Adventure

16 1 0
                                    

All in this story originally made by me. Names, places, events and scenarios are all imaginations.But learning lessons will take you to reality.
(Photo credit sa creator, Google thank you!)

***

Pasukan na naman, as usual pag ganitong pasukan, matraffic at agawan sa pag sakay ng jeep kaya naisipan kong gumising ng maaga. Mahirap lang kasi kami at walang motor o kotse na sasakyan kung di bisikleta lang na ginagamit pa ni tatay sa pag deliver ng pandesal.

"Manong bayad po sa SCIC lang po" sabay abot ko ng 10 pesos. Nang maibalik na ang 2 pesos ko na sukli umayos ako ng upo. Hindi ko magawang isandal ang likod ko dahil sa mister na katabi ko. Dahil sa 4"11 lang ang taas ko at sa malaking lalake ang katabi ko, tapos nakahawak pa ang kaliwang kamay nya sa hawakan ng jeep. Ang siste halos isampa nya ang kili kili nya sa balikat ko.

"Kainis naman to, buti nalang mabango ka kuya kasi kung hindi tusukin talaga kita ng pardible sa kili kiki." Sabi ng isip ko. Talagang wala ng gentleman sa mundo kaya eto ako nagtiis na naiipit at si kuya deadma lang sa pagkiskis ng kilikil sa balikat ko.

Nang malapit na ako sa San Carlos Institute College bumaba na ako ng jeep, sabay sabi sa lalakeng katabi ko "kuya next time be a gentleman hindi yung isinasampa mo ang kiliki mo sa balikat ng katabi mong babae" sabay belat at hindi na ako nag abalang tingnan ang mukha nya at humarurot pababa ng jeep tapos lakad takbo papasok ng gate, mahirap ng malate first day of class. Baka ma"tag" ako ng professor ko,first impressions last pa naman.

Dahil may 20 mins pa naman before mag start ang class nagpunta muna sya sa cafeteria para bumili ng sandwich at isang coke in can at umupo sa may gilid sa isang baitang ng hagdanan para madali akong makaakyat sa 2nd floor para sa first subject ko.

Graduating na kasi ako at hindi na halos kami nagkikita ng mga friends ko dahil magkakaiba kami ng major na kinuha, sa mga minor subjects lang kami nagkakasama. Tumayo na ako habang kagat kagat ko pa ang sandwich ko then nagbend ako because I need to pick up my bag ang my other belongings at ang coke.

Hindi ko na nagawang iangat pa ang ulo ko ng matumba ako dahil sa pagkakabunggo sa akin ng isang lalake na kala mo hinahabol ng mga pulis. "Aray!" Napangiwi nalang ako dahil bumagsak ang pwetan ko sa unang palapag ng hagdan. "Sorry Miss, nagmamadali kasi ako hindi kita napansin". Paumanhin naman nito at inalalayan ako sa pagtayo.

"Okay lang kahit hindi okay, sana sa susunod mag iingat ka, pano kung nahulog ako at gumulong dito sa hagdanan tapos nabagok ang ulo ko, tapos namatay ako, pano nalang mga pangarap ko at at ang mga taong umaasa na maitataguyod ko sila sa kahirapan?"

Mabahang salita ko na hindi nakaitingin sa kanya dahil pinapagpag ko ang pwetan ko na hanggang ngayon masakit parin. Nang mag angat ako ng tingin ay natulala ako dahil lahat na ata ng magandang physical features nasa kanya na. Napatulala ako slightly dahil sa ganda ng shape ng mata nya at sa nakaawang nitong bibig at makita ang pantay pantay na mga ngipin nitong mapuputi.

"Mukhang okay ka nga kasi ang haba ng sinabi mo wala kong naintindihan kundi ang magingat".

Sabi nitong naka smile.. "amputek! At ngumiti pa, hala sya!" Nagmamaktol ng isip nito. "Yung totoo? Nakataas ang kanang kilay. You seem not so sure about saying sorry, parang hindi ka naman apologetic sa salita mo, sarcastic pwede pa" inayos na ang mga gamit nya at tuluyang umalis.

Pero may kilig syang naramdaman "tangna! ang gwapo ng mokong makalaglag panty!" Napailing sya sa naisip nya at bumuntong hininga. At tuluyan na syang pumasok sa klase nya.

Natapos ang araw ng unang klase nya. Sa labas ng campus ay may 15 minutes na syang nag aabang ng jeep at dahil rush hour pag 5pm hirap makasakay. Saktong may tumigil na jeep sa harap nya dahil may bumabang isang pasahero pasakay na sana sya ng may sumingit na lalake "ay palaka!" Nagulat sya ng tabigin sya nito. "Teka ako nauna ah?" Sabi nya sa lalake na nakatalikod dahil nasa loob na ito.

Kung Pwede Lang SanaWhere stories live. Discover now