na makakatungtong ako sa Pilipinas. I’ve been dreaming of going home here in Philippines ever since. Ayaw kasi umuwi nila mama e. Buti nalang napilit ko sila ngayon ang kaso lang di ko sila kasama. Kapalit ng pagpayag nilang dito ko mag-aaral sa Pilipinas for my whole Senior High ay mag-isa ko dito. Para daw maging independent akong tao at ng matuto akong kilalanin ang Pilipinas on my own.
Nagtataka siguro kayo kung bakit ang galing kong magtagalog though I’ve been in Japan ever since. Well that’s how addicted I am in Philippine Culture. I really love it to the point na pinagsabihan ko sila mama na dapat pure tagalog kami kapag kami-kami ang magkakasama. It’s for me din para mas matuto pa. Sabi nga ni Dr. Jose Rizal “ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wikaay higit pa sa mabaho at malansang isda”.
Kaya naman kahit wala naman akong makakausap sa tagalong sa Japan aside from my family, inaral ko parin ang tagalog.
After almost 5 hours ng byahe ay andito na ko sa condo unit na binili nila mama para saking stay dito sa Pilipinas. Medyo nanibago ako kanina nung andito na ko, grabe kasi yung trafik e, kaya inabot ako ng almost 2 hours sa daan papunta lang dito sa condo galing sa NAIA.
Ang sabi sakin nila mama ay inenrol daw nila ko sa isang university dito sa Pilipinas na kompleto mula kinder hnggang college. Dahil K to 12 na din dito sa Pilipinas ay nadalian na kami sa pag-aayos ng mga papeles ko. but unlike sa Japan, dito sa Pilipinas sama-sama sa iisang school ang JHS at SHS, sa Japan kasi kapag ka tapos ka na ng elementary lipat ka na ng school for Junior High tas next yung school for Senior high and syempre its up to you kung pursue mo ang college. May mga iba’t ibang klase din ng school for Senior High sa Japan, merong prep school kung saan sinasanay sila para sa pagpasok sa college. May mga school naman na hindi ganun. Basta depende sa kaya ng brain cells mo ang klase ng school na pwede mong pasukan sa Japan. Syempre depende din sa kaya ng budget mo.
Bukas ang first day ko sa school, buti na nga lang at napatupad na dito sa Pilipinas yung start ng klase e August. Kaya di ako ganun ka late pa sa klase at hindi ko na kailangan pang maghabol ng marameng lessons. Though late na ko ng one week ayos nay un kesa late ako ng three months.
Dahil sobrang pagod ako sa byahe ko maghapon ay hindi ko nagawa pang maligo. Derecho higa na ko sa kama and hello to dream land na.
. . . . . .
Maaga naman akong nagising kinaumagahan. First day ngayon ng klase ko sa pinagenrolan saking school nila mama. After kong kainin ang niluto kong agahan ay nagayos na ko para sa pagpasok ko. medyo malayo sa tinitirhan ko ang school na papasukan ko mula sa bahay at dahil first time ko lang ay nagtaxi nalang ako papasok. Bukas nalang ako maglilibot at aaralin ang ruta sa school sa ppamamagitan ng pagcocommute. Sa ngayon ang mahalaga ay ang maayos ko ang schedule ko at ang iba pang dapat kung ayusin.
Nakarating naman agad ako sa school ng walang aberya. Dumerecho ako sa principals office para kunin ang schedule ko and syempre para maorient na din ako sa kung anong dapat at hindi dapat na gawin ditto sa school.
Sa gitna ng pag-uusap namin ni Mrs. Principal, may kumatok sa pintuan at pinapasok naman yun ni Mrs. Principal.
“good morning po ma’am” bati ng lalaking napaka tangkad, tumango naman si ma’am bilang sagot at sinenyasan ang lalaki na maupo. Sumunod naman ito kaya ngayon parehas kaming nakaharap kay ma’am na nasa kabilang parte ng principal’s table.
“what brought you here Mr. Mendez?” tanong ni ma’am don sa lalaki, tinignan kong maigi ang lalaki habang kinakausap si ma’am. Grabeee ang gwapo niya, he has this super messy hair na talaga namang nagpapataas ng hotness niya. Strong adam’s apple na kitang kita mong gumalaw oras na magsalita siya, huminga or maggulp. Ang kinis ng mapuputing mukha niya, walang bakas ng pimples o ni black heads man lang. Naconcious naman daw ako kaya napahawak ako sa muka ko.At may nakapa akong pimple.

BINABASA MO ANG
Siblings in Love
Aktuelle Literaturbook 2 of I Own His Heart love triangle story ng magkakapatid na Damon, Dwayne at Aisha book cover by @pinkstellar