gusto

204 1 0
                                    

Sabado na!

At dahil sa ang tagal kong nakatulog.
Ang tagal ko ring nakagising.

Pagtingin ko sa cellphone ko.

May mga text na.

From:Oliver
Denise.. kita tayu sa Millenials Coffee shop.
9am.

Napatingin ako sa wall clock dito sa kwarto ko.

Shit!

9:30 na pala!

From:Oliver
Denise. Nasan kana? Kanina pa ako dito.

From: Oliver
"Denise. Bilisan mo. May pupuntahan pa ako pagkatapos nang meeting natin."

From:Oliver

"kung di ka dumating. Gagawin kong mag isa to Denise."

From:Oliver
"Nasan kana ba?"

from:Oliver
Aalis na ako kung 10:15 na.

Tinawagan ko agad si Oliver.

*dialdialdial*

"Hell—"

"Denise? Nasan kana? Dadating kapa ba? Kung hindi. Aalis nalang ako."—bungad niya sakin.

"Sorry, Papunta na ako. Pasensya kana talaga.. aahhh..20 minutes. Please.hintayin mo ko."—sabi ko.

"Bat ba kasi angtagal mo?"—may inis sa tono nang pananalita niya.

"Napatagal kasi ang pagtulog ko kanina,kasi may tinapos pa ako para sa ibang subject namin. Kaya napatagal din ang gising ko. Sorry talaga."—paliwanag ko.

Totoo naman talaga sinasabi ko ehh.

"Ahh. Sigesige. Bilisan mo. Hihintayin kita.20 minutes."—saka na niya pinatay.

Galit ata?

Sorry Oliver.

Urrrggg..

napahawak nalang ako sa sentido ko. Sumasakit na naman ang ulo ko.

Nagmadali nalang akong maligo, at ayusin ang sarili ko.

Di nalang muna ako kakain.

Dun nalang..

Agad akong pumara nang masasakyan.
Buti nalang nakasakay ako agad.

10minutes palang naman.

Peru kailangan komg magmadali.

Naiinip na sigurado si Oliver ehh.

"Oh? JohnPaul? Bat ka nandito?"—taka kong tanong nang pagdating ko nakita ko si JohnPaul na kasama ni Oliver.

"Nakita kasi ako ni JohnPaul. kaya nakiupo nalang din siya. Kain muna tayu Denise. Di pa ako kumakain. Hinihintay pankasi kita eh"—halaaa.. nakonsensya tuloy ako..

Natutulog ako,tapos siya naman. Nagugutom na kakahintay sakin.

"Sorry Oliver."—pagpapaumanhin ko.

"Okey lang. Nagpaliwanag ka na naman eh. Upo kana"—nakangiti niyang sabi.

Ang bait naman..

Matapos naming mag usap.

"Sige Denise,mauna na ako ah? May pupuntahan pa kasi ako ehh"—paalam ni Oliver.

"Aahh. Ganon ba? Sige Oliver. Aayusin ko nalang to. Kita nalang tayu monday sa school. Mag ingat ka"—sabi ko.

"Una na ako pare hah"—paalam niya rin kay JohnPaul na ngayuy tumatayu narin.

"Lets go,Denise?"—aya ni JohnPaul.

"Saan naman? Saka..pwede ka namang umalis nang una eh. Okey lang ako"—sabi ko.

"Labas muna tayu"—JohnPaul.

"Ano?? Anong labas-labas ba yang sinasabi mo dyan?"—kunot noo kong sabi.

"Eehh kasi, babawi lang ako. Napapansin ko lang kasi, ilang ka sakin. Bakit ba? Sabihin mo nga sakin. Ayokong ganyan ka."—umupo siya sa tabi ko.

"naiilang nga ako, kasi di na akong konportableng kasama ka"—diretso kong sagot.

"Bakit naman Denise? Wag kang ganyan"—nakita kong nagsasalubong narin ang kilay niya. At mas sumisingkit na ang mata niya.

Umiwas nalang ako nang tingin at tinuon sa pagbabasa nang plano namin ni Oliver ang pansin ko.

Napatigil nalang ako nang..

Hawakan ni Johnpaul.

Ang kamay ko..

"Denise,please. Ayokong ganito tayu. Ayokong ganyan ka sakin. Please. Wag ka namang ganyan sakin ohh"—malungkot yung pagkakasabi niya.

Kaya nagtaka ako.

"Bat naman big deal sayu? Wag mo nalang pansinin. Saka diba? Matagal mo na naman akong dedma. Kaya ibalik mo nalang yung dati"—walang gatol kong sabi.

"Iba nga yun eh, noon naman nginingitian mo pa ako. Dun nga kita nagustohan eh. Lagi kang nakangiti. Ang bibo mo kasama. Ngayon... hindi kana ganon.. bakit Denise? Tapos di mo na ako pinapansin"—sabi niya.

"Anong sabi mo?? Anong gusto-gustong sinasabi mo dyan. neknek mo johnpaul! Ewan ko nga sayu!"—tumayu na ako at naglakad palayu sa kanya.

Peru hinabol niya ako.

Hinigit niya yung braso ko palabit sa kanya.

At niyakap ako.

"Denise.. hindi ko alam kung anong nararamdaman ko para sayu,peru.. ayokong... ayokong ganyan ka sakin. Ayoko nang ganyan ka Denise.Please. kasi... Gusto talaga kita.. gustong-gusto.. peru wala na akong magagawa. Kasi nang marealize ko to.... Nasimulan ko nang ligawan yung bestfriend mo. Si Regine.. Denise.. akala ko kasi siya yung gusto ko. Kaya lang.. habang nakakasama kita. Unti unti kong nararamdaman to. Denise...

.
.
.
Andito ka na sa puso ko."—napatingin nalang ako sa kanya nang nanlalaki ang mata.

Natulak ko siya...

At nasampal siya..
"Hindi mo dapat sinasabi yan! Mahal ka na nang bestfriend ko! Ano bang sinasabi mo?!? Tumigil ka nga sa kalokohan mo! Pafall kalang?? Tapos nang nafafall ang tao sayu, iiwan mo. Di mo sasaluhin.!"—Inis kong sabi.

Kahit naman dati ko nang nagustohan si JohnPaul.

ang mararamdaman nang Bestfriend ko ang pinag uusapan dito.

Saka...

Hinawakan niya uli yung kamay ko.
"Denise please.. sabihin mo na lahat nang gusto mong sabihin. Peru hindi muna mababago to.. Ikaw na yung gusto ko Denise. Please naman. Paniwalaan mo ko"—pagmamakaawa niya.

"Para saan naman kung sabihin kong naniniwala ako? May masasaktan kang tao JohnPaul! Kaya tumigil ka! ano? Sasabihin mo gusto mo ko? Tapos pag nafall narin ako sayu? Sasabihin mo na naman sa iba na Siya na naman gusto mo? Paaasahin mo ko!?! Hell no! JohnPaul! Saka.. pwede ba??? Tigilan ko yan talaga!!"—tinalikoran ko na siya.

Peru hinarap niya ako uli at niyakap.
"Denise.. sasabihin ko sa kanya na di ko na siya gusto. Na iba na ang gusto. Denise please. Give me a chance"—sabi niya.

Tinulak ko siya at sinampal uli.
"Wala kang kwenta! Kung may magugustohan ako at mamahalin ko, Hindi IKAW yun! Hindi!"—tumakbo na ako palayu sa kanya...

Nagkagusto ako sayu dati? Oo.. peru hindi na ngayun Johnpaul.
Hindi na ngayon.

Ayoko sa lalaking tulad mo!

A class with my crush (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon