Alexandra's POV
Ako po si Alexandra Marie Ochoa. Ang nagiisang magandang bestfriend ni Neiz! Actually ang bantot ng pangalan niya, inaasar ko nga yun eh.
At naniniwala sa kasabihang, ANG TAONG TUMATAKBO NG MATULIN, TIYAK NA MAY UTANG!!!==KOH FEE SHOP==
Yeah.. Ang bantot ng pangalan ng coffee shop na 'to! Sabi daw kasi nila.. Mary FE at KOlby daw ang pangalan ng mag-asawa kaya KOh FEe SHOP..CORNY!!
Btw..
Sino kaya tong poging 'to? Ang pogi masyado ng nakabanggaan ni Neiz, ang pogi talaga.. Palagi naman talagang pogi ang lumalapit sakanya, ewan ko ba!"Ano nga pala pangalan mo?" Tanong ko sa lalaki.
"Im K--" Bigla siyang napahinto ng biglang sumingit si Neiz.
"Tama na yang pagdadaldalan, mas mabuti pa ay lumipat ka nalang ng upuan, madami namang upuan diyan oh.." Singit ni Neiz habang nakaturo sa mga upuang walang bakante.
"Soooooooooo.. Ano nga ba ang pangalan mo?" Tanong ko. Bahala ka baklang Hadi, bahala ka! Mwehehehe im so baaaad.
"Uhm. Ako nga pala si Koby Keith Hamington." Nakangiting Sagot ng lalaki.
"Ang pogi naman ng pangalan mo!" Sabi ko sa kanya. "...Bagay sa magiging apelyedo ng anak niyo!"
"Huh? What do you mean?" Nagtatakang tanong niya.
"I mean, kung magiging kayo man ng best friend ko, bagay sa magiging anak niyo ang apelye.." napatigil ako sa pagdadaldal ko nang biglang tinakpan ni Neiz ang bibig ko.
"Alexandra.." Singit ni Neiz, mukhang galit nanaman siya sakin!
"Sorry naman! Biro lang yun 'no!" Sabi ko kay Neiz.
"Tsk.. Nice joke.. Nakakatawa .." Nakasimangot na sabi ni Neiz.
"Ohhh.. So you're Alexandra?" Sabi ni Koby.
"My name is Alexandra Marie Ochoa, the ninang of your baby!" Sabi ko sakanya.
"Alexandra, nakakaisa ka na.." Biglang singit ni Neiz.
"Eto talagang si Neiz.. Di man lang mabi-- Tae.." napahinto ako sa sinabi ko.
Alexandra.. Alexandra.. Madaldal na maganda.. Kahit kailan, di mapigilan, walang atrasan! Woooh!! Eto naaaa!!
Nagbitiw lamang ng malalim na buntong hininga si Neiz.
"Oh.. So ikaw pala si 'Neiz'? Di na pala kita tatawaging 'cute' kasi alam ko na ang pangalan mo.." Sabi ni Koby.
"Ganyan naman kayo palagi eh.. Paiba-iba.." Sabi ni Neiz.
Bat ko ba kasi nasabi yun?! Lagot ako nito mamaya..
"Ah.. Eh.. Pagpasensyahan mo na ang kadaldalan ko ah.. Koby, kung hindi na siya ang tatawagin mong cute, pwedeng ako nalang.. Hehehehe" sabi ko. Narinig ko siyang tumawa. Shackkks.. Ang cute ha.
Hanggang humaba na ang usapan at Nagkuwentuhan kami ng marami, MARAMI MARAMI! pero ganun parin si Neiz. Hay nako..
"Siguro kailangan ko ng umalis.. Mahaba-haba narin 'siguro' napagusapan nating.. Pwede ko bang hingiin ang number mo? Hehehehe.."
"Sure!" Nakangising sagot ko.
'Mukhang nabuhayan si Neiz, taeng buset! Sumaya dahil paalis na, aiiisssuuuuu!!'
"Thanks for the time Alexandra.. Neiz.. Thank you.. Sana magkita ulit tayo.." Nakangiting tugon ni Koby.
"No Thank you.." Nakangiwing sagot ni Neiz.
"Ang sama mo talaga Neiz.. Thank you Koby!! See you!" Sabi ko.
"See you!" Sagot ni Koby. Kinindatan niya naman si Neiz.
"Tch.." Singhal ng kumag!
Umalis na nga si Koby pero si Neiz ay ganon parin.. Loko talaga 'to kahit kailan.. KJ talaga.. Walang kadaldal-daldal.. Anong nakain neto?!
"Uyy Neiz!" Biglang sabi ko kay Neiz.
"Ano nanaman?!" Sagot niya.
"Bakit ba ang init ng ulo mo ha?!"
"Ikaw pa ang galit!?"
"Di ako galit 'no! Its just my anoww.. Tonow ng pananalita kow.. You know.." Biro ko.
"Di ako nakikipagbiruan Alexa.. Diba sabi ko sayo wag na wag mong banggitin ang pangalan ko, baka mamaya kung sino yang myembro ng sindikato o budol-budol gang yan! Atsaka, hindi kayo nakakatuwa, tigilan mo na yung lalaking yun Alexa.."
"Aishh.. Kilala mo ba yun? Nagseselos ka ba? Mukhang type ka nga eh.. Ang cute niyo tignan!" Sabi ko sakanya.
"Hindi! Mamaya na tayo mag-usap, may kasalanan ka pa saakin!"
"Sabi mo kanina.. Dito tayo maguusap, tas ngayon, mamaya nalang?" Nagtatakang tanong ko.
"Basta!" Sigaw ni Neiz. At saka siya umalis.. Dumating na ang gabi.. nakauwi na rin ako sa bahay at nakapagpahinga.
Bwiset ka Alexandra! Bat mo yun ginawa!! Ang daldal mo masyado! Mapapahamak ka neto!
Bat ko ba kasi yun ginawa? Aish..