Entry#8

354 14 1
                                    

Kinakabahan akong pumasok sa school kinabukasan. 

Nakita kasi ni Apple eh...Baka lang naman pero nakatingin kasi sya nun eh.

"Hoy!"

"Ay bwisit!"

Napasigaw din ako dahil kinakabahan ako at isa pa wala naman kasi akong kasama. 

"Easy~ It's just me. Oh?" Nagpakita pa si Derica sa harapan ko.

"Balita ko break na daw sila Luhan at Apple ha? May kahalikan daw kasi si Luhan na ibang babae kahapon. Alam mo ba yun?" Napa iwas ako ng tingin.

Ang sakit lang.

So wala lang pala sakanya yung kahapon at nakuha nya pang humalik ng ibang babae.

Teka, Pake ko ba? Aksidente lang naman yun eh. 

Padabog akong naglakad at naiwan ko din si Derica.

"Hoy. Selos ka ba?" Napatingin ako sakanya.

"H-ha? Ofcourse not! Hah! Crush ko lang sya, Derica. Nothing less, Nothing more." Tumango tango lang sya.

"Akala ko kasi." Binigyan ko lang sya ng matipid na ngiti.

Crush nga lang ba?

Pansin ko ang sama ng tingin ng mga kaklase kong babae saaken. Si Apple nanaman siguro may pakana.

"Derica, Makakasabay ba kita ngayun?" Nag aalangang tanong ko sakanya.

Kaya ko naman mag isa pero kasi...baka anytime mag break down ako at mag iiyak nalang.

Dear Luhan,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon