BMA#5 Who is who?

16 4 2
                                    

Nang lumapit ako sa bintana kanina, inakala ko na nanggaling ang putok sa labas ngunit hindi. Mali ang akala kong iyon. Dahil kung nanggaling nga iyon sa labas, ang mga piraso nang basag na bintana ay dapat nakakalat sa loob ngunit wala. Maging ang pagtama ng bala sa ulo ni Clarisse ay nagsasabing nagmula ito sa loob at hindi sa labas. An inside job.

Mga dalawangpong minuto na ang nakalilipas nang dumating ang mga pulis mula sa crime investigation department. They secure the crime scene. And unfortunately, hindi nag nagawang malapatan pa nang paunang lunas si Clarisse dahil namatay din ito agad.

Pinalabas kami upang makuha ang mga statement ng bawat isa sa amin. May mga dumating din na mga tauhan mula sa briefing department upang masiguro na wala sa amin ang mato-trauma. Tulad na lamang nang kumakausap sa akin ngayon. "You must be really scared, Julienne?" she asked. Sinabi ko na ba ang pangalan ko kanina? Hindi ko matandaan.

Hindi ko na lang inintindi at tumango na lamang bilang tugon.

Luminga linga ako. Hinahanap ng mga mata ko sila Chloe. Nang dumating ang mga pulis ay bigla na rin silang nawala.

May mga umiiyak sa ilang babae na kaklase ko. Siguro ay natakot sila marahil dalawa ang nakita nilang namatay sa kaklase namin. Ang ilan sa mga lalaki sa amin ay ang masinsinang kinakausap ng mga pulis. Lalo ang mga taong malapit sa dalawang biktima.

Bumalik lamang ang tingin ko sa aking kaharap nang kalabitin niya ako. Kanina niya pa ba ako kinakausap?

"Kumusta ang unang araw?," mahinhin niyang tanong sa akin. Ngayong nasa kaniya na ang buo kong atensyon ay ngayon ko lamang napansin ang kaibahan niya sa mga dumating mula debriefing department. Walang suot na lab coat, wala ang papel o kung ano man ang maaari niyang pagsulatan ng mga sasabihin ko. Ang tanging hawak lamang niya ay isang kilalang brand ng mobile phone. Ang latest issue ng iPhone. Ito ay kulay abo at hawak niya ito gamit ang kanang kamay.

"Hindi maganda. Unang araw ko pa lang dito pero may hindi kaaya-ayang pangyayari na."

Umayos siya nang pagkauupo. "Ano ang tingin mo sa krimen?," she asked.

"It's an inside job--," napatigil ako sa pagsagot dahil may iba sa tanong niya. Hindi ba ang dapat niyang gawin ay insure that I'll not be traumatized or what. Pero... Napatingin ako sa kaniya. I scanned her.

Tumayo ito. "So, iyon pala ang tingin mo? Paano mo naman nasabi?," she said while grinning.
"Bakit ko naman sasagutin ang tanong mo?," I cleared my throat. "Sino ka? Sa tingin ko ay hindi ka taga debriefing department..." I asked. Hindi ako kumurap at tumingin lamang sa kaniya nang diretso. Para mahuli mo ang isang tao na nagsisinungaling ay tingnan mo ito. Observe them.

"You're really something, Julienne. Kaya pala..." bulong nito.

Tumayo na rin ako. "Ano'ng sinabi mo?," tanong ko sa kaniya pero ngumiti lang siya.

"Wala... anyway, iyan na lang lahat ang itatanong ko. Paalam," ani niya at tumalikod na upang umalis.

Muli itong humarap upang kindatan ako. Weird.

Kinuha ko ang selpon ko upang tingnan kung may nakaalala man lang sa akin. Pero, wala. Nang abala ako sa pagtingin sa aking selpon ay may kumalabit na naman sa akin. Isang lalaki na naka-lab gown, may salamin, ang kulay ng balat ay tila porselana, at may dalang mga papel.

Tingnan ko siya nang puno ng pagtatanong sa mukha.

"May mga itatanong lang ako tungkol sa nangyari kanina, debriefing lang," ani nito.

Itatanong?

"Pero may nagtanong na po sa akin kanina," sabi ko.

Tiningnan niya ako nang tila nawiwirduhan siya sa akin.

"Ako ang naka-aasign na magtanong sa mga babae," Tiningnan ako nang maigi. "... at hindi pa kita natatanong."

"Sino po iyong--Fvck!," sabi ko sabay tumakbo na. Kailangan ko mahanap kung sino man ang babaeng iyon!

Tama nga ang hinala ko. Hindi siya taga-debriefing department. Iyon siguro ang dahilan kung bakit kinutuban ako sa tanong niya. Sino ba siya!

"Bumalik ka dito! Hindi pa kita natatanong!," sigaw ng lalaking kausap ko kanina.

Sorry po Kuya pero mas mahalaga na makita ko iyong babae kanina. She may knew the culprit.

Nagpalinga linga ako. Ilang minuto pa lang ang nakalilipas. Imposibleng nakalabas na agad siya o nakaalis man lang.

Dumiretso ako sa hallway ng  school dahil baka doon siya dadaan.

Ayon siya! Maabutan pa kita.

"Hinto! Ate! Huminto ka!," sigaw ko pero tila hindi niya ako naririnig. Nagpapahabol ba siya?
Lumiko siya sa kanang alley. Sinundan ko siya pero...

"Ano ba! Sino ka ba!," may nagtakip sa aking bibi gamit ang isang puti na panyo. May naamoy ako. Pampatulog.

Ang amoy na ito ay nagdudulot sa akin nang pagkahilo. Maging ang katawan ko ay hindi ko maigalaw. Namamanhid.

Binitawan at inihiga ako.

Abot na sana kita. Kaunti na lang.
Sa posisyon ko ngayon ay kita ko pa rin ang babaeng hinahabol ko. Huminto siya ngunit hindi humarap.

Ikaw ba ang salarin? At kaya ginawa mo sa akin ito ay nang hindi kita mahuli?

"Marami ka pa na bagay na dapat malaman, Julienne," sabi nito at nagpatuloy sa paglakad.

At iyon ang mga katagang narinig ko bago ako tuluyang lamunin ng dilim.

Bloody Mary AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon