bigla akong kinabahan...
"ah eh maganda ka ann"...
"talaga???"...
"oo hehehe"...
di ko alam ang aking sasabihin sa sobrang kabog ng dibdib ko...
hanggang sa nilapit ni ann ang mukha niya sa mukha ko...
"ah eh teka ann"...
"bakit? nik"...
"ano kase eh ahmmm"...
biglang tumawa si ann at parang may kahalong pang- aasar ang tawa niya...
"huh?... bakit ka tumatawa?"...
"nakakatawa kase yung mukha mo eh hehehe ngayon ko lang ulit nakita yan"...
at napatawa rin ako...
"hehehe... ah ganun pinag-titripan mo ako"...
sa kalagitnaan ng tawanan namin ay parang may iba akong naramdaman...
para bang nangyari na to...
at bigla ako nagtaka sa sinabi ni ann...
ngayon lang niya ulit nakita?...
habang tumatawa si ann ay di ko pinahalata na iniisip ko ang sinabi niya...
"ok ka na ba nik?, wala ka na bang sakit?"...
"ahmmm medyo ok na ako ann... salamat sa pag-aalaga at sa gamot (^___^)"...
"walang anuman basta kung kailangan mo ako andito lang ako sige balik na muna ako sa bahay"...
"sige"...
hinatid ko si ann sa pinto ng bahay ngunit ng papaalis na siya ay bigla siyang lumingon sa akin at bigla niyang hinalikan ang pisngi ko...
"huh?..."...
"sige bye nik (^___-)"...
ilang sandali pa ang lumipas ay tulala pa rin ako at medyo di pa rin naka-recover sa ginawa ni ann sa akin...
yun ang unang pagkakataong may humalik sa pisngi ko na babae...
di ko alam pero parang bigla akong kinilig...
pakiramdam ko kahit ngayon ko lang siya nakilala ay parang umiibig na ako sa kanya...
"first love syndrome ba to?"...
natanong ko pa sa sarili ko...
pero alam ko na di pwede ang pakiramdam na to kaya gagawa ako ng paraan para di na talaga siya makita...
kinabukasan ay inagahan ko ang paggising at agad akong umalis upang mag- jogging...
pero nagulat ako dahil lalabas palang ako ay agad ko na nakita si ann at parang inaantay na niya ako...
para bang alam niya na magjo-jogging ako...
"tara na... jogging na tayo"...
"teka, paano mo nalaman na magjo-jogging ako"...
"siyempre, nakita kita na nagbihis pang jogging"...
"huh?... ano?, nakita mo ako nagbihis?"...
"hehehe oh kalma lang, biro lang, di kita nakita magbihis no, assuming ka naman na yummy ka, di ako manyak no"...
"huh? may sinabi ba ako?"...
at as usual ay lumayo na naman ang tanong ko sa sagot niya...
habang nagjo-jogging kami ay napag-usapan namin ang kanya kanyang buhay namin...
at siyempre ako agad ang tinanong niya...
"musta ang araw mo... ok lang ba?"...
"anong klaseng tanong yan"...
"huh? bakit mukhang basted ka na naman siguro no hehehe?"...
"huh? never pa akong na-basted no dahil di ako nanliligaw"...
"talaga lang ah"...
"huh? alam mo na na-basted ako ng maraming beses"...
at bigla niyang nilihis ang kanyang ulo sa ibang dereksyon at iniba na naman niya ang usapan...
"tara bili mo ako ng tinapay"...
"huh?"...
at bigla niya hinila ang kamay ko...
ng makabili na kami ng tinapay ay doon ko naman siya tinanong tungkol sa sarili niya...
"ahmmm ann naka-ilang boyfreind ka na?"... habang kumakain...
"hmmmmn sabihin na lang natin na marami"...
"wow ah, haba pala ng hair mo ann, kung sa bagay ayaw ko man aminin eh maganda ka naman"...
bigla siyang tumahimik at ngumiti...
"aanhin mo ang kagandahan at maraming boyfreind kung wala naman doon ang kaligayahan mo"...
nagtaka ako sa sagot niya at bigla ako napatingin sa mukha niya...
napaka-aliwalas at may bakas ng kalungkutan ngunit para bang di niya pwedeng sabi sa akin kung ano yun...
para bang may masking tape ang bibig niya...
"kung ano man ang gusto mong sabihin sa akin handa akong makinig kahit di ko nauunawaan"... (^___^) pangiti ko sabi sa kanya...
BINABASA MO ANG
my mysterious girl
Romanceisang kakaibang love story at kung ano nga bang nakabalot na misteryo sa kwentong ito...