"Wag kang manghusga kung hindi mo alam ang buong istorya."
***
Angel's P.O.V
Kinabukasan....Lumabas ako at nagtaka?Bat ang daming tao?
"So,ikaw pala ang kapatid ng isang killer?Di ako nainform." pabalang na wika ni Bryan.
Sayang gwapo mo T___T
"Ngayon nainform ka na.Tsaka anong sinasabi mong kapatid ako ng killer?Hibang ka ba?" sabi ko sakanya.
"Oh,it looks like Natashia never mention it to you." wika nya naman.
"Magtatanong ba ako kung nasabi na nya saakin?" ika ko with SARCASTIC tone.
"Hayaan na natin ang ate mo ang mag-explain." sambit nya sabay ngiti na nakakaloko.
Nagsimula na naman ang bulong-bulungan ng mga tao dito sa harapan ko.Napatingin naman ako kay ate na mangiyak-ngiyak na at umiiling-iling pa ang ulo.
"Ano to,ate?" pagtatanong ko sakanya.
"Let's go to my room,we need a little privacy." sabi nya,hinatak nya ako papunta sa kwarto nya sa 3rd floor.
Wala pang minuto nang makarating kami dito.
Tumingin-tingin muna sya sa paligid bago ako pinapasok at isinarado ang pintuan.
"So ano yung sinasabi nung lalaking yun,ate?" medyo malakas kong wika.
"Lower your voice.I'm going to tell you everything." pabulong nyang wika.
"Ganto kasi yun." dugtong pa nya at isinadula ang nangyari.
-Flashback-
Natashia's P.O.V
Nakita ko ang ginawang pag-iwan ni Stacey sakanyang kaibigang si Helaena.Lumapit ako kay Helaena matapos syang layuan at iwanan ni Stacey.
"Saan punta non?" mahinang pagtatanong ko sakanya.
"Mag-ccr lang daw." wika nya.
"Ang tagal naman nun!Sundan ko lang ha!Dyan ka lang mag-ingat ka pati."
Makalipas naman ng onting minuto ay bumalik na si Helaena.
"Oh,asan na si Stacey?" pagtatanong ko sakanya.
"Eh,wala nga.Di ko makita." sagot nya naman.
Mahahalata mo naman ang pag-aalala sa kanyang mukha.
"Wag kang mag-alala babalik na yun maya-maya." pagpapakalma ko sakanya.
Kasalukuyan akong nasa kaniyang harapan.Pasilip-silip naman ako sa paligid dahil baka magulat nalang ako nasa harapan ko na ang killer.
Pinapanood ko lang na hinahabol ng killer si Sheila.Onting distansya na lamang nito nang biglang may pumukpok ng bat sa killer.Good killer siguro.
Mayroon pang natitirang minuto kaya naghagilap pa sya ng target.
Nakita kong lumihis ang kanyang ulo sa aming direksyon.Papalapit na sya saamin.Syempre tao lang din naman ako na natatakot kaya....
"Ako maghanap kay Stacey." wika ko habang nanginginig ang aking tuhod.
Kumaripas ako ng takbo.Para di ako ang mapatay ng killer.
Takbo...
Takbo...
Takbo...Nakita ko syang nakatingin saakin at hindi nya namalayan na nakuha na sya ng killer.
-End of Flashback-
"So ayun ang nangyari?" sabi ko.
"Wow!Para sakanila ay crime na agad yun.Di ba pwedeng pinoprotektahan lang ang sarili.Tss,people nowadays." dugtong ko pang muli.
Iniwan lang ni Ate Natashia si Helaena eh killer agad sya?Bakit wala ba syang karapatan na protektahan ang kanyang sarili?
Now I know.Nainis ako sa mga kaibigan ko dahil baka isa lang akong alliance or gaganunin nila ako someday pero mas maigi na sigurong protektahan ang sarili.I realize something,thanks to ate.
Hindi sa pinagtatanggol ko si Ate Natashia pero mali naman ang talaga ang bintang sakanya.
"Oo.Ganun kababaw ang dahilan." sagot nya.
"Bat hinayaan mo na lang?" wika ko.
"Dahil hahaba pa ang usapan.Tsaka pag lumaban ako sasabihin nila guilty ako." ika nya.
Magmula bata kami ganyan ang ugali ni ate,humble sya.Hinahayaan nya na lamang ito.
"Kahit na ate." pagsasalita kong muli.
"Enough,sis.Lumabas ka na.Masyado ka nang madaming nalalaman.Madadamay ka.Go out now." matamlay na sabi nya.
"Pero hi---" magsasalita pa sana ako ng bigla itong putulin.
Tinulak nya ako palabas at sabay dinabugan ng pintuan.
Bumuntong hininga nalang ako tsaka nagsimulang maglakad.
Pumunta ako ng ground.Samu't-saring bulungan ang naabutan ko.Nakakainis nadadamay pa ako!Tsaka mali-mali naman eh!
"Andito na pala yung kapatid nung killer eh."
"Distansya tayo sakanya!"
"Hala!Tara na!"
"Bilisan nyo!"
Diring-diri lang ang peg?Ang aarte!If I know na isa sakanila ang killer!
"We saw everything." pagtalikod ko agad namang bumungad saakin ang mga mukha ng kaibigan ko.
"May mata kayo malamang." bara ko sakanila.Ayoko nang kinakaawaan ako.
"Just so you know,wala kami sa mood para makipag-biruan." pagtataray ni Vanessa.
"Sorry hehe." sambit ko sabay peacesign.
"Pumunta ka na sa dorm mo.You need to rest na din.Wag ka munang lumabas-labas para iwas atensyon,pero kung importante o kaya death phrase...dun ka lang lumabas.Are we clear?" mahabang litanya ng nanay ko este ni Vanessa.Para ko syang nanay hahaha.
"Yes po!" sagot ko habang nagpipigil ng tawa.
"Good.Now go." maotoridad nyang wika.
Naglakad nalang ako patungong dorm dahil wala naman din akong magagawa hahaha.
I'm so lucky to have them.
***
REVISED!
BINABASA MO ANG
The Game
Mystery / ThrillerIsang paaralan na madaming tinatago.Lalaban ka ba ng patayan o susuko ka nalang dahil ayaw mo mahirapan. If you're in,there's no turning back.