February 11
"Miss Nikki, nag-set po ng emergency meeting si Miss Andrea after lunch. Please acknowledge."
Haaay. Ang toxic naman ng sched ko ngayong araw. I have an appointment sa isang publishing company ngayong umaga, tapos I need to update the Operations summary kasi nag month end na nga. Tapos meeting pa! Haaay. Pero I need to push everything, para naman ito sa store namen.
At dahil nga ang lakas ko kay Lord, na-survive ko naman ang mga responsibilities pero hindi sa madaling paraan kaya gusto ko munang mag-relax bago ako umuwi. Nagpunta ako sa isang coffee shop malapit sa train station na dadaanan ko sa pag-uwi. At dahil malakas talaga ako kay Lord, may free WiFi kaya nag-online ako.
Medyo matagal ang dating ng order ko kaya nagbasa muna ako ng mga messages ko. May message si James. Hindi ko sana i-oopen kaso...
Hi. Wanna hangout tonight?
Shemay! Tsk. Kailangan ko tuloy replyan 'to, ayoko namang sabihin nya na seen-zoned ko lang siya.
Me: Sure. Nasa coffee shop ako ngayon.
Him: Sure ka? Hindi ka natatakot sa akin?
Me: Nope. Bakit, halimaw ka ba para matakot ako sa'yo?
Him: Hahaha. Naaah, okay tell me your location. I'll go.
Me: Sa coffee shop near Nuestra train station.Dumating na yung order kong coffee at waffles. Hindi na siya nagreply. Malamang nanggu-good time lang yun. Ayoko naman mag-assume.
Nag-eenjoy na ako sa kinakain ko nang nakareceive ulit ako ng message.Him: I'm here na. Sino ka dito?
Him: Naka-gray shirt ako.
OH MY GOSH! HINDI NGA?? AYOKONG LUMINGON!!! SUPER NAHIHIYA AKO. AKALA KO KASI NANGGU-GOOD TIME LANG TALAGA SIYA.
Him: Uso magreply Miss.
Okay okay. Rereplyan ko na nga siya. Ginusto ko ito eh. Haay bahala na nga! Bakit kasi pumayag pa ako!!!
Me: Typing...
Nakakapressure pala yung feeling kapag makikipag-meet ng ganito. Lalo na, sa online lang naman kami nagkakilala at nagkakausap.
Ise-send ko na sana yung message ko ng biglang may umupo sa harap ko."Nikki right?" I paused for a while then dahan-dahan akong tumingin sa kanya. And believe it or not, nanlaki talaga ang mga mata ko mang tumambad sa aking harapan ang isang matipunong lalaki na maputi at malinis ang balat, chinito at nakangiti pa sa akin.....in short, isang gwapong nilalang!!!! "Huy, ano para ka bang nakakita ng multo?" He laughed. Oh my gosh yung puso ko bes pakipulot!
"Ano, may dumi ba ako sa mukha? Hahaha ako 'to, si James."
"Ah..eh hi! Sorry ha nahihiya kasi ako! Hahaha sorry..."
"Halata ko nga eh. Shake hands?"
At nag-shake hands kami. Yung kamay ko literal na nagsh-shake sa sobrang kaba ko. Sabay higop sa kape na akala mo hindi mainit. "Aray hehehe mainit pala hehe!" Grabe nakakahiya! Dapat pala yung waffle na lang yung nakuha ko para hindi napaso yung dila ko!
"Bakit ka ba kasi kinakabahan?" Kumuha siya ng tissue pagkatapos pinunasan niya ~yung labi ko. "Huwag ka na kasing kakabahan ha?" Tumango ako. Yung feeling na parang na-hypnotized niya ako. Pero di rin naman nagtagal, natanggal na yung kaba ko. Naging komportable na din ako na kasama siya. "So, ano pang mga pinagkakaabalahan mo bukod sa blog site mo?" Grabe naman ito makatitig! "Ah, ayun movies, novels tapos diaries. Masaya na ako do'n. Ikaw ba?"
"Gym, then internet tapos foods. Hahaha yan lang ang mga nagpapasaya sa akin."
Nagpatuloy pa ang usapan namin at dahil naaliw kami sa pag-uusap, ang dami naming naorder. Inabot na kami ng closing hours ng coffee shop!
"Ah, James late na. Uwi na tayo."
"Naku! Sorry ginabi ka na. Pero don't worry, ihahatid na kita."
"Hindi na, ginabi ka na din oh. Okay lang ako."
"Ah basta halika ka na."
Hinila niya ako palabas sa coffee shop na tipong akala mo close na close na kami. Pagkatapos ay sumakay na kami sa kotse niya.
"Don't worry Nikki, I'll bring you home safe."
Ngumiti lang ako kay James. Pero may konting kaba ako kasi...Paano kung human trafficker siya? O di kaya ay sindikato? O baka nandudukot ng mga babae?! Hindi mawala sa isip ko ang mga bagay na yan.
"Nikki, hindi ako masamang tao. Wag ka nang mag-alala dyan."
Gosh!!! Mind reader ba sya?! Pero tahimik pa din ako. Tinitingnan ko lang siya mula sa rear view mirror ng kotse niya.
"Ah Nikki, san nga pala tayo pupunta? Hindi ko alam ang address niyo eh."
Oo nga pala! Hindi ko pa nasabi ang address ko.
"Greenville Compound, sa unang kanto paglagpas ng HyperMart."“Okay got it.”
Naka-smile siya habang nagdadrive. At dahil mabait si Lord, naihatid naman ako sa bahay namin ng ligtas.
“Thank you James ha.”
“You’re welcome. Nice meeting you Nikki! Next time ulit ha?”
“Okay. Ingat ka.”
Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa pagliko niya sa kanto. Ngayon ko na-realized na isang stranger pa rin siya dahil ngayon ko lang siya nakilala sa personal.
Pagpasok ko sa bahay, nag-smirk sa akin si Mame, hanggang sa pagbibless ko sa kanya iba siya kung makatingin sa akin.“Oh?” Wala akong masabi kay Mame. Kunwari inosente ako.
“Wala. Sige na magbihis ka na at sumabay ka na kumain sa mga lalaki don.”
“Kumain na po ako.”
Para namang hindi ko kilala tong si Mame. Umakyat ako sa kwarto ko para magbihis. Pagkatapos ay humiga muna ako at itinaas ko ang mga paa ko, medyo masakit kasi. Pilit kong inaalala ang mga pangyayari kanina. Nakalimutan ko na ang toxic kong araw dahil kay James. Parang ewan, pero hindi ko mapigil ang ngiti sa mga labi ko.
“Sinasabi ko na nga ba eh! Sino iyon Nikki?”
“Ay kabayo! Mame naman nanggugulat ka ah!”
“May hindi ka kasi sinasabi sa akin kaya ka nagulat. Hmm so tell me, who’s that guy?”
“Okay okay.”
At ikinuwento ko kay Mame ang mga nangayari at kung sino ba yung kasama ko kanina.
“Nagkakilala kayo sa Online lang?! Nikki naman, paano kung masamang tayo siya? Paano kung ni-rape ka? Kababae mong tao!”
“Mame, naisip ko na po yan. At mali ako, mabait siya. At tsaka di ako mare-rape no! Marunong ako manuntok.”
“Paano mo naman nasabi? Bakit gaano katagal na ba kayong magkakilala? Eh kung ikaw suntukin ko?!”
LAGOT.
“Isang buwan na din po Mame. Pero ngayon lang po kami nagkita sa personal.”
“Isang buwan?! Hay nako Nikki! Tigil-tigilian mo nga iyan! Bahala ka nga. Binabalaan kita ha!”
“Sorry Mame.”
Kagaya nga ng ineexpect ko, medyo napagalitan ako ni Mame, which is tama nga lang naman. Mas lalo siguro kapag sinabi kong 2 weeks pa lang kaming magkakilala ni James.
1 message received
James
10:27 pmHi Nikki. Thanks for the time ha? Nice meeting you. Ang cute mo po. ‘til next time! Goodnight :) zzZ
Nagreply ako.
Hello James. Thanks din! Lalo na sa paghatid sa akin. Nice meeting you too. Goodnight din :)
At kahit late na, nagbukas ako ng laptop at nag-update ako ng blog ko.
Meeting Someone for the First Time…
BINABASA MO ANG
Online: Way to Forever
ChickLitOo, nakilala ko lang siya online. Pero yung love? Naramdaman ko talaga eh! Iba siya sa lahat ng mga nakilala ko. Kaya sigurado akong siya na talaga.