Chapter 3

79 0 0
                                    

habang nagluluto kami ay di ko na namalayan na nagiging komportable na ako sa kanya...

para bang matagal ko na siya kilala kahit ngayon ko lang siya nakita...

"ahmmm... teka nga lang muna... kanina pa ako miss ng miss"...

"oh... tapos?"...

"ahmmm... ano pala name mo?"...

"tawagin mo na lang ako sa palayaw ko na ann... nik"...

"ok... hehehe... teka lang paano mo nalaman na nik ang palayaw ko?..."

at di na niya nagawang sagutin ang tanong ko dahil sa niluluto namin...

busy-busy kunware ang peg...

at iyon na nga...

medyo nakalimutan ko na ulet itanong sa kanya iyon...

ng matapos maluto ay nagsikain na muna kami...

habang kumakain kami...

ay iyon din ang panay kwento niya ng walang kabuluhan...

may mga tanong ako na pinipili lang niya sagutin...

kapag ayaw niya ang topic ay di niya ako papansinin...

kunware walang narinig...

napakamisteryo talaga ng babaeng ito...

ng matapos na kaming kumain ay naisipan ko na siyang palayasin...

pero di ko pa nagagawang sabihin ay inunahan na niya ako...

"ahmmm... wala na akong matutuluyan... pwede ba ako dito munang matulog kahit ngayong gabi lang? (^___^)...

parang may pang-aasar na may halong lambing ang pagkakasabi niya...

"di pwede"...

"at bakit?"...

"basta"...

"kaya ba ng kunsensya mo na paalisin ako dis oras na ng gabi?"...

"hay... sige na nga... basta ngayong gabi lang ah"...

at bigla akong nagulat dahil sa pagkakayakap niya sa akin...

halos matumba na kami dahil dun...

ng matutulog na kami ay magkahiwalay kami ng higaan...

nasa sala ako samantalang nasa kwarto ko naman siya pinatulog...

di naman ako natatakot na pinatulog ko siya sa kwarto ko dahil sa totoo lang wala naman siyang mananakaw sa kwarto ko (^___^)...

at isa pa pag may ginawa siyang di maganda ay agad akong makakalabas ng bahay dahil nasa sala rin ang exit ng bahay...

kinabukasan...

ng didilat ko na ang mata ko ay parang may anghel akong nakita sa harapan ko...

bigla akong napangiti at ipinikit ko ulet ang mata ko...

panaginip ba to?...

at makalipas ang ilang saglit...

muli kong dinilat ang mata ko at laking gulat ko na katabi ko na si ann...

at sa sahig na kami nakatulog...

nahulog ba ako?... dapat naramdaman ko na na nahulog ako di ba?...

sa sobrang lapit ng mukha namin ay parang mahahalikan ko na siya...

bumangon agad ako...

"bakit tayo magkatabi?... bakit ka nandito?"...

dahil sa paulit ulit kong pagtatanong sa kanya ay napilitan na siyang bumangon ng bahagya habang kinukuskus ang kamay niya sa mga mata niya...

"bakit ba ang ingay mo?!!!!..." sigaw niya sa akin...

"maingay ako dahil sayo!!!"...

at patuloy parin ako sa pagsasalita...

hanggang sa...

.

.

.

hinalikan niya ako...

at dahil dun ay bigla akong natameme...

"oh ano mag-iingay ka pa dyan?"...

"ah... eh..."ah"...

bigla ako nawala sa katinuan...

at di ko alam kung ano ang sasabihin...

"ah... eh bakit mo ginawa yon?"...

"ang ingay mo kasi eh"...

at bigla na lang siyang humiga sa braso ko habang naka upo kami sa sahig...

ito na naman yung pakiramdam na to...

yung tibok ng puso ko...

di ko mapigilan ang bilis ng pagtibok...

parang sasabog...

hinawakan ko ang kanyang mukha habang nakahiga sa braso ko...

napangiti ako ng di ko namalayan...

at ng mahimasmasan na ako ay agad ko rin kinunot ang noo ko at sabay lagay sa unan ang kanyang ulo...

tatayo na sana ako ng biglang hinawakan niya ang kamay ko...

"sandali lang... wag kang aalis... dito ka lang"... habang nakapikit siya

biglang may luhang tumulu sa kanyang mga mata...

nagtaka ako?...

huminga ako ng malalim at sinabi ko na...

"sige dito na muna ako sa tabi mo"...

my mysterious girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon