Hindi Porket Wattpader
"Maya't maya charge charge.." Linya ni Mama.
Kinuha ko ang basong may laman na juice sa mesa.
"Ay! Ay! Shut down! Shemay!" Inis akong tumayo para kunin ang charger ko sa kwarto. Napatingin sa akin si Mama, kakacharge ko pa lang kasi eh.
Hays! Hindi porket wattpader ako ay puro na ako aksaya sa kuryente dahil sa maya't maya na charge. Minsan talaga dahil sa mabilis na malowbatt ang phone ko o di kaya dahil sa running applications. (Hahaha ge paglaban mo Lai!)