Today is D-Day!

7 0 0
                                    

Saturday 7am.

"I feel energized and today's going to be a great day!" usal ni Loren sa everyday morning mantra niya.
Ayon sa mga self-help books na nababasa niya kailangan daw may daily mantra ka na sasabihin pagkagising to serve as direction on how you would want your day to be.

Ewan niya kung dahil sa daily mantra niya na may one week niya pa lang naman ginagawa or dahil sa magkikita sila sa araw na ito ni Alice kung kaya full of energy sya pagkagising.

Pagkaligpit ng beddings ay nag-exercise muna siya sa living room. Pagkatapos ay nag-shower at lumabas na para mag-hanap ng breakfast.

Bihira siya magluto since mag-isa lang naman siya sa condo unit niya at isa pa ay masipag din kase siya magluto (sa kabaliktaran).

Sa isang malapit na convenience store sya dinala ng mga paa.
Habang kumakain ay hindi niya maiwasan ma-excite para mamaya.
Ano nga ba ang pwede nila gawin?
Kakain, magkukuwentuhan...manonood ng sine?
Hindi naman date yun pero bakit parang kinakabahan siya as if 1st date niya. Natatawa siya.

Ite-text niya nga pala ito.

"Hey good morning! See you later at 1pm."

"Ok see you."

***
"Hay quarter to twelve na, ano ba kase isusuot ko?" si Alice sa sarili na medyo panic mode na.

Hindi niya alam bakit ba masyado naman yata siyang conscious ngayon sa isusuot niya. Hello, hindi naman date ang pupuntahan niya diba. Pero it seems na gusto niyang magpa-impress.

Sa wakas nakapag-decide rin siya.

"Sa Greenwhich na lang tayo mag-kita ha.", text ni Loren.

"Ok, paalis na ako.", reply niya.
***

Wala pang 1pm ay nasa Greenwhich na si Loren. Naupo ito sa isang corner table at nakaharap sa may entrance.

May ilang minuto pa ay nasulyapan na niya si Alice sa may entrance na palinga-linga. Kumaway siya dito.

"Hey, glad to see you again." beso niya dito.

"Nice to see you again too." ganting bati nito.

"Why so sexy?" komento niyang nakangiti dito. Naka-plain white off shoulder blouse ito kaya labas ang mapunis (maputi at makinis) nitong balikat. Jeggings na faded blue na naglilitaw ng perpektong mga kurbada nito mula bewang hanggang binti, and that familiar boots again.

"Sexy? Saang banda?", nagtatawang sabi nito.

"Ewan, baka sa bandang harap ko?" pang-aasar niya.

"Whatever. Order na nga lang tayo. Yung lasagna na lang sa akin." pag-iiba nito ng usapan. Pero yung totoo, bakit parang kinilig siya sa pagpuri nito.

"Ok ako na oorder. Magbayad ka na lang sa akin after." boluntaryo ni Loren sabay tayo.

Nakapila ito sa counter habang sinisipat siya ni Alice. Green long-sleeves, black straight-cut jeans, and black strappy sandals. Napasulyap ito sa kanya at ngumiti. She looks very smart with those eyeglasses on. Gusto niya ang authoritative nitong aura.

"So kumusta ka na since the last time tayo nagkita?" nakabalik na ito at hinihintay na lang nila i-serve ang order.

"Well, still busy with planning and all para sa Bulacan project namin." aniya.

"Mahirap ba maging interior designer?"

"Mahirap in a sense na mabusisi ang planning at saka yung pag-outsource ng mga materials na gagamitin mo for decorating the place. Pero once nakita mo naman na ang finished project and the client loved it, that's very rewarding for me. Eh ikaw, ano nga pala work mo, hindi mo pa nakwento."

"Ako? I'm a financial doctor." nakangiti na naman ito ng nakakalokong ngiti.

"Ano yun?"

"Financial doctor kase I make people's financial illnesses disappear."

"May ganon ba?"

"Yeah. Ako."

"Eh di ikaw pala ang kailangan ko."

"Bakit?"

"Gusto ko kase mag-ipon kaso nahihirapan ako makaipon."

"Tsk, malamang may budgetitis ka."

"Ano yun?"

"Sakit sa pagba-budget. Either wala kang sinusunod na budget or meron pero hindi mo sinusunod."

"Ahh haha! In that case, you're right, may budgetitis nga ako." naaaliw niyang pag-amin.

Dumating na ang order nila.
Kuwentuhan pa rin habang kumakain.

"Solo ka ba sa bahay?" tanong nito.

"Yes, I'm renting an apartment. Nasa Cebu ang family ko talaga eh. Nag-punta lang talaga ako dito to study and then dito narin nag-work."

"Ang layo naman pala ng family mo, hindi ka ba nalulungkot ng ganyan?"

"Well syempre nalulungkot din minsan pero umuuwi naman din ako dun every year pag mga Holy Week, Christmas at New Year at syempre pag birthday ko."

"Kelan ba birthday mo?"

"December __ , bakit reregaluhan mo ako?"

"Sure, ano ba gusto mo?"

"Biro lang, sineryoso mo naman."

"Seryoso talaga ako sa'yo."

Nagtatanong ang mga matang napatingin siya dito.

"O bakit ganyan ka makatingin? Seryoso nga ako na reregaluhan kita." nakakaloko na naman ang ngiti nito.

"Whatever." nasabi na lang niya. Para lang iba ang dating sa kanya nung unang sinabi nito na na seryoso daw ito sa kanya. Hindi niya lang sure kung tama ang dinig niya.

Tapos na silang kumain kaya nag-aya na ito.

"Tara na Ms Whatever." panunudyo nito.

"So, san tayo next?" pag-dedma niya sa panunudyo nito.

"How about we watch a movie?" sabi nito.

"That would be good. Matagal na rin ako hindi nakapanood sa cinema eh. So, anong panonoorin natin?" excited niyang tanong.

"Ano pa eh di...Whatever."

"Ikaw, nakakaloko ka na ha!", sabay hindi niya napigilan kurutin ito sa tagiliran.

Napaigtad ito sabay,
"Aray! Biro lang eh! Sakit no'n ah."

"Masakit ka diyan eh kurot na lambing lang naman yun." ingos niya dito.

"Wow, malambing ka pala, ganon?"

"Oo naman." sabay patay-malisya niyang yapos sa braso nito habang naglalakad sila paakyat sa cinema.

Medyo nailang naman si Loren sa ginawang iyon ni Alice pero hindi niya ipinahalata. Sa totoo lang may kakaibang kuryente yung pagdaiti ng pinong balahibo nito sa braso sa kanyang braso pero dinedma na lang niya.

"O, wow! Sakto pala o, showing yung Resident Evil Final Chapter!" tuwang sabi ni Loren.

"Oo nga, ang galing ng timing natin! Tagal ko nang inaabangan actually yan, nawala na nga lang sa isip ko dahil sa busy sa work." excited din si Alice.

"Ikaw na sa foods, ako sa tiket, okay ba yun?" tanong ni Loren.

"Sure."

"Akala ko whatever na naman sasabihin mo eh, haha!"

"Heeh! pumila ka na nga dun sa ticket booth no?"

"Okay, whatever haha!" at mabilis na itong umalis bago pa niya makurot ulit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Temptation Of Alice (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon