Chapter three - big brother

161 14 0
                                    

Pabalik na ako sa dorm room ko. At dahil sadyang maganda ako, hindi ako napapansin ng mga bantay.

Pumasok ako sa loob ng kwarto at inilock.

12:42

Maaga pa.

Naligo muna ako bago nagbihis. Nakapatay na ang ilaw ng dorm ko kasi lights out na. Mahirap na, baka mapuntahan ako ng dean ng wala sa oras.

**

Pagkagising ko, agad akong nagtungo sa banyo.

Nagbabad ako sa bathtub na may petals ng redroses.

Paano kaya ako makakaalis ng school na to? Ano meron dito? Gusto ko ng umalis ng school na to! Ayoko dito!!

At dahil likas na matalino ako nakaisip agad ako ng plano.

Nagbanlaw na ako tska nagbihis. Tsk! May pasok nga pala ako ngayon.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas.

"Sya yung transferee na nambato kay president."

"Infairness, ang ganda!"

"Ghad! Gusto ko maging sya!"

"Sya daw yung kauna-unahang nanakit kay Zeke e! Gosh!"

Bulong ba yan? Parinig na yan e! Tsk!

Dumeretso na ako sa classroom at umupo sa third row katabi ng bintana. Buti wala pa yung teacher namin.

Kinuha ko yung divergent book.

Pano kaya kung totoo ang mga factions? Paano kung may divergent din? Edi magkakaroon ng gyera? Katulad ng Erudite at Abnigation?

"Goodmorning, Class!" Nagsiupuan yung mga kaklase ko at tumahimik.

"Goodmorning, Ma'am Dela Torre!" masigla namang sambit ng mga kaklase ko.

"You have a new classmate. You may introduce yourself." tumingin sa akin sa maam at tumango.

"I'm Athena Zyrene Tuazon. Call me Zyrene. Kung sino man ang tumawag sa akin ng Athena malalagot sa akin." wow! Death Threat!

"So.. What's your magic?" tanong ng isang babae.

"Random Magic." Hindi ko nga pala nabanggit sa inyo na may magic ako. Random pa!

"A-as i-in R-rand-dom?" May naamoy akong takot a.

"Yes. Wanna try?" Innocent look ang ibinigay ko sa kanya kahit sa kaloob-looban kong halos humalpak kakatawa.

"U-uh.. Hindi." agad itong umupo.

"S-so.. M-miss Tuazon, you may go back to your seat." bilang tugon, tumango ako at bumalik sa aking pwesto.

Yun pala yung kakaiba dito sa school na to. Mundo na to ng magic. Dati kasing pinapasukan ko hindi naniniwala sa magic tapos ngayon sila pa ang meron.

**

Sarap naman tulugan tong klase ni maam. Kaantok!

Kung pwede lang sana break na--















OO NGA NUH!!

BAKIT DI PUMASOK SA UTAK KO YUN KANINA?

Tiningnan ko ang orasan sa taas ng black board ni maam.

One hour pa!

Tinitigan ko yun at nagsabi ng spell. Agad na bumilis ang lahat at biglang..

**KRRRIIIINNNGGG!!!**

Taming The Mysterious Princess Of ArcadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon