"KRIIIIIINGGGGG!" isang malakas na alarm ang bumungad sa umaga ni Clinton, maaga itong gumising dahil may usapan sila na sasamahan niyang mag-enroll si Kaitlyn dahil wala ang magulang nito dahil may hinahabol na deadline sa trabaho kaya naman siya ang binilinan ng mga ito.
Mabigat man ang katawan ay pinilit bumangon ni Clint dahil sa naiatang na bilin sa kanya. Naghanda na ito at maya maya pa ay pupunta na ito kina Kaitlyn para silipin kung ok na ba ito.
"Dingdong!" pindot nito sa doorbell. Wala pang bumubukas ng pinto at gate kaya inulit niya ang pagpindot.
"Dingdong! Dingdong!"
"Teka lang, eto na oh? Atat? Atat?" Pambungad ni Kaitlyn.
"Talagang naatat na ko, aga ko kayang gumising." Si Clinton
"Asus, nagpaparinig ka ba? O sige, si Manang na lang isasama ko, hiyang hiya naman ako sayo e." Si Kaitlyn kasabay ng paghagalpak nito.
"Ikaw mahiya? Wow bagong word ata yan?" Pang-aasar ni Clinton.
"Edi shing!" Sabay tapik sa braso nito.
"Aww! Nanakit pa oh? Mukhang si Manang na lang ang isasama mo."
"K! Bye!" Kasabay ng pag-walk out nito. Hinabol naman siya ni Clinton at hinawakan siya sa kanyang braso.
"Joke lang, to naman. Edi nasayang yung maaga kong gising?" Pagsusumamo nito ngunitahahalata pa din sa tono nito ang pang-aasar.
"Ge, tara na at baka mahabang pila ang maabutan natin." Si Kaitlyn.
"G!"
Naglakad sila hanggang sa kanto ng kanilang subdivision at dun na nag-abang ng masasakyan. Nakarating na sila sa school na page-enrollan ni Kaitlyn. Tourism ang napiling kurso ng dalaga dahil sa gusto nitong makapag-travel sa buong mundo at makipagkilala ng iba't ibang lahi. Nagtanong muna sila sa guard kung san ang admission at ng malaman nila ay agad ng tumungo dun at nagpa-enroll na.
"Ma'am, eto na po yung enrollment form." Abot ni Kaitlyn sa admission officer.
"Ok Ija, wait for you to call my name, just wait there together with your boyfriend." Wika ng admission officer.
"Ma'am, di ko po siya boy-" naputol ang nasabi ni Kaitlyn dahil umalis na agad ang admission officer. Napatingin na lang ito sa tumatawang si Clinton.
"Bakit ka tumatawa?"
"Wala, todo depensa ka kasi dun sa babae e." Si Clinton kasabay ang mapanlokong tawa.
"E totoo naman e, bakit? Boyfriend ba kita?!"
"Oo." Tumatawa pa din ito.
YOU ARE READING
DEAR CRUSH
RomanceSimula pa bata tayo ay nagkakaroon tayo ng crush sa isang tao, ngunit pano kung hanggang sa pagtanda pala ay parehas pa din ang nararamdaman natin para lang sa iisang tao?