Shaianah
Nagising ako ng alas dos ng madaling araw sa hindi ko rin malamang dahilan. Sinubukan kong matulog ulit pero pakiramdam ko ay gising na gising talaga ang buong kaluluwa ko. Siguro ay naninibago pa ako sa lugar kaya hindi ako makatulog ng maayos. Napatingin ako sa bintana na bukas at nakita kong nakatitig sa akin ang maganda at malaking buwan. Ito ang nagbibigay liwanag sa paligid bukod sa mumunting mga bituin.
Naisipan kong tumayo na lamang para magpahangin sa labas. Kinuha ko ang jacket at phone ko bago lumabas ng kwarto. Hindi naman gaano kadilim dahil sa mga mumunting ilaw sa paligid. Naglakad-lakad ako hanggang sa makalabas ako ng mansyon. Napayakap ako sa laylayan ng jacket ko nang humangin ng malakas. After that, I started walking sa kung saan man ako dadalhin ng mga paa ko. Kahit malayo ay nilakad ko papunta sa main gate para lang makalabas dito. Madalas kapag tulog na si mommy noon ay lumalabas talaga ako ng bahay para pumunta sa malapit na convenience store, lalo na tuwing dinadalaw ako ng insomnia. Pero dito sa Cassiopeia ay madalang ka lang makakakita ng convenience store. Saan kaya ako pupunta nito?
Nang makalabas na ako sa main gate ay nagpalinga-linga ako sa paligid. Wala akong ideya kung saan ba talaga ako pupunta kaya napakibit balikat na lang ako at nagsimulang maglakad muli hanggang sa mapunta ako sa isang green field. Napakatahimik ng paligid at napakasarap ng hanging humahaplos sa aking balat. Naisipan kong umupo muna sa damuhan at tumitig sa kalangitan.
"Sana nandito ka pa rin, mommy. Nagkita na kaya kayo ni dad? Masaya na siguro kayong dalawa diyan ngayon. Huwag ka pong mag-alala, hindi ko pababayaan ang mga kapatid ko tulad ng pinangako ko sa inyo."
"Well, hello there." The voice made me shudder. Nilingon ko ang boses na iyon at nagtama ang mga mata namin. He had greasy hair and a pale face that screamed of a bloodthirsty predator looking for its prey. His back was slightly arched and a big dragon tattoo was displayed on his right arm. Ngumisi siya kaya mas lalo akong kinabahan. "Hindi ka dapat lumalabas ng ganitong oras. Why don't you come with me?"
"I'm sorry, I need to go." Medyo nauutal ko pang sabi. Akmang tatakbo na ako palayo nang bigla niyang higitin ang braso ko.
"Walang nakakatakas sa apoy ko." Hindi ko na inintindi ang sinabi niya dahil sa sakit na bigla kong naramdaman sa braso ko. An amber-colored light emitted from the man's hand. Napaawang ang bibig ko at napadaing ako sa sakit.
"What's going on?" A sculpted figure materialized from the shadows. His voice was a husky drawl but his eyes glimmered softly when illuminated by the moon's glow. It depicted authority and power which made the man in front of me stumble with words. "Bitawan mo 'yan, Kash. Alam mo namang bawal 'yang ginagawa mo."
"Asrial,"
"How many times have I told you to stop threatening women, Kash?" Naglakad ito papunta sa amin kaya binitawan na ako nung mama. When he removed his hand, a scorched mark was revealed on my skin. Napatingin din doon ang lalaking kakarating lang.
"Pasensiya na. Pakiusap, huwag mo itong sabihin sa papa mo."
"Pag-iisipan ko." Malamig na sabi nung Asrial at nilampasan lang iyong Kash para puntahan ako. I was just confused and terrified altogether. Tumakbo na rin paalis yung Kash at iniwan kami ni Asrial. "And you, who are you?"
"Who are you?" Balik ko sa tanong niya sabay diin ng salitang 'you'. He could be another danger waiting to happen and not a savior. I couldn't be sure.
"Bawal lumabas ng ganitong oras. Did you not know about the curfew?"
"Hindi ko naman alam at wala rin akong pakialam. Ikaw nga eh. Lumabas ka rin ng ganitong oras. Aray!" Napadaing ako nang biglang hablutin ni Asrial ang braso kong hinawakan kanina nung Kash na iyon. Napangiwi ako nang makita na namamaga ito. Doon ko lang ulit naalala ang nasaksihan ko. The amber light. "What's going on? I saw the man emitting some sort of energy from his hands. How did he do that? What is happening?"
BINABASA MO ANG
The Secrets of Cassiopeia (Under Revision)
Fantasy17-year old Shaianah Cohen, after the death of her beloved mother, was forced to move to Cassiopeia together with her siblings. Little did she know, she was just one step away from figuring out her real identity. As far as she knows, she was just a...