Active Siya

7 0 0
                                    

Nako babe active ka na naman,
Chat mo rin ako kahit minsan,
Ay!Oo nga pala, wala kana dapat e-messege pa,
Kasi wala na tayong dalawa.

Bakit ganun? Madali ba akong iwan?
Kasi Ikaw hindi ko pa kayang iwanan.
Sino naman yang kachat mo ngayon?
Nagpapasaya ba sayo?
Kung ganun, masaya na rin ako.
Pero babe kung iyong mararapatin kahit tuldok o kuwit iyong e-send sa akin,
Pasensya na kung akoy naging desperada,
Pero ganun talaga kung Ikaw ay tunay na nagmamahal.

Active Siya, masakit na masaya.
Masakit dahil hindi na para sa akin,
Masaya dahil sa simpleng berdeng tuldok ay nagbibigay pag asa.
Ikaw bay aking e-chat? O Maghintay na magmessege pa?

Active Siya pero hindi ko alam kung ano dapat gawin.
Ang tulang itoy aking ginawa,
Wag kayong manghusga kung bakit ginawa ko pa.
Akoy umiibig lamang,
Pero nasaktan rin naman.
Kahit ganun naging masaya noong kasama ko siya.

Active Siya.
Babe magchat ka naman kahit like sign lang.
Kahit segundo ng iyong oras ilaan mo sa active kong chat box.
Miss na kita lalaki ka,

Active Siya at Mahal ko pa.

Words I Didn't SayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon