"SOLO"

14 0 0
                                    

SOLO

Habang hinihintay ko dumating ang order ko, I noticed this guy na nagso-solong nakaupo sa pang-maramihang table.
Naghihintay din.

"Tsk, bakit ba kase hindi ina-acknowledge ng mga restaurant at fastfood centers na marami ang solong customer. Sana nagpo-provide sila ng mas maraming table and seatings na pang-solo lang talaga. Eh di namaximize nila ang facilities nila.", bulong ko sa isip.

Maya-maya, napuno na rin ang mga mesa. Kahit yung nagso-solo mukhang may kasama na dahil nakiupo na yung isang grupo sa kanya. Uncomfortable sya I can tell, but he has no choice, haha!

Pasalamat na lang ako at walang naglalakas-loob makiupo sa table ko no. Ayoko lang talaga as much as possible kase ang awkward nang may kasalo sa table pero hindi kayo mag-uusap since di kayo magkakilala. Ako pa naman ay yung tipong hindi sociable.

"Here's your order, mam."
"Ay, salamat dumating din." nanunudyo kong sabi sa crew.
"Enjoy your meal, mam."

***
"Hay, ano ba yan mukhang wala na yata maupuan.", bulong ni Alice habang palinga-linga.

Lumakad pa sya sa may bandang dulo kung saan may nakita siyang babae na nagso-solo.

"Mam, may kasama kayo?", nakangiting tanong niya dito.
"May nakikita ka ba?"
"Ang taray naman nito!" sa isip niya.

Maiinis na sana sya nang ngumiti naman ito sabay sabing, "Joke lang! Go ahead, take your seat."

"Thank you po."

"Nakakaloko tong babaeng to ah, mam na, may po pa...mukha na ba akong lola sa tingin niya?"

Awkward silence.
Patuloy siya sa pagkain habang ang babae ay tila abala sa cellphone nito.

Sa ganon ay napasadahan niya ito ng tingin.
"Goodness gracious! Artista ba itong naki-table sa akin?"
The hair, parang kakagaling ng salon. Jet-black, shiny, no split-ends, and flowing oh-so-smoothly below her shoulders. Very prominent ang heart-shaped face nito na complemented with a fine jawline. My eyes trailed her well-chiseled nose which ends to her...lips that can launch a thousand oohs and aahs. Kung familiar kayo sa lips ni Milla Jovovich nung Resident Evil 1, ganun na ganun. (Medyo nag-iba na kase ang lips niya ngayon due to age factor na rin siguro). Clear, fresh face na wala yata akong ma-detect na make-up but still looks rosy and---

"Grabe matagal po ba talaga dumating ang order dito?"
Naputol ang inspection ko dun ah.

"Well, ganon na nga. Actually dapat palitan na nila ang commercial tag-line nila. Dapat it should go like, 'Dito kumakain ang mga hindi pa gutom.' Kase pag gutom ka na pumunta dito, patay-gutom ka na pagdating ng order mo."
Nagiging madaldal yata ako.

"Nakakatawa naman po kayo. Actually kanina nag-alangan ako kase mukha po kayong seryoso. Pero may pagka-kalog po pala kayo!", natatawang sabi nito.

Darn those brown eyes that goes with that sexy laugh. Hoy Loren ano bang kalokohan yan tumatakbo sa isip mo ha? Saway ko sa sarili.

"Ine-entertain lang kita habang wala pa order mo." nangingiti kong sabi.

"That's very nice of you po."

Anak ng patola, okay na sana, English na eh, akala ko wala ng po, yun pa rin pala ending.

"Ilan taon ka na ba? If you don't mind my asking?"

"Twenty-eight."

"Unbelievable! And I thought you're only early 20's kaya ka po ng po sa akin. You look younger than your age."

"Thank you."
"There, wag mo na dugtungan ng po at feeling ko tuloy mukha na akong lola no?"

"Sorry. You look authoritative kase and I'm thinking you're a doctor or a lawyer or I mean in a high position you know so, as a sign of respect you know..."

"Here's your order, mam."
"Congrats, you didn't die of hunger bago nakarating no?"

Nagkatawanan na lang kami.

"O pano, hindi mo na kailangan ng entertainer so I'll have to go."

"Yeah, thanks!"
"Enjoy your meal, mam.", tila service crew na biro ko sabay paalam na dito.

"Nice talking to you." sabi niyang nakangiti.

"Likewise." at umalis na ako.

That was January 1st.

Temptation Of Alice (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon