Part 1

57 9 30
                                    

[EDITED]

"Nakasimangot ka nanaman.." Biglang sambit ni Alexandra.

"May nakasalubong lang akong bwiset kanina.. Eh ikaw.. Kumusta? Ang tahimik mo yata? Anong nangyari sayo?" Tanong ko.

"Ah... Wala.. Siya nga pala, Tambay muna tayo!" Sabi niya. At sabay kaming tumango. Umalis na kami at pumunta sa isang coffee shop..

Umorder na rin kami ng maiinom at saka umupo malapit sa may counter..

"So... Pogi ba??" Pangbasag niya sa katahimikan..

"Ewan ko ba.." Pogi naman talaga pero wala sa isip ko ang gustuhin siya. Pero.. Hindi naman ako tinatanong kug gusto ko siya, pero pagsinagot ko na pogi siya, yun ang susunod na tanong.. Alam na alam ko na 'to.

"Asus! Alam ko na yang ewan na yan!" Sabi niya, pero Iniba ko nalang ang usapan..

"Eh, ikaw.. Kumusta yun lovelife mo?" Nakangiting sambit ko. Nangaasar.

"Magkwento ka nalang kasi tungkol kanina!" Iritang sambit niya. At saka ko ikwinento.

"Sige na nga! Eto kasi yoooonnn..."

[FLASHHHBHHHAAACKKK]
Habang nag aabang ng masasakyan..

"Hi Miss.." Sabi ng isang lalaki..

Isang lalaki ang lumapit saakin..Pogi namn siya.. Pero di pasok sa gusto ko.. Siguro mga 40%

"Nagkita na ba tayo?"
[-_-]
"Siyepmre ngayon.. Haaaaayy mga tao ngayoooonn.. Tch." Walang ganang sagot ko.

"Pwede ba tayong magusap kahit saglit lang? Gusto mo mag coffee? Or dinner mamayang gabi? Pwede ko bang hingin yung number mo?" Nakangising tanong niya.

"NO." I said.

"May kapatid ka ba? Pamilyar yung mukha mo eh.. Please! Kahit mag coffee man lang tayo? Kahit saglit?" Pagmamakaawa niya.

"Exotic yung mukha ko, at maraming nagkakakagusto neto, kung sino man ang naging boyfriend ko, ang swerte niya dahil nagkaroon siya ng girlfriend na katulad ko.." BIRO KO PA.

Alam ko na! Siguro kilala niya yung ate ko!

"Please!!" Pagmamakaawa niya, hindi ko siya sinagot at saka siya ngumuso na parang bata.

"Kung hindi ka lang pogi, hindi talaga kita papansinin.." Bulong ko sa hangin.

"Ano kamo??" Sabi niya pa habang Nakangiti at nakataas ang kabilang kilay niya.

"Wala! Sabi ko pangit ka, bingi pa! Mukhang makakasapak ako ngayon ng pangit. pero naaawa ako, baka kasi lumala, Kaya sampal nalang kaya?.."

"Hay nako! Mga tao ngayoooon..." Panggaya niya sa linya ko.. "Hindi naman sa pagmamayabang.. Pogi naman ako eh." Nakakagigil!

"Excuse me Kuya! Tumingin ka rin kaya sa salamin pag may time! Wag ka nga'ng ano!" Iritang tugon ko.

"Alam mo.. Ang cute! Cute! Mo!" Sabi niya habang pinipisil yung pisngi ko.

"Hindi tayo close! Wag mo nga'ng anuhin 'tong pisngi ko! Nadumihan tuloy!" Iritang sambit ko

"May inilagay akong Calling card sa bag mo, call me when you want-- este, you need me. see you next time, Miss Cute!" Sabi niya at saka tinapik yung backpack ko.

'Ang bilis ng kamay ah! Baka may nakuha yun sa bag ko!

"See you mo mukha mo! I dont need you! Masagasaan ka sana!" Inis na sigaw ko sakanya.

Nakangiti siyang umalis at Sinundan ko siya ng masamang tingin hanggang makaalis siya.

"Ano daw?! miss CUTE?! Hindi 'to Cute! Maganda 'to!" Turo ko sa sarili ko..
Bwiset na bwiset talaga ako ngayon!!

May dumating na na taxi at nakasimangot akong sumakay.. Buti nalang talaga may aircon..
MY GHAAAAD

[ENDD OFF FLAAAASHHHHBHHHAAACCKK]

"One Macchiato please.. Thank you.."

''Sa dinami dami naman ng lugar, bakit dito pa!?

Iniwas ko ang tingin sa kanya.. Mayamaya pa lamang ay tinignan ko siya at nagtama ang paningin namin..

'bwiset nga talaga..

Tatango-tango siya ngumiti saakin.. pero iniwas ko ang paningin ko sakanya..

Mukhang may balak yata 'tong nilalang na 'to.

Pero maya-maya lamang ay lumapit siya sa table namin na may bitbit ang kanyang kape.

"Hi miss cute!!" Bati niya saakin..

Hindi ko siya pinansin..

"Sweet naman pala this bo-- Hi pogi! Anong pangalan mo! Kaano-ano mo ang kaibigan ko? Ikaw ba yung kanina? Siguro meant to be kayo! Bagay kayo!" Nakangiting sambit ni Alexandra.

Anak ng tipaklong naman talaga!

"Pwede ba akong makiupo?" Tanong niya saamin..

"Kasi.. Wala ng upuan oh.. Pwede ba?" Nagkibit-balikat lamang si Alexandra habang nakangiti.

"Tss.." Singhal ko at saka uminom ng kape.

"Umupo kana.." Pinaupo niya ang lalaki. "Ano nga ba pangalan mo, 'nilalang'??" Pagdidiing Tanong ni Alexandra at saka saglit na tumingin saakin.

"Ah.. Ha? Bat nilalang?" Tanong ng nilalang..

"K-Kasi.." Hindi pa tinuloy ni Alexandra ang pagsasalita at tumingin saakin at Tinignan ko habang salubong ang kilay ko.

" K-Kasi.. Ikaw yung.. Poging nilalang! Na napadpad dito!" Palusot ni Alexandra..

Nginitian siya nung lalaki..

"Tss.." Singhal ko.

Hindi na ako sumagot.. Nakakabwiset.. Nagbasa nalang ako ng libro... Ayaw kong makausap siya 'no lalo na ang kaKORNYHAN ni Alexandra! Pero bakit kanina.. Ang tahimik niya? Sabagay... Ganto yung sakit niya eh..

More Than Just RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon