Part 3

25 5 22
                                    

NEIZ's POV

Ako po si Neiz Hadi Natividad. Ang bestfriend ni Alexandra Marie Ochoa. Actually, hindi ko siya Bestfriend, sapilitan lang. Yan ang buhay. So ayon....
Matapos ang mahaba at nakakabwiset na araw na 'to.. Nakakabwiset talaga.. Talagang talaga!

Umuwi na ako sa bahay.. Dalawang araw akong hindi nakauwi dahil nakituloy ako kanila Alexandra.. Naglinis ako ng bahay at halos mahimatay na ako sa pagod.. Wala pang tao sa bahay dahil umalis si Ate Zein.. Tch..  At kapatid ko naman si Zein Cattley Natividad.. Ang wiwirdo ng pangalan namin..

"Nakakapagod!" Hinihingal na sabi ko sa sarili ko habang humiga sa sofa.

Hindi ko namalayan na Nakatulog na pala ako sa sofa..

Maya maya pa ay may narinig akong may bumukas ng pinto.. Sigurado akong si ate iyon..

"At may balak ka palang umuwi 'magaling kong kapatid'!?" Pagdidiing sabi niya saakin. I sighed.. I know right.

Hindi ko siya sinagot.. At nakapikit lamang..

"At may pahiga-higa ka pa diyan ah? Ano ka! Prinsesa!!"

[-__-]

Hindi parin ako sumagot..

"Hindi ka man lang nagluto o naglinis?! Saan ka naman galing?!"

"Galing ako kanila Alexa.. Naglinis na rin ako ng bahay.." Mahinahong sagot ko.

"Anong ginawa mo dun?! Hindi ka man lang pumunta dito?! Kahit na ako dito nagiisa, iniwan mo!"

'Nakakarindi..'

Dumilat ako at tumayo ako sa kinahihigaan ko.

"Wala namang silbi tong Tahanang ito kung hindi tayo kompleto, ikaw pa ang nagiisa? Mukhang hindi yata nababagay ang salitang iyon sa iyo. Kung magiiwanan na nga lamang, edi hindi na tahanan ang tawag non." Mahinahong tugon ko.

"Wala kang kwenta, kita mo namang mas matanda ako sayo, hindi mo ko nirerespeto!"

"Bagay sayo yung 'matanda'." Mahinang bulong ko sa hangin.

"Abay, loko ka pala! Wala ka talagang respeto!" Mukhang di na niya matiis.

"Owwss.. Sorry. Nakalimutan ko palang respetuhin yung matanda." Orayt. Double kill.

"Alam mo, kung hindi ka titigil, isusumbong na talaga kita, matutulog kasama yung mga baboy!" Sigaw niya sa akin.

'Respeto Neiz, Respeto.' natatawa  ako sa utak ko. Hahahhahahahhahahhahhah. Langya. Pero last na.

"Mas mabuti pang makasama kong matulog yung mga malulusog na baboy keysa makasama yung señior citizen sa TAHANANG ito na mas makati pa yung pwet keysa kay Dora." Huling sambit ko at saka nag grin. Orayt. Triple kill. Galing ko dun.

"Hoy Neiz! Hoy--!!"

Hindi ko na siya sinagot at Pumunta na lamang ako sa kwarto.

Itinext ko naman si Jacko.

Hoy, ihatid mo ko sa bahay ni Alexandra. Bilisan mo ah.
- Neiz

Maya-maya pa lamang.

Kung maka hoy ka naman, akala mo wala akong pangalan, tch. Malapit na ako..
- Jacko

Ang bilis ah..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

More Than Just RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon