Chapter 6

19 0 0
                                    

Pasukan nanaman

Rico's POV

Nag alarm yung relo ko at grabe sobra sa ingay kaya tinignan ko ang phone ko.

Pagkatingin ko sa phone ko may mga malalaking letra na nakasulat: MIRA'S FIRST DAY IN COLLEGE LIFE

Napatayo ako dahil kailangan ko pang mag luto.

"Sir ano pong meron?" sabi ni Maria sa akin na mukhang na gising ko ata

"First day ni bunso" sabi ko sa kanya na nakangiti at dali dali niyang ginising ang ibang niyang kasamang kasambahay namin

Mga ilang oras natapos na rin ang pag handa namin ng mga kakainin ng aking kapatid ngunit antok pa rin ito

Sinubukan kong pumunta sa kanyang kwarto

Nakita ko siyang tulog na tulog at yakap yakap pa ang malaking stuff toy na human size

"Gising na" bulong ko sa kanya

Umupo ako sa tabi niya at nakita ko ang pinaghirapan kong alagaan nuong ako ay binata

Mukhang naramdam niya ang aking pag upo kaya siya na gising

"Kuya?" sabi niya na patanong

"Bakit?"

"Anong meron?"

"First day mo na ng college Ms. Keziah Almira Granados"

Hindi ko natuloy ang last name ng aking kapatid dahil nag salita agad siya

"Blanco"

Nagulat ako na sinabi niyang Blanco

"Bakit?" tanong ko uli sa kanya sa sobrang taka

"Sa'yo ako lumaki kuya, hindi sa tatay ko"

"Mira"

"Opo, alam ko po na hindi dapat ako mag act ng ganito pero ayokong maging plastic sa iyo kuya Rico"

Hindi uli ako na ka pag salita dahil nakikita kong nag ma- mature na ang aking kapatid

"Kuya Rico"

"Yes?"

"Mag girlfriend ka na"

"Ha?!"

"Hearts that see and feel, love will make us real"

"Wala akong panahon para dun"

"Hindi mo lang hinahanapan Kuya" sabay alis niya at naligo na

Sa tingin ko oras na rin na mag mahal ako

Pero matanda na ako, may magkakagusto pa rin ba sa akin?

"Oo! Meron magkakagusto sa iyo Kuya" sigaw ni Mira

Haay.. Magaling na manghuhula talaga 'tong kapatid 'ko

Mira's POV

"Tara?" yaya ko kay Kuya Rico

"Ayusin mo na muna buhok mo" sabi niya sa akin habang siya ay nagbabasa ng dyaryo

Gusto kasi ni Kuya nakaipit ang buhok ko, malinis daw kasing tignan

Ginawa 'kong side braid ang aking buhok dahil mas cute tignan

"Ta- daaaa!~" sabay ngiti 'ko na may braces na kumikinang-kinang

"Tara" sabi sa akin ni Kuya Rico at kinuha ang susi ng sasakyan

SCHOOL

"Study Hard!" sigaw ni Kuya Rico sabay paeang nawala ang sasakyan

Pag pasok ko sa loob ng school ang daming freshmen at lahat sila nagtitinginan

Meron pang dalawang babae na nag sabi na ako daw yung sister in-law nila kasi crush si Kuya Rico

Merong isang grupong nag sabi na wag daw akong lolokohin kasi Kuya ko si Mggy Chvz

Nakakatawa sila:')

Pero may nakita akong lalaking familiar ang likod

Dahan- dahang tumingin siya sa likod niya dahil naramdaman niyang may tao sa likod niya

Pagkaharap meron akong nakitang model ng Cilgate Optic White (kasi na ka red shirt siya at white pants at ang kanyang ngipin ay kumikislap)

"Sup"

"Ikaw lang pala akala ko kung sino na" sabi ko sa kanya

"Bakit may ine- expect ka bang iba?"

"Wala, pero na miss kita JV"

"Sus" sabay sara ng locker niya

"Joke lang may ine- expect ako"

"Sino?" tanong niya na mukhang napa- asa  ko ata siya

"Si Miggy!"

"Ahh.... Oo, yung #1 crush mo"

"Naman"

Tapos biglang merong umakbay sa akin na lalaking na ka black and white jacket

"Mukhang pinaguusapan niyo ata ako" sabi niya na may halong ngiti

"Uuy! Nandito ka na pala!" sabay half hug ko sa kanya

"Oo pare kasi cru..."

Alam kong itutuloy yun ni JV kaya niyakap ko agad siya at sinabing

"Huuy anong class mo?"

"Malamang class A tayo" sabi ni Miggy

"Kailan ba kasi tayo naging class B?" tanong ni JV na pabiro

"Be humble nga J" galit na sinabi ko kay JV

"Nagbibiro lang eto naman"

That GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon