Chapter 5

28 6 0
                                    

Saturday ngayon, sa wakas tahimik ang buhay ko. Lagi namang tahimik ang buhay ko dahil wala namang pumapansin sa akin pero, madalas kasi akong nakakarinig ng masasamang salita sa kanila. Lagi nila akong pinag-uuspan, lagi nila akong hinuhusgahan. Kelan ba matatapos 'yon?

Pumunta akong kitchen para magluto ng pagkain. Kinuha ko ang takure at nag-init ako ng tubig. Bumili kasi akong ramen eto nalang ang kakainin ko for lunch. Paborito ko 'to kasi maanghang!

Pagkatapos kumulo ng tubig, nilagay ko na sa ramen. Tinakpan ko ng plato yung cup ng ramen at dahan dahang pumunta ng living room. Mahirap na baka matapunan ako ng mainit na sabaw. Manonood ako habang kumakain, siguro magmomovie marathon ako dahil wala namang gagawin.

Madalas akong magmovie marathon kapag Saturday. Para naman malibang ko ang sarili ko. Para kahit sa isang araw kada week eh may dahilan ako para ngumiti at magsaya, panahon para kalimutan muna nang panandalian ang mga problema.

Sinalang ko na ang cd at umupo na ako sa sofa. Harry Potter series ang papanoorin ko. Hindi ako sure kung matatapos ko lahat ngayong araw dahil ang hahaba ng movies. Aaminin kong ilang beses ko na napanood 'tong series na 'to dahil napakaganda ng Harry Potter. Hindi ako nagsising ito yung pinili kong panoorin. Ang gwapo ni Draco Malfoy! Hindi ko alam kung bakit pero siya yung favorite ko. Gusto ko rin si Hermione, ang ganda ganda talaga ni Emma Watson.

 9:00 pm na, grabe inabot ako ng gabi kapapanood. Hindi ko napansin ang mabilis na paglipas ng oras. Parang kanina may araw pa tapos gabi na ngayon. Kinusot ko ang mata ko at naghikab. Dahil dinalaw na ako ng antok, hindi ko na tinapos pa. Sa susunod nalang ulit siguro, napapapikit na kasi ako kanina nung nanonood ako. Naglinis na ako at dumiretso sa kama dahil tutulog na ako.

"Hi Devyn! Ahmm... eto chocolates for you sana tanggapin mo hehe."

"Salamat Aaron!"

"Wala yun Devyn! Basta ikaw!"

"Dev! Namiss kita!"

"Hi Stella! Namiss din kita! Kain tayo libre ko."

"Osige ba! Tara na!"

"Dev!"

"Devyn! Ganda mo talaga!"

"Devyn pwede ba tayong kumain minsan? Idol talaga kita eh!"

"I love you Devyn!"

"Devynnnn! Namiss kita!"

"Russell! Ano ka ba kanina magkasama lang tayo tapos miss mo agad ako?"

"Oo naman noh! Gusto kong lagi kang nakikita."

"Aww ako rin Russell."

"I love you Devyn! Forever and ever."

OutcastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon