Glimpse of Her Past

3 0 0
                                    

Nakahiga lang kaming dalawa habang nakatingin sa langit. Ang tahimik pero yung katahimikang nakakarelax. I closed my eyes when he suddenly spoke.

"So bakit ka nag transfer dito sa Aerondale?" tanong niya sa akin at naramdaman ko ang titig niya. I just closed my eyes for a minute and my mind is having a debate whether to tell him or not. But in the end I decided to tell him. So umupo ako galing sa pagkakahiga at sumandal sa puno. Nakita ko namang umupo din siya.

"We just moved to the State a year ago. My parents are both working there so they decided that we should leave there permanently. Masaya naman kami hanggang may nangyaring di namin inaasahan." pagsisimula ko at naramdaman ko ang titig niya sa akin.

"Nasa Park kami nang araw na iyon, it was Sunday and it's our tradition to spend the whole day in the Park. May nakilala  akong bata doon at nagdecide kaming mamasyal pero hindi ako nagpa alam na umalis. Namasyal lang kami at hindi namin namalayan ang oras kaya napagpasyahan naming bumalik na sa park. Pero habang pabalik na kami, nakita naming nagkukumpulan ang mga tao kaya naman pumunta kami dun." hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko.Masakit pa rin pala kahit isang taon na ang nakalipas.

"It's okay if you don't want to continue it." sabi niya naman. Umiling lang ako, kailangan kong mailabas ito. I've been keeping this to myself for the past year and mababaliw ako pag di ko ito linabas.

"Pagkadating namin doon, parang tumigil ang mundo ko sa nakita ko. Nakita ko si Dad na nakahiga sa daan at may tama siya sa kanyang dibdib. Sabi nila may rob out doon at natamaan si Dad ng ligaw na bala. Nakita ko namman si Mommy na nakaupo sa tabi niya at umiiyak .Sinugod pa namin siya sa Hospital pero dead on arrival siya kaya wala na kaming nagawa. Ako ang sinisisi ni Mommy sa nangyari kaya simula noon naging cold at distant na siya sa akin. Palagi niyang pinapamukha sa akin na ako ang may kasalanan kung bakit namatay si Dad." pagtatapos ko sa kwento ko at di ko na napigilang umiyak. Sinisi ko rin naman ang sarili ko sa nangyari eh. Sobrang sakit din naman sa akin nung nangyari pero bakit di maintindihan ni Mommy?  Nagulat nalang ako noong yinakap niya ako at hinaplos niya ang buhok ko at tuluyan na akong naiyak .

Nagstay lang kami sa ganoong posisyon hanggang sa maging okay ako. Pagkatapos kung kumalma ay lumayo na ako sa kanya at inayos ko ang sarili kom Tinignan ko ang damit niya at nakita kong basang basa ito .Shit nakakahiya ! Baka may sipon pa ako dun huhu TT.TT

"I'm sorry nabasa ko yang damit mo. Don't worry lalabhan ko nalang yan." sabi ko naman at umiwas ng tingin sa kanya. Eh sa nahihiya ako eh .

"Dapat lang nuh! May sipon ka pa ata eh!" sabi niya na parang nandidiri! Aba binatukan ko nga! Tinignan niya ako ng masama pero binelatan ko lang siya.

"Gutom na ako! Libre mo ako!" sabi ko sa kanya at nag puppy eyes pa para effective.

"Tara my treat." sabi niya at tumayo na.Tumayo na din ako at naglakad na kami paalis sa lugar na iyon.Akala ko sa canteen kami pupunta pero bakit pupunta siyang Parking Lot?

"Teka akala ko sa Canteen tayo pupunta? Bakit papunta kang Parking Lot??"tanong ko sa kanya at tumigil sa paglalakad.Tumigil din siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Nakakasawa pagkain dun eh." sabi niya at biglang nag pout. Tangenene! Si Kaizer ba talaga ito? Yung badboy type at lagi akong inaasar? Bakit ang cute niya?! Ay shit!

"Halika ka na nga!" sabi niya at bigla akong hinila. Nagpatinaod na ako dahil gusto ko rin namang sumama sa kanya.

Pagkapasok namin sa kotse niya ay bigla niya itong pinaharurot kaya napakapit ako sa handle. Bwisit na'to! Buti nalang binagalan niya dahil kung hindu susuntukin ko talaga siya sa mukha. Maayos na ang naging buong biyahe namin hanggang makarating kami sa Mall. Bumaba agad ako pagka park niya dahil mejo natrauma pa ako kanina. Bumaba naman na siya at nakita kong natatawa siya.

"Bakit ka tumatawa diyan?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay. Pag nalaman kung ako ang pinagtatawanan niya ay iiwan ko siya dito.

"You should have seen your face a while ago!Pfft!"sabi niya at tuluyan nang natawa . At dahil sa sagot niya ay iniwan ko nga siya dun na tumatawa. Pagkamalan sana siyang baliw dun. Ay ang gwapong baliw naman hehehe.

"Yah! Bakit mo naman ako iniwan dun?" tanong sa akin ni Kaizer na hingal na hingal. Ganon ba ako kabilis mag walk out or matagal lang talaga siya tumawa kanina? Aish!

"Eh pinagtatawanan mo ako eh!" sabi ko habang naka pout and cross arms. Naramdaman ko namang umakbay siya sa akin.

"Eto naman nagtampo agad." sabi niya at pinisil ang ilong ko. Namula ang pisngi ko dahil sa ginawa niya at bumilis ang tibok ng puso ko. Nahahawaan na ata ako sa pagiging abnormal niya eh.  Huhu di maganda 'to.

"Anyways san mo gustong kumain?" tanong niya at tinignan ako .Linibot ko muna ang mata ko sa loob bago pumili.

"Let's go to Mcdo!" sabi ko na parang bata. Bakit ba? Eh sa namiss ko eh.

"Bakit dun?! Mas gusto ko sa Jollibee!" sigaw niya na parang bata.  Kita mo'to, magtatanong tanong tapos aayaw din.Gaguhan lang ganun?!=_=

"Mcdo!"
"Jollibee!"

Para kaming baliw dahil sa sigawan namin, pinagtitinginan na nga kami ng mga tao pero wala pa ding nagpapatalo sa amin.

"Okay ganito nalang, let's just play rock, paper and scissor and the winner decide where to eat okay?" suggest ko kaya tumango nalang siya  Actually  kahit saan  naman okay lang sa akin eh, napagtripan ko lang talaga siya haha! Ang sama ko.

Nandito kami ngayon sa Mcdo at kumakain na. Ang lawak ng ngiti ko habang yung kasama ko akala mo pasan pasan ang mundo .Nakabusangot kasi siya at bumubulong bulong habang sumusubo ng fries. Ako kasi yung nanalo sa laro namin hahha! Rock ung sa kanya at papel sa akin.

"Ano bang binubulong bulong mo jan?" tanong ko sa kanya habang sumusubo ng fries. Heaven!*0*

"Eh gusto ko sa Jollibee eh!" dabog niya na parang bata .Sinubuan ko nalang siya ng fries ng matahimik na siya.  Ang dami dami pa kasing sinasabi eh di nalang kumain haha!

"Bakit di ka nalang pumunta sa Jollibee at dun kumain kung ayaw mo dito?" tanong ko sa kanya habang kinakain ang sundae. Nakita ko namang natigilan siya saglit at may ibinulong tapos kumain nalang ulit.

"Anong sabi mo?" tanong ko dahil hindi ko narinig ang bulong niya.

"Wala." sagot niya kaya nagkibit balikat nalang ako at kumain na kami.

"Eh sa gusto kitang makasama eh."

Fantastic Four and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon