💜 Prologue 💜

5 1 0
                                    

That Should Be Me... 🎵🎶🎼

Napakinggan mo na ba ang kantang " That should be me " ? Ni-minsan ba pumasok sa isip mo na sana ikaw lang, na sana ikaw na lang yung nasa pwesto niya, na sana ikaw na lang yung taong nag papasaya sa kanya at ang taong mahal na mahal niya? Na sana ikaw na lang, na sana ako na lang.

Sana. Sana. Sana...

Puro na lang ' sana '. Nakakasawa na.

Segu-segundo, minu-minuto, oras-oras, araw-araw, linggo-linggo, buwan- buwan at taon-taon pinangarap ko na sana, ako na lang. Na sana higit pa sa pagiging mag bestfriend ang turing niya sakin. Pero parang kahit saang anggulo mo tignan mukhang malabong mangyari yun, malabong mangyari na mahalin niya rin ako.

Oo, mahal niya ako. Pero hanggang best friend lang yon, at mukhang wala ng ihihigit pa. Napakasakit na!

Bakit ba kasi ganto? Minsan naiisip ko na sana maging manhid na lang ako. Na tuwing sinasabi niya sakin yung mga crush niya, yung mga iba't ibang babaeng nakakasama niya, hindi ako nakakaramdam ng hapdi ng kirot at ng sakit.

Bakit ba kasi pinadama niya sakin yung feeling ng magka-crush at main-love? Nakakatawa lang na kung sino yung nagpapasayo sayo, siya rin yung rason kung bakit ka umiiyak.

Minsan natatawa na lang ako sa sarili ko dahil kapag hindi ko na kaya, kapag hinang-hina na ako. Pupunta lang ako sa kwarto, magkukulong at doon ako sasabog. Sasabog talaga, dahil lagi kong pinipigilan ang maging emosyonal kapag kaharap ko siya kaya kapag pumupunta ako sa kwarto doon ko binubuhos lahat ng hinanakit ko sa kanya. Lahat ng mga gusto kong sabihin sa kanya, pero hindi ko masabi ng harap harapan. Duwag ako? Oo, alam ko. Alam ko, bakit masama ba? Ayoko lang naman mawala at masayang yung pinagsamahan namin eh. Naisip ko na nga lang din minsan na 'sana mawala na tong ka-alienang nararamadama ko' .

At bakit din ba kasi napaka-manhid at tanga niya? Halos lahat ng taong nakapaligid sa amin nakakahalata na siya lang talaga tong walang kaalam-alam na may nasasaktan na siya. May pasabi sabi pa siya na walang pwedeng manakit sakin, pero siya tong gumagawa ng bagay na makakapanakit sakin.

Ako si Nadine Alexis Paguia Lustre, na na-inlove sa best friend kong manhid na si Robert James Marquinez Reid.

That Should Be MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon