Part 2

19 1 0
                                    


  Umagang-umaga ay naghanda na kami ng mga kakaylanganin namin tatlo sa practice namin. At sabay sabay kaming nagpunta ng school. Pagbabang pagbaba ko palang sa sasakyan natanaw ko na si julienne. Pero hindi nya paden ako pinapansin. Hanggang sa napag usapan na namin magkakaybigan na maghiwalay hiwalay na muna para sa mga practice. At yun tinake ko yung moment para makasabay ko si julienne at makaclose. Agad akong lumapit sa kanya.. 

NV: 

Me: hi julienne! Sabay na tayo magpunta sa gym. Kung okay lang syo?(shet ang ganda pala nya) 

Julienne: tinaas ang kilay at sumagot ng sige ayos lang sakin. Tutal ikaw naman ang magiging partner ko sa badminton. Pero tandaan mo to. Wag kang magkakalat lalo na sa court ng kasama ako! Pasungit nyang sabi. 

Me: oo sige ba! Ako ata ang captain ng team natin. Kaya gagawin ko ang lahat. 

Julienne: osya! Tara na at baka malate pa tayo. Balita ko may kinausap si coach na ibang player galing sa ibang school para makalaban natin sa practice game. 

 Me: ah ganun ba? Teka, parang hindi ko alam yun ahh. Tara na. Tara na! 

 -----

 Habang papalapit kami sa gym ay nakikita namin ang napakaraming tao at parang nagkakagulo. Nagkatinginan kaming dalawa at lumapit dun. Nagulat kami ng makita namin ang dalawang sikat na player na galing sa ibang school. Si Francis na captain ng ibang school. At ang isa den na sikat na player nila si Clare. Biglang may sumigaw na nandyan na ang captain natin at ang no. 1 badminton player sa high school na si julienne. Biglang lumapit samin ang mga tao at pati yung makakalaban namin. 

 NV: 

 Francis: captain sky! Pagbati sakin ni francis ng nakasarcastic na ngiti. 

 Me: oh ikaw pala!? Captain francis? Anong ginagawa nyo dito? 

 Francis: kami lang naman ang kinausap ng coach nyo na makalaban nyo sa practice game ngayon. At pinapakilala ko nga pala senyo ang partner ko si clare.

 Clare: hello! Ikaw siguro ang sinasabi nilang si julienne? Talaga bang magaling ka? Sige nga pakitaan mo ko! Haha(tawa nya) 

 Coach: tama na nga yan! Umpisahan na lang natin ang practice! 

 Me: yes coach! Julienne: yes coach.. 

----- 

At nag umpisa na nga ang laban! Dehado kami sa laban na to at parang hindi namin sila kakayanin. Tsaka ngayon ko lang nakasama tong babaeng to. Hindi pa namin alam ang gagawin sa isa't isa! 10-5 ang score at hirap na hirap kaming humabol sa lamang nila. Habang tumatagal puro error ang nangyayari sa play namin. Pati yung coach namin ay nagalit na. Tapos ang laban set 1 sa score na 10-21. Tambak kami masyado. Biglang lumapit si julienne at kinausap ako.. 

NV: 

 Julienne: ano bang problema mo ah? Sinabi ko sayo na wag kang magkakalat kapag kasama ko sa court diba!? Wala akong pakelam kung ngayon lang tayo nagkasama. Ang gusto ko ay umayos ka! 

 Me: sorry hindi ko pa kasi alam ang play nagagawin eh.. 

Julienne: ewan ko sayo! Hindi ko alam kung bakit ikaw pa ang naging captain ng team na to wala ka naman palang ibubuga! 

 Me: tahimik lang..(poker face) 

-----

 Julienne POV's

 Umpisa na ng set 2 at nagulat ako sa itsura ng captain namin na si sky dahil sobrang seryoso nya na at kalma. Eto ba talaga ang captain namin? Tanong ko sa sarili ko. Nag umpisa na ang pito ng ref. hanggang sa puro sigawan ng schoolmate namin ang naririnig ko at tingnan ko ang captain namin ay ibang iba ang laro nya! Napakabilis nya wala akong makitang pagdadalawang isip sa mga galaw nya.. Hanggang sa tinulungan ko na syang tapusin ang set 2 sa score na 21-15. Nakakabilib ang mga kilos nya. Kahit kelan hindi ko pa nakita ang ganung mga kilos. Habang nag iisip ako.. Bigla na lang may humawak sa balikat ko.. At paglingon ko ay si sky pala na kala mo hindi man lang pinagpawisan sa ginawa nya..(ang pogi nya paden) 

NV: Sky: ikaw!? Anong pinagsasabi mo sakin kanina ah?(poker face) 

 Me: a..ahh. Wala wala! Kalimutan muna yun.. Pautal kong sabi sa kanya.. 

Sky: sa set 3 ikaw na ang gumalaw at magdedef na lang ako. Pakitaan mo ang babaeng yun maliwanag ba? Kukunin natin ang set number 3! 

 Coach: osige na bumalik na kayo sa court dahil mag uumpisa na.. 

-----

 Sky POV's

 Sa wakas final set na at kaylangan naming makuha to para manalo at hindi kami mapahiya. Nakatingin ako kay julienne ngayon at napakalaki ng tiwala ko na magpapakita sya ng napakagandang pagtatapos sa laban na ito. Pagkapito ng ref. ay agad kaming umayos ng pwesta namin. Nagpakita na nga ng galaw nya si julienne. At kitang kita sa kanyang mukha kung gano sya kasaya. Napakaganda nya den kahit pawis na sya. Ngunit ng makita kong unti unti syang bumabagal ay ako naman ang umariba at tumulong sa pagtapos ng set 3. Ang score ay 21-20 at muntik pang tumabla ang laban buti na lang naoutside ang huling palo ni francis. Kitang kita ang tuwa sa mukha ng mga teammates ko at schoolmates at coach. Lalong lalo na sa mukha ni julienne. Pagtapos na pagtapos ng game ay nagshower na ko at nagbihis. Nakita kong inaabangan ako ni julienne sa may harap ng pintuan. Tinawag ko sya.. 

NV: 

Me: julienne? Anong ginagawa mo dito? 

 Julienne: hinhintay kita. Sabi kasi ni coach tawagin daw kita kasi magcecelebrate tayo ng panalo natin sa practice game(nakangiti sya) 

Me: osige tara na!(at naglakad na nga kami) 

----- 

Nang matapos ang maliit na celebration ay umuwi na ko. Nakita ko ang dalawa kong kaybigan na may dalang wine at inaabangan ako. Nang makita nila ako ay niyakap nila ako pinaghahalikan. Kaya pinagtutulak ko sila! 

NV: 

Me: kadiri kayong dalawa! Mga bakla ba kayo?(pabiro kong sabi) 

Leon: hindi naman at tumawa sya. Masaya lang kami sa pagkakapanalo nyo kanina. Balita ko ang ganda daw ng chemistry nyo nung julienne ba yun? 

Me: pano mo nalaman name nya? 

 Prince: malamang sikat na sikat sya ngayon sa school dahil sa pagkapanalo nyo kanina. Ang dami nga den nagsasabi na bagay kayo eh(biro sakin ni prince) 

 Me: mga siraulo! Tigilan nyo ko sa mga ganyan. Walang malisya samin yun. Magiging maganda talaga chemistry namin dahil sa play namin sa court. Wala ng iba pa yun. 

Leon: talaga? Wala? Nakoo bro! Kilala ka namin. Halatang may gusto ka dun sa tao eh. 

Prince: kaya nga pre. Kaya wag kana tumanggi. Aminin muna. 

 Me: talaga halata ba? Ay shet! Nadulas ako! 

 Prince: huli ka bro! Umamin kaden na gusto mo si julienne. Bat hindi mo ligawan ah? 

 Me: hindi pa siguro sa ngayon bro. Baka mamaya magkailangan kami sa court. Baka mapasama pa ang pag amin ko sakanya. 

 Leon: sa bagay tama ka. Balitaan muna lang kami sa mga gagawin mong moves ahhh. Kaya mo yan bro. 

 Me: tara sa loob inom tayo ng wine hahaha. 

 Leon: anong inom? Baliw itatago ko to sa ref. mo nasira yung sakin eh hahaha. 

 Me: ah akala ko iinom tayo eh. Sige na akina yan. Ako na maglalagay. Papahinga na ko at pagod ako. 

 Prince: sige na bro. Goodnight. Leon: goodnight men. 

 -----

 Lumipas ang mga araw at buwan at dumating na ang hinihintay nilang laban. Super close naden nila julienne at sky. Si prince naman ay nagkaron narin ng girlfriend. Si mary grace isang famous cheerleader sa school. Si leon naman ay nay girlfriend naden at isang model. Ngayong ready ang lahat ng teams sa school ay ready naden silang humarap sa ibang school para sungkitin ang title na maging no.1 sa district 1. Magtagumpay kaya sila? O mabibigo sila sa kanilang hangarin?  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Play games not heart..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon