Hindi Porket Wattpader
"Yung pinagkainan tambak na naman." Sabi ni Mama at dumiretso palabas ng bahay para bumili ng yelo.
Umagang-umaga ay nakahiga ako sa sala at nakatutok sa cellphone ko.
Hays! Hindi porket wattpader ako ay hindi na ako naghuhugas ng pinggan, minsan talaga mas okay kapag pinarami muna ang pinagkainan para isang hugasan na lang. Para mas maraming oras magbasa sa wattpad. Hahaha XD