Sa Ngayon

0 0 0
                                    

Isinumpa kong kailan may di iibig
Sa katulad mo o sino mang sa iyo ay malapit
Ngunit dumating ka anomang gawing alumpihit
Diwa koy ginulo pag ibig sa puso koy gumuhit.

Akala koy tulad ka lang nila
Magandang facade at magandang istruktura
Ngunit nang masilayan pigura mo at itsura
Parang sa kinatatayuan ko ako'y pakong pako na.

Wala ka mang sabihing salita
Ngunit nangungusap iyong mga mata
Pati buhok mong kahit di mo sinuklay
Di man lang natablan ng pagkadisgusto bawat kong himaymay

Nakadagdag pa ng kakaibang excitement
Ang pagiging suplado mo at di madaling mag compliment
Di ka rin friendly at patient
Kaya nga di mo pinatapos inatenan mong event

Sarap siguro pisilin mga muscles mong putok sa iyong Tshirt
Di mo man hubarin hakab na hakab pa rin
Wag ka di ako madaling matuliro
Ng basta lang lalaki kahit pa gwapo

Ngunit iba ka kasi pati iyong tindig
Di ka man mag ayos at di umabot sa pandinig
Ang ganda mong lalaki at ang kisig
Parang nagsisising nagsumpa ako na sa yoy di iibig

Sabihin man nilang di tayo talo
Pero iba ang tibok ng puso ko
Di naniniwalang ikaw sa Pederasyon ay miembro
Kahit siguro pruwebay makita ako nga ay di pa loloko.

Sabi nga nila ay landiin ka
Aba di naman ako ganyan kababa
Pero pag ito pinatagal Mo pa
Ibang usapan na yan, Ako na'ang bahala.

Di ka man maabot dahil sa yong estado
Ako rin ay hindi nababagay sa tulad mo
Maharlika ang dugo pati APELYIDO
Bakit pa kasi ako adik sa mga gwapong tulad mo!

Heto at tungkol sa yo ay isinusulat
Nang ang mga mata ko ay mamulat
Sa katotohanang isisiwalat
Na kahit kailan pag asa sa iyo ako ay salat.

Di matitibag yaong pader na nakatayo
Sa paligid ng isang mala prinsipeng katulad mo
Nais ko lang naman sa aki'y umamo
Kahit sa panaginip sana ay ikaw ngay dala ko.

EwanWhere stories live. Discover now