The Moves

5 1 0
                                    

"AM mag overtime ka muna ngayon marami tayong customer at hindi makakapasok si Nicky may sakit daw." Sabi ng boss ni Athena. AM ang tawag sa kanya dahil masyadong mahaba ang pangalan nya, at kung Athena naman daw ay para syang amazona kay AM nalang ang tawag sa kanya. "Yes boss, okay lang tutal wala naman akong pasok bukas sa school, maghahanap lang ako ng a applyan for my OJT." Nakangiti nyang wika sa boss nya.

Habang inaayos nya ang kanyang apron dahil natanggal ang tali nito sa likod ay may nakatayo sa harap ng cashier at naghihintay na lumingon sya. Nang matapos na ito sa ginagawa nya at mag angat ng tingin ay nagulat pa sya ng makita ang lalake sa harapan nya. "Ehem, ah good afternoon Sir welcome to Masters's Coffee, can I take your order SIR?" Pinagkadiinan nya pa ang salitang Sir, wearing her awkward smile. Dahil naalala nyang mga nangyari kaninang hapon. "1 Espresso Macchiato and blueberry cheesecakeplease". Seryoso nitong sabi at tila hindi sya kilala dahil blanko ang expression nito.

"Buti nalang hindi sya nakilala, pero nakakapagtaka naman kasi kasama nya pa ito ng pumasok sya sa coffee shop?" Dikta ng isip nya. "Ah excuse me Miss didn't you hear me? Tanong nito sa kanya. Na ngayon ay nakatitig sa mga mata ni AM. "So sorry sir, you order 1 Espresso Macchiato and 1 blueberry cheesecake, for dine in sir?" Medyo napapahiya nitong sabi sa binata. "Yes please, can you serve it in 5 mins?" Tanong nito. "Sorry sir, but there are 2 orders ahead of you. That will take 10 minutes before your order sir." Paliwanag nya dito. "Hindi ba pwedeng mauna ako?" Pakiusap nito sa dalaga. "Sorry sir, we have rules to follow para hindi po magulo ang sistema." Nakangiti parin nitong sabi sa binata. "Okay then 10 minutes, sharp, kung hindi you will be liable for my demands". Pagkasabi noon ay tumalikod na ito at naghanap ng bakanteng mauupuan. "OMG! Ano daw? Me liable for what?" Takang tanong nito sa sarili.

Dahil busy ang barista nila sa dami ng orders ay tinulungan nya na din itong mag prepare ng nga orders since wala pa naman pila sa counter  dahil nakuha nya na lahat ng orders. Nakaramdam sya ng kaunting kaba ng mapatingin sya sa lalakeng umorder ng Espresso Macchiato at nginuso nito  ang 2 minutes left kaya nabitawan nya ang stirring stick.

Napatingin sya sa wristwatch nya at napamura "tangna totohanin nga ata ng kumag ang sabi nya". Halos ma.out of focus sya sa ginagawa nya kaya nagkamali naman ito sa pagtimpla ng kape. "Ano ba yan AM, are you okay? Saw kanina ka pa, ako na lang dito at baka.kung mapaano ka pa. Bumalik ka nalang sa cashier okay." Sabi ni Teddy na kasama nyang barista. "Ah okay, do you mind if ako nalang maghatid ng Espresso Macchiato hindi ko kasi nakuha ang name ng nag order pero kilala ko naman ang mukha nya." pagpapaalam bya kay Teddy na nagtataka dahil ngayon lang sya nagkamali sa trabaho. "Okay, sige tapos na ito ihatid mo na." Wika ni Teddy kay AM. Kinuha nya ito agad at hinanap yung lalake ngunit biglang nawala sa kinauupuan nito kanina. " saan naman kaya nagpunta yun?"

Hinanap nya ang lalake sa lahat ng table at nakita nya itong pumasok muli sa loob ng coffee shop. Naisip nya na may kinausap siguro sa cellphone kaya ito lumabas dahil napansin nyang ipinasok ito sa bulsa ng pants nya. Lalapitan nya na sana ito ng mapatid ang kanyang paa ng laptop cable wire na nakalatag sa sahig. "Ay shit!" Sigaw ng lalakeng nakaupo dahil natapon sa kanya ang kapeng dala ni AM. "So..sorry sir!" Sabay lapag ng tray na may mug ng kape na dala nya kanina at kinuha nya ang dala nyang towel para punasan ang damit ng lalake. "Stop! Tanga ka ba o bulag at hindi mo tinitingnan ang nilalakaran mo?" Galit na sigaw ng lalake. "Eh, sir kung hindi mo po sana nilatag sa daanan ang cable ng laptop mo hindi po sana ako mapapatid." Pangangatwiran nito. "So kasalanan ko pa ha? Eh ikaw itong naglalakad, dapat ginagamit mo ang mga mata mo para makita ang dinadaanan mo!" Sabay duro sa kanya." Where is the manager? I want to talk to the manager not to you bitch!" Akmang sasampalin sana sya nito ng may pumigil sa kamay ng nagwawalang lalake. "Sorry to disappoint you Mr, but I think violence is not allowed inside this coffee shop, so as you said you want to talk to the manager?" Matikas na sabi nito, mahahalatang nagtitimpi ang galit sa mga mata at binitawan nya ang kamay ng lalake. "Yes! Are you the manager? I want you to fure this dumb woman here!" At dinuro na naman sya nito. Namumula na ang kanyang mga mata, dahil sa pagpipigil nya sa pagluha. Napatingin sa kanya ang lahat ng customer na dahilan upang sya ay mapayuko at hindi na napigilan ang pagluha.

Kung Pwede Lang SanaWhere stories live. Discover now