Chapter 1

18 1 0
                                    

"Love isn't defined by how many material things we buy for them but how much we value them as a person."
---
Mark's POV

I'm Mark Sandoval, 19 years old, Architecture student at Private College. Hindi ako popular like most of the guys in stories, gwapo naman ako di nga lang ako masyadong napapansin kasi tahimik lang ako. Loner ako sa school namin until I met her.

I heard rumors about a heartless girl. Sabi nila she's pretty, sexy, and charismatic person but despite all of that she's also mean, heartless and 'demonyita'. Every guy in school has a crush on her but every girl in school hates her.

So curious of this rumored girl that I befriended her, and I've realized what they said are wrong except for the 'pretty, sexy, and charismatic' part. Actually she's a nice person pero kapag tinamaan ng topak, dun lumalabas ang pagkaheartless at pagka 'demonyita' niya.

Gaya nung isang araw, lumabas kami para magshopping ng mga kung ano-ano dahil wala naman kaming klase ngayon kase may meeting daw lahat ng teachers. Bakit ako kasama? Syempre kailangan daw niya ng tagabitbit at driver.

"Gagawin mo lang akong alalay at driver eh." Pagaangal ko.

"Wag ka ngang maginarte! Papakainin naman kita gamit ang aking gintong credit card. Kaya tara na!" Pagmamayabang nito.

Hay nakauto na naman to ng lalake. Ewan ko kung paano niya nagagawang paikutin ang lalake eh pero ang mas pinagtataka ko bakit ang tanga nila? Bumababa tuloy ang tingin sa aming mga lalake! Pati tuloy ako nadadamay! Sabagay tanga rin naman ako eh, dahil nagagawa kong protektahan at mahalin ang isang tulad niya.

"Miss ikuha mo ako nito, nito, ayan pati yun." Sabi nito sabay turo sa mga damit. "Ay! Kukuhain ko rin pala tong mga sapatos na to. Lahat ng kulay ikuha moko! Tapos i-swipe mo na lang lahat dito." Utos nito sa babae na kanina pa pabalik-balik ng stock room dahil sa mga pinapakuha nito. Nasa isang mamahaling shop kami ngayon, hindi ko na mabilang kung ilang shop na ang napuntahan namin. Pagod narin ako dahil ang dami kong dala samantala ang dala lang ni Stella ay ang LV bag at ang paper bag na maliit na binili sa panadora, ang katwiran niya baka daw nakawin ko. Ano namang gagawin ko sa pandora bracelet diba?! Minsan nawawala ang pagkatalino ni Stella.

"Grabe ka naman mamili! Hinay hinay lang stella! Di ka ba naaawa sa mga braso ko? Konti na lang mapuputol na to! Tsaka ang mahal ng mga damit dito. Isang dress sa halagang 4,000?!"

"Ang dami mo namang sinabi. Una, oo di ako naaawa sa mga braso mo! Kalalaki mong tao, ang arte-arte mo! Pangalawa, okay la–Aray!" Nagulat ako ng may sumabunot kay stella.

"You bitch! Ang kapal ng mukha mong agawin ang boyfriend ko!" Sigaw nito habang sinasabunutan si Stella. Anong ginagawa ko? Wala nanunuod lang sa kanila, Kaya naman yan ni Stella eh. Tatawagin naman niya ako pagkailangan na niya ako. Diba? Ang sweet niya, sa akin parin siya tumatakbo pagdi na niya kaya, haha.

"You should thank me you know-ouch!"

"Bakit naman ako magthathank you?!-aray!" Nagsasabunutan at nagsasampalan pa rin sila hanggang ngayon.

"Atleast nalaman mong two-timer ang boyfriend mo! At nalaman mo rin na mas maganda ako!"

"What?! Ang kapal mo talaga-" sasampalin niya sana ulit si Stella ngunit pinigilan ko ito. Oo, hindi humingi ng tulong si Stella pero masyado na silang tinitipon ng mga tao at marami na rin silang sugat-Este yung girl lang pala. Sugat lang sa labi ang natamo ni Stella.

"Tama na yan. Nakakahiya kayo. Nageeskandalo kayo sa mall." Matigas kong sabi.

"Bitawan mo nga ako! Sino ka ba?!" Padabog na inalis nung babae yung kamay niya. Kung makaalis ng kamay kala mo ang higpit ng hawak ko sakanya, eh halos ayoko ng higpitan ang hawak ko dahil baka mabali ko lang kamay sa sobrang payat niya.

"It's none of your business. Tara na Stella." Hinawakan ko na ang kamay ni Stella, buti pa si Stella tama lang ang katawan. Hindi mataba, hindi rin mapayat–in short, sexy haha. Naglakad na kami papuntang parking lot. Nang makasakay kami ng kotse tinopak na naman si Stella.

"Bilis i-start mo na yung kotse! Ang init!" Angal nito. Inistart ko na ang kotse at nilakasan ko na yung AC para hindi na siya umangal.

"Yan! Wooo! Init grabe! Tara na bilis! Gusto ko na umuwi. Napagod na ako."

"Wow! Napagod ka lang dun? Eh ako parang buhat-buhat ko ang mall habang nakasunod sayo!" Pagpoprotesta ko.

"Grabe ang OA mo!" Sabi niya sabay irap akin.

"Talaga naman!"

"Ewan ko sayo! Haha. Oo nga pala thank you sa pagligtas mo sa akin." Sabi niya.

"Anong paglistas? Hindi kita niligtas! Ayoko lang madamay sa gulo niyo. Ang dami kayang nag vivideo dun kanina."

"Sus! Ewan ko sayo! May pa'Its none of your business' ka pa ngang nalalaman. Haha." Natawa ako nung ginaya niya yung boses ko.

"Baliw! Pero teka, okay ka lang ba? May sugat ka sa labi mo oh!"

"I'm fine. Maliit na sugat lang to. Eh mukhang mas kawawa pa nga yung impakata na yun!"

"Oo nga! Eh Bakit ba kasi ayaw mong tumigil sa pagpaboboyfriend ng mga mayayaman? Napapahamak ka tuloy ng di oras."

"Alangan naman magboyfriend ako ng katulad mo!"

"Oo!" (A/N: hindi sila nagaaway diyan, normal conversation lang yan sa kanila xD)

"Anong mabibigay mo sa akin?! Mapapakain mo ba ako sa restaurant? Diba hindi?!"

"Hindi man kita madala sa restaurant, kahit hanggang karinderia at turo-turo lang tayo, atleast mahal kita! Kaysa naman mayaman nga boyfriend mo di ka naman mahal!"

"Atleast umiiyak ako sa isang hotel habang nagpapakalunod sa mamahaling wine at imported na steak ang pulutan!" Sabi niya sabay tawa.

"Ewan ko sayo Stella." Minsan, mapapabuntong hininga na lang ako sa pagiisip ni Stella eh. Ewan ko ba diyan nawawala ang pagkamatalino. Hindi ko rin akalain na kaya kong sabayan ang isang tulad ni Stella Paige Salvador.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heartless (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon