LOVE.
Yan na siguro ang pinakamasayang bagay sa buong mundo. Kahit gutom ka, basta't may lovelife ka busog ka na. Kahit hindi ka ganoon kaganda o kagwapo basta't may lovelife ka, masaya ka. Ang LOVE, walang pinipiling estado sa buhay, panahon, itsura, edad at pagkakataon. Kapag mahal mo ang isang tao, mamahalin mo siya mula sa pinakamaganda niyang katangian hanggang sa pinakapangit. It's a matter of acceptance and trust. Sabi nga sa isang awitin, "Love bears all things, believes all thing, hopes all things and endures all things."
Pero pagdating sa love, hindi lahatvxm fhsjxjs fjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjnnnnfdhshsddddddddddddddddddddddddddddd...
9:56 pm, January 26
Napipikit na yung mga mata ko. Hindi ko na yata matatapos yung tinataype ko para sa BLOG ko para sa Valentines Day next month. Ito na lang kasi ang libangan ko. Dito ko sinusulat lahat ng mga gusto kong i-express.
Kapag naman wala akong internet, nandiyan ang mga diary ko. Siguro mula nung grade 6 ako, nakaka 107 na akong diaries. At, pang 108 na itong gamit ko. Madaming nagsasabi sakin na weird daw ako. Introvert, nerd o di naman kaya freak. Pero balewala sakin ang lahat ng mga sinasabi nila. Ang mahalaga ay masaya ako sa ginagawa ko at mahal ko ito.-----
Ako si Nikki Miranda, 22 years old at nakatira sa Pandacan Manila. Lima kaming magkakapatid at lahat kami ay nakatapos na sa pag-aaral. May mga kanya-kanya na din kaming mga trabaho. Ako at si Kuya Marco na lang ang nasa bahay kasama sina Mame, Dade at Lolo Julio. Yung tatlo naming mga kapatid ay may sari-sarili ng pamilya kaya nagkakasama na lang kami kapag may okasyon katulad ng birthdays, Pasko at New Year.
Nagtatrabaho ako sa Books Avenue bilang Operations Assistant Manager. At mahal na mahal ko ang trabaho kong ito.Dahil nga papalapit na ang Love month, madami kaming mga pakulo para naman ma-feel ng aming mga customers ang essence ng love and romance. Maaga akong pumapasok dahil nagche-check pa ako ng blog ko. At in fairness naman sakin, madami ding nag susubscribe sa blog ko.
May isang comment.
Love is in any form. Kahit wala kayong contact personally, the love is there. Hi Blogger Nikki! :)
And to tell you frankly, this comment made my day! Lalo tuloy akong ginaganahan magsulat. "Miss Nikki, pinapatawag po kayo ni Ma'am Andrea sa office niya."
Pagdating ko sa office ni Ms. Andrea, she smiled at me. "I've read your blog Nik. And I find it great! You know what am I thinking right now? I want you to be the official Blogger nitong Books Avenue!" Na-speechless ako sa sinabi ni Ms. Andrea. I heard it pero ayaw nitong mag sink-in sa akin. "Hey? Nikki you heard me? Nikki!" "Yes Ms. Andrea! Loud and clear. But, why me?" Ngumiti siya sa akin. Lumapit siya at hinawakan niya ko sa mga balikat ko. "You have the talent Nik. And I want you to explore. I know you can." Gusto kong sumigaw sa sobrang saya nang mga oras na iyon. May naniniwala pala sa kakayahan ko. Idagdag mo pa yung mga comments na nabasa ko kanina. Ang saya!Well indeed, it was really a great day. Naging swabe ang araw ko hanggang sa pag-uwi ko. Then, as usual mag-oonline ako para sa blog ko. I was checking my notifications when suddenly naalala ko yung comment ng isang unknown reader. So I checked the comments again hanggang sa mahanap ko siya.
James Lacson
Out of my curiosity, I checked him on FB. At hindi naman ako nabigo na makita ang profile niya. Iche-check ko pa sana sya nang biglang may message request akong natanggap sa isang FB user.
Hi po Ms. Nikki. I'm an avid fan of your blog. I read your blog since day 1. Pero ngayon lang ako nagkaroon ng guts para mag-message sa'yo. Gusto ko lang sanang makipagkaibigan sa'yo. Sana mapansin mo ako.
I was really amazed nang ma-notice ko ma siya yung James Lacson na nag-comment sa blog ko! Was it just a coincidence? Kinikilig ako sa sobrang saya!
Nagka-chat kami nitong si James hanggang sa makaramdam na kami pareho ng antok. Ito na siguro ang pinakamatagal kong convo, sa stranger pa. Pero okay naman ang naging usapan namin.
-----
Nagpatuloy ang communication namin ni James hanggang sa maging magkaibigan na talaga kami.
.
.
.
Magkaibigan online. Ang nakakatawa lang, taga-Manila lang din naman sya pero we never decided na mag-meet personally. Pumupunta sya ng Books Avenue pero since sa management ako, mababa ang chance na magkita kami.Until one day.
BINABASA MO ANG
Online: Way to Forever
ЧиклитOo, nakilala ko lang siya online. Pero yung love? Naramdaman ko talaga eh! Iba siya sa lahat ng mga nakilala ko. Kaya sigurado akong siya na talaga.