To Act Or Not To Act?

5 0 0
                                    

Kanina pa siya nakatingin sa number na iyon sa contacts niya. Mga two weeks na yata since they exchanged numbers.

Hindi ito nagpaparamdam sa kanya so she decided not to act as well.
Pero mas tumitindi yung desire niyang makita at makausap ulit ito.

Her self-talk:

Bakit ba ano ba masama, friendship lang naman ang intention ko eh.
Friendship nga lang ba? Eh obviously crush mo yung tao no?
Bakit masama ba yung crush?
Sa kaso mo, oo, babae rin yun eh.
Eh kaya ko naman kontrolin. I know my limits.
Bahala ka.

And desire won over reason.

***
Kanina pa sinusulyapan ni Alice ang phone nya. Everytime magbi-blink to announce na may text ay agad niyang titingnan only to be disappointed.

"Hello ka-TM, miss ka na namin!"
Tsk buti pa ang TM nami-miss ako ah, eh yung taong yun mukhang hindi.

"Want to have a Loading and Remittance business?"
Huh, pati sa text may ads na rin!

Imbyernang initsa niya ang phone.

"Hmm, bakit hindi ba nagpaparamdam yung boyfriend mo kaya yung phone ang pinagdidiskitahan mo?" pang-aalaska ni Claire. Ito ang ka-partner niya sa negosyo nilang Interior Design contractor.

"Boyfriend ka diyan. You know I've been single for years now."

"Eh malay ko ba na nagkaroon ka these past few days and hindi mo lang nasabi sa akin."

"Sira. How I wish meron na nga no. Nakakasawa na din kase minsan ang laging solo. Ikaw naman kase madalas hindi available."

"Eh syempre priority ang boyfriend alam mo na. Sorry ka na lang hindi kita boyfriend haha!"

"Sige mang-asar ka pa. Hindi kita tutulungan maghanap ng mga antiques na kailangan sa Bulacan project na yan." kunwa'y inis na niyang sagot.

"Eto naman, joke lang. I need you badly for that kaya peace na tayo. Sige para makabawi sa'yo, ipag-pray ko na lang na magparamdam na yan kung sino man yan hinihintay mo. Ngayon din po Lord. Amen." pinag-daop pa nito ang mga palad at tumingalang nakapikit.

"Ewan ko sa'yo." kunwa ay inis pa rin niyang sabi.

Nang bigla ay nag-vibrate ang phone niya.

LA calling...sabi ng display sa phone.

Hindi niya alam bakit biglang dumoble ang bilis ng heartbeat niya.

"Hello." sana ay hindi nahalata ang over excitement sa pag-hello ko, isip niya.

"Hey, Alice. Am I interrupting your day?"

Are you kidding me? You actually super-charged my day now!

"Of course not. You're actually a nice distraction right now since kanina pa naba-blangko ang utak ko sa ideas for this project."

Napasulyap siya kay Claire na abot-tenga ang nanunudyong ngiti ngayon sa kanya na naka-thumbs up pa.

"Alright, you owe me one then for nicely distracting your day ha?"

"Ganon? So how do I pay you then for what I owe you ha?", nangingiti niyang sagot.

"Be my date."

Date. Lalo yatang nagrigodon ang dibdib niya sa narinig niya. Date daw?

"Hey, ano andiyan ka pa ba?"

"Ah yes, I'm still here. May tinanong lang yung kasama ko dito. Anyway, did you just say a date?"

"Yeah. Or you can call it a catching up since para nga lang pala sa mga couples yung word na date, sorry naman haha!"

"Kelan ba?"

"This Saturday sa Glorietta mga 1pm. Is that okay?"

"Okay, wala naman akong sched that day."

"Great! I'll see you then Saturday."

"Yes, see you."

"Bye Alice."

"Bye."

"Eeee! what just had happened there? Did I hear it right that you're going on a date? Grabe prayer works indeed diba. Imagine just as I said a prayer may answer agad!" si Claire na hyper na hyper at mabilis na nakalapit na sa table niya.

"Sira, new found friend ko lang yung tumawag at babae yun so it won't be a date na like what you're thinking."

"Ay ganon? Akala ko pa naman magkaka-lovelife ka na ulit girl. Malapit pa naman na ang Valentine's day."

"So? Pakialam ko ba sa Vday na yan. That's just a commercialism tactic you know. Everyday should be an opportunity to celebrate love." tinaasan niya ito ng kilay.

"Asus. Bitter ka lang kase ilang years ka nang single!" pang-aalaska nito sa kanya.

"Whatever. Let's go back to work na nga."

"Huuu, so ngayon go back to work na. Bakit, dahil na-inspire ka sa tawag na na-receive mo?"

"What? Ano ba pinagsasabi mo diyan bruha ka." nangingiting sabi niya dito.

"Eh ayan o at hindi maalis ang misteryosang ngiti mo. Whereas kanina sambakol na ang mukha mo. Yung totoo, siya yung hinihintay mong magparamdam ano? Aminin!", patuloy sa panunudyo ito.

"Whatever. Ano ka ba, friend lang yun and take note, babae. Unless naging iba na ang preference ko which is no way, okay? Kaya tsupi na, dun ka na sa table mo at tapusin na natin ang planning nitong project.", pagtataboy niya dito.

Pero nanatili itong nakangisi sa kanya at tila may kung ano sa mukha niyang nakakaaliw dito.

"Question." anitong nakangisi pa rin.

"What?"

"Maganda ba siya?"

Hindi siya agad sumagot.

"Ano?"
"Why do you want to know anyway?"
"Basta lang."
"Mas maganda ako. Satisfied?"
"Mas maganda sa akin?"
"Kelan ka ba naging maganda?" pang-aasar niya dito.
"Bruha ka. Diyan ka na nga." at asar-talong bumalik na ito sa kanyang mesa.

"Yes, I won!" pang-aalaska pa niya dito sabay baling na sa kanyang ginagawa.

Pero nagdo-double time ang utak niya.
   Maganda nga ba?
   Mas maganda ako, totoo yun.
   Well, medyo biased siguro ako.
   Mas matangkad sa akin.
   Hindi naman katangusan ang ilong pero it happened to be in perfect harmony sa may pagka-diamond shaped nitong mukha.
   She's got those well-formed and neat eyebrows framing those soulful eyes na pag tumingin tumatagos.
The lips...that I would say is her best asset. I think that's what they call pouting lips. I heard may mga nagpapa-doktor pa nga para lang ma-achieve ang ganon na lips.
    Her hair is also one striking feature. Ang kulit ng pagka-natural wave nito.
Parang ang sarap laruin...
Hala ano ba itong naiisip ko. Saway niya sa sarili. Napapangiti na pala siya ng hindi niya namamalayan. Nalaman na lang niya dahil humirit na naman si Claire sa table nito.

"Ay yung isa diyan parang baliw, ngingiti-ngiti sa harap ng blankong papel."

"Ewan. Magtrabaho ka na lang diyan no?"

"Yes, mam! Sige mag-day dreaming ka na muna diyan habang nagtatrabaho ako." pang-ookray nito sa kanya.

Nginusuan na lang niya ito and tried to get back to what she's doing.

Bakit nga ba ganon ang epekto ng tawag na yon sa kanya?
No way she can be into women. No. Never.

And yet she couldn't help but be excited for Saturday.
Whatever. Nasabi na lang niya sa isip.
**
Author Note: Ano sa palagay niyo ang mangyayari? Or better yet, ano ba ang gusto niyo mangyari dear readers? Suggestion?

Temptation Of Alice (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon