Chapter 13- The Secret Garden

75 4 1
                                    

[Jenny Jeriah Dashivon on multimedia.]

Ngayong nakakulong ako sa nagyeyelo kong kwarto, hindi ko alam kung paano makakaalis dito. Kasalanan ko bang hindi ako marunong magcontrol?

Nagisip nalang ako ng paraan para makalabas dito sa lintik na kwartong to. Kung ang yelo ay natutunaw sa mainit na bagay pwedeng maging tubig at the same time ay magevaporate. Pwede! Pwede! Ang talino mo talaga Zyrene!

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng lighter at kandila. Magsusunog ako ng dorm! Bwahahahaha! Joke lang! Tutunawin ko lang naman itong lintik na yelong to.

Sinindihan ko ang kandila gamit ang lighter at idinikit sa yelo. Aba! Napakalupet naman!

Ang yelo, hindi man lang natunaw. Hindi nga nagtubig e. Dinikit ko pa lalo yung kandila sa pader pero namatay lang ang apoy.

"Buiset!" I shout at frustration.

Paano ko na to maaalis?! Nakakat*****a naman e! Nakakabu*set.

Kumuha nalang ako ng tubig dahil na uuhaw na ako. Sakto namang napatid ako sa hagdan kaya natapon yung tubig. Ang malas ko talaga ngayong araw! Basa na tuloy ako! Bu*set!

Tumayo ako at piniga and damit Kong basang basa.

Tumutulo ang tubig mula sa damit ko kaya napatingin ako sa sahig. Natutunaw na ang yelo. Tubig lang pala katapat nyan e! Naghirap pa tuloy ako kanina.

Pumunta ako sa CR at kumuha ng isang baldeng tubig. Binuhos ko lang naman sa buong dormitoryo.

Ng matapos na ako sa pagbubuhos ng tubig, nagmop na ako kasi muntik ng bumaha dito sa loob.

Ayan! Tapos na! Humiga ako sa sofa at natulog na. Hayy!! Kapagod!

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Nagising ako ng sumasakit ang katawan. Gabi na pala kaya naligo nalang ako ng mabilis at tska bumaba na papuntang canteen. Nagugutom na ako.

Pagkarating ko sa canteen, agad akong nag order ng Kanin at ng Caldereta. Umupo na agad ako sa malapit na lamesa dahil konti lang ang nandito sa canteen ng ganitong oras.

Iniisip ko lang, bakit ako nagsummon ng ice wall sa kwarto? Paano yun nangyari? Bakit ako nagkaroon ng ganoong kapangyarihan? Bakit ngayong hindi ko pa namamaster ang ibang kapangyarihan ko? Bakit ganoon? Hay! Sasabog na yung utak ko kakatanong sa sarili ko at pagiisip sa nangyaring insidente. Kaasar! Nakakainis kasi itong kapangyarihan ko e.

Pagkatapos ko kumain, ibinalik ko na ang plato sa counter. Lumabas na ako ng canteen at naglakad sa garden para mag pahangin.

Pagkarating ko, humiga agad ako sa damuhan. Nagtutusok-tusok sa likod at mga braso ko ang berdeng mga damo pero ang sarap sa pakiramdam. Feeling ko mas mahiwaga pa rito kaysa sa ibang garden. Ang lamig ng simoy ng hangin na dumadaplis sa maputi kong balat. Madilim ang paligid kung walang buwan at mga bituin na nagsisilbing gabay sa aking tatahakin.

Pinikit ko ang aking mga mata at inamoy ang paligid. Parang mga magagandang bulaklak na nagsama sama para maging mahalimuyak ang amoy ng paligid.

Pero....

Parang.. Parang may mali..

Mali... May mali talaga e....

Idinilat ko ang aking mga mata at tama nga ako.. May mali talaga.

Nakahiga na ako sa isang maliwanag na hardin. Oo, Maliwanag dito. Maraming bulaklak sa paligid, mga paru-paro na dumadapo sa mga bulaklak at damo.

Pero ang nakaagaw ng aking pansin ay ang dumapong malaking paru-paro sa hintuturo ko. Hindi pala, isa syang fairy. Kulay red na fairy.

[Isipin nyo nalang po, kulay red yung pakpak nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Isipin nyo nalang po, kulay red yung pakpak nya.]

"Magandang araw, binibini. " bati nya. "Ako si Cherry the red fairy. Nais ko lang sanang malaman ang iyong pangalan at kapangyarihan."

"Why? " tanong ko.

Ngumiti lang sya ng bahagya.

"Pangalan at kapangyarihan lamang."

"Athena Zyrene. Technicalist."

"Hindi iyon ang iyong pangalan, binibini. " nangunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

Paanong hindi iyon ang aking pangalan? E, iyon nga ang sinabi sa akin ng dean.

"Hindi?"

"Hindi. Malalaman mo rin. "

Pinatayo nya ako at nagsabi ng spell.

"Τηλεμετατρέψτε μας στο μυστικό κήπο."

Nagkaroon ng magic circle na kulay violet sa paanan ko. Mga greek word na umiikot sa bawat layer ng magic circle na umaabot sa ulonan ko. Ang hiwaga sa pakiramdam ko.

Pagkakurap ko, ibang garden na ito. Hindi na katulad nung dalawang nauna. Mas maganda at mas mahiwaga dito.

May waterfalls na sobrang taas. May mga punong nagsasayawan sa ihip ng hangin. Mga bulaklak na unti-unting bumubukas. Mga caterpillar nagiging larva, at mga bagong silang na paru-paro. Ang kukulay ng mga bulaklak. Ang silaw rin dito at ang pagiging pinaka mahiwaga sa ibang garden na nakita ko ngayong araw.

"Inang kalikasan, naririto na po sya." Sabi ni Cherry the red fairy 'daw'.

Hindi ko na napansin na nakatapat na kami sa isang trono na inuupuan ng isang babaeng nakakulay puting damit.

"salamat, Cherry. " sabi naman ni inang kalikasan. Nagbow muna sa si Cherry bago umalis.

"Pinatawag kita para ibigay sa iyo itong makamapangyarihang sandata na maari mong gamitin sa nakatadhanang panahon. Ingatan mo ito ng buong puso at isipan. Wala dapat na makaalam na nasa iyo ang na makapangyarihang perlas na sandata." Sabi nya at ibinigay sa akin ang perlas na kulay orange.

"Pero.. Bakit po ako? I mean, Bakit ako ang pinili mong paubayaan ng makamapangyarihang perlas na sandata? Hindi naman ako magaling. Hindi rin ako malakas. Pero.. Bakit po ako? " tanong ko sabay tingin ulit sa perlas.

"Dahil ikaw ang nakatakda. Naitakda ka na ng nakatataas kaya wala na tayong magagawa pa. Nasa sa iyo na iyan kung tatanggapin mo o tatanggapin mo. Dalawang choice lang iyan. Athena..."

*-*-*-*-*-*-*-*-*

Hindi ko parin magets kung bakit ako ang pinili para hawakan ang makamapangyarihang perlas na sandata.

Hindi ko na nga rin alam kung paano ako nakabalik dito sa dorm e. Hindi na rin ako naka tulog dahil umaga na rin lang. Mga 4:30 chuchu na ng umaga.

Hay...sumasakit yung ulo ko. Grabe.. Makatulog na nga lang ulit.

*****

Annyeonghasaeyo! Bogosipda! Sana po pagpasensyahan nyo ang pagtagal ng update ko. Mahal naman kita e. 😘😍😊 at tska nagloko kasi so wattpad kaya Paulit ulit kong pinapublish at unpublished. Kaya sorry talaga.

Thanks for waiting for my update.

See yah! Mush!

Taming The Mysterious Princess Of ArcadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon