Start

35 0 0
                                    

Sabi nila pagkapanganak pa lang natin nakatakda na daw ang lalaking mamahalin at makakasama natin habang buhay.. Ang term ng mga tao dun ay soulmate pero para sa aming mga sinumpa PHOEBUS ang tawag namin dun. Pero bakit nga ba kami sinumpa? At sino ang mga sinumpa? oh well dito na magsisimula ang kwento ng anim na babaeng may misyon sa buhay at ito ang mahanap ang taong itinakda para sa kanila. Dahil kung hindi ang sumpa ay mananatili sa kanila habang buhay.

Sa lahi naming mga fairy (oo tama nga ang nabasa nyo isa kaming fairy.... in short hindi kami normal na tao) kami na ang huli at natitira. Ang masaklap pa hindi kami pure blooded, half fairy and half witch kami. Yung tatay namin ang fairy na nainlove sa isang witch pero hindi masama si mama, marunong lang talaga sya gumamit ng mga spells. At dahil half breed nga kami ang tawag saming mga offspring ng aming mga magulang ay PHOEBE. Pero ano nga ba ang kaibahan naming mga phoebe sa mga fairy at witches?!

Simple lang naman, ang mga phoebe ay isisilang na may angking kagandahan at kabaitan tulad ng mga fairy at magkakaroon din sila ng kakayahang gumamit ng mga spells tulad ng mga witch. At ang pinakaimportante sa lahat ay may isang sumpang kakambal ang mga ito. Sa kabila ng walang kapantay na kagandahan at kapangyarihan ang mayroon ang mga ito, wag hahayaang sila ay mabasa ng ulan dahil ang kanilang mga anyo ay magbabago ng wala sa oras. Ang mga babae ay magiging lalaki at ang mga lalaki ay magiging babae. Mahihinto lamang ang sumpa sa oras na mahalikan nila ang mga itinakdang phoebus para sa kanila, subalit datapuwat, hindi pa natatapos doon ang lahat dahil sa oras na mahalikan at mahanap na nila ang kanilang mga kapareha hindi kailanman dapat itong mapahiwalay sa kanila dahil kapalit nito ay ang kanilang kahinaan at sa pagtagal ay kamatayan.

At dito na magsisimula ang kwento ng anim na dalagang syang susi sa pagpapatuloy sa huling lahi ng mga fairy at ang istorya ng kanilang paghahanap sa mga inilaang kaparehas nila.




A/N:
Sana magustuhan nyo ang isusulat kong kwento. I dedicate this to my inspiration and crush na girl group APINK 😍😍😍😍 :)


Witchy FairyWhere stories live. Discover now