Lahat tayo nagkakaroon ng crush, simula pa bata tayo. Pero pano kung hanggang sa pagtanda natin eh patuloy pa din tayong humahanga sa iisang tao lang?
Meet Clinton Grey Villamonde. A guy who has a crush to his childhood bestfriend named Kaitlyn, they were bestfriends since they were born, kasi bestfriends ang kanilang ina at magkapitbahay pa kaya halos araw na araw na silang nagkakasama, magkaklase at napagkakamalang magkasintahan nung kapwa nakatungtong sa Junior Highschool, pero ngayong nakatapos na sila ng Junior High ay dito na mag-iiba ang kanilang pagsasama dahil iba ang gusto nilang kurso at wala ang kurso ni Clinton sa eskwelahang papasukan ni Kaitlyn kaya dito masusubukan ang kanilang pagkakaibigan.
Si Kaitlyn Isabelle Concepcion naman ay matuturing na campus crush dahil sa angkin nitong kagandahan, simple lang ito at di mahilig mag-ayos ngunit marami pa ding nabibighani dito, magaling kasi siyang makisama at maituturing pang tunay na kaibigan, matalino at mabait kaya masasabi mong nasa kanya na ang lahat. Pero pano kung malaman niya na ang pinakamatalik niyang kaibigan ay iba na pala ang turing sa kanya? Pano niya maiiba ang pakikisama dito? Magiging ganon pa din ba siya dito o iiwas na lang para di ito makasakit at protektahan ang kanilang matagal ng pagkakaibigan?
YOU ARE READING
DEAR CRUSH
RomanceSimula pa bata tayo ay nagkakaroon tayo ng crush sa isang tao, ngunit pano kung hanggang sa pagtanda pala ay parehas pa din ang nararamdaman natin para lang sa iisang tao?