Chapter5|5th'day|

7 1 0
                                    

Chapter5 | 5th'day |Wala ng makakasakit sayo.

CHIN's POV

Sa paglalakad ko namataan ng mata ko yung babaeng naglalakad patungo sa direction ko. At syempre sino paba? Edi si Girl :3 at yung mga alagad niya.

"Hoy bitch, totoo bang nagdate kayo kahapon ni Lay?"

"OO! Bakit ingit ka?" pagmamalaki ko.

"Hindi ako naiingit noh! Tsaka ano bang sabi ko sayo di ba. Wag mo nang lalapitan si lay. Dahil akin lang siya!"

"Ah talaga? Sayo siya? Weh di nga? Eh ni hindi nga kayo nagsasama oh! At sana lagi mo siyang kasama pero lagi ka lang niyang iniiwasan bawat dikit mo sa kanya. Oh well , para lang sabihin ko sayo na walang kayo! At hinding hindi na magiging kayo!"

Pak!

Oo sinampal niya ako.

"Dalhin niyo yan." at hinawakan ako ng mga alagad niya at dinala sa isang room na walang tao at puro alikabok di na ata ginagamit toh.

"Oy! Bitch."

"Ikaw yung bitch hindi ako!!"

pak!

pak!

At sinampal niya ako.

"Dahil hindi mo sinunod ang sinabi ko papahirapan kita ngayon!"

Ayun sinampal sampal niya ako hanggang sa pumutok ang labi ko. Sinabunutan niya ako at kinaladkad.
At tinali yung kamay ko. At binuhusan ng malamig na tubig? Teka wala naman dito kanina yun ah. At hinawakan ulit ako sa buhok at hinarap sa kanya.

"Ano? Di mo pa rin ba lalayuan si lay?"

"Bat ako ang sinasabihan mo!? Bakit hindi siya ang sabihan mo dahil siya naman ang lumalapit sakin!!?"

"Hoy! fyi, wala akong paki kung siya ang lumalapit sayo. Basta ang akin lang layuan mo siya! Di kayo bagay! Diba girls?"

"Yahh!!!" pagsang ayon nila jean at kate.

"Hmm. Girls nangangate ba yung mga kamay niyo? Kasi ako oo at GUSTO KONG MAKASAKIT NG TAO! TULAD NG ANDITO!!" at kinaladkad nanaman niya ako.

"Ta-tama na! Masakit . Tama na !" pero di niya ako pinansin.

"Tama na sinabi eh. Please parang awa mo na tama na!! Maawa ka please!" pwe!

Huminto siya at ''Ow? Nagmamakaawa yung aso. Oh well, Tara na nga girls. Naaawa na rin ako eh. Tingnan niyo yung itsura niya oh!"
Lul! Mas mukha kang aso!!

"Haha, mukhang baliw!" sabi ni jean at sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Wah! Tara na girls baka magwala pa yung baliw!" sabi ni kate bago pa man sila umalis nagsalita ulit si girl.

"Yan ang nagbabagay sayo bitch! Sa pag agaw mo sa pag mamay ari ko!"

"Arrrrggghhhh!!!" Sigaw ko sa inis.

"Wah! Tara na girl baka mag wala yung baliw!!"

-

LAY's POV

'Arrrrggghhhh!!!' Sigaw yun ah! At boses babae! Malapit lang mula sa kinatatayuan ko. Kaya pinagpapatuloy ko lang yung paglalakad ko. napatago ako ng may narinig akong tawanan at lumabas sila girl galing sa isang room? hindi na ginagamit yun ah. Bat sila lumabas galing doon? 

Nang makalayo sila ng tuluyan pinuntahan ko yung room na pinagmulan nila at tiningnan ko kung bakit sila nagtungo rito. At pagkabukas ko palang ng pinto nagulat ako sa nakita ko dahil isa yung babaeng umiiyak at mukhang kinawawa. Malamang kagagawan yun nila girl. Tsk. Kaya pala sila nanggaling dito.

Pero mas nagulat pa ako nung nakita ko yung mukha nung babae at di ako nagkakamali at nilapitan agad siya.

''Chin!!" lapit ko sa kanya at yumakap naman siya agad sakin.

"Lay!!" at mas lalo pa siyang napahagulgol. "La-lay. Ba-bakit ganun? A-ano ba-bang gi-ginawa k-ko sa kanya? Ba-bakit niya a-ako gina-gaganto? Ansama niya. Ansama nila!!"

"Shhh!" paghagod ko sa likod niya.

"Lay, Bakit? Bakit? Sabihin mo sakin!! Alam kong naging isa siya sa pinaglaruan mo pero bakit ganun siya!! At tama niya sayo!! Ano bang ginawa mo sakanya!! At pinahihirapan niya ako ng ganito!!?"

At umalis siya sa pagkakayakap saakin at hinarap ako.

"So-sorry chin."

"Sorry?? Sorry nalang? Pagkatapos niya ako pahirapan ng ganto? Sorry nalang lay?" biglang naging mahinahon yung boses niya.

"Sorry chin at oo isa siya sa mga pinaglaruan ko pero hindi ko alam kung bakit siya ganun. At hindi ko alam na magagawa niya yun na gagawin niya yun sayo. Chin look i'm sorry hindi ko naman alam yun.  Sorry chin. Pero hayaan mo simula ngayon wala nang makakasakit sayo. Lagi na akong tatabi sayo. Wala nang didikit sayo kahit katiting lang ng mga daliri nila. Ako ang bahala sayo at subukan man nilang dikitan ka kahit isang piraso lang ng buhok mo. Hindi na ako magdadalawang isip na saktan sila. At wala akong pake kahit sino pa sila basta sisiguraduhin ko lang na wala nang makakasakit sayo." at niyakap ko siya ng mahigpit pagkatapos inayos yung buhok niya.

"Tingnan mo mukha ka nang baliw!" pag jojoke ko at sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Ayokong marinig yang baliw na yan dahil yan yung sinabi nila sakin bago sila umalis at tsaka hindi ako yung baliw nuh! Sila yun at si girl yun!" natawa naman ako.

"O-okay okay, easy lang.  sa ngayon ayusin mo muna yung sarili mo at isa pa." nilabas ko yung panyo ko at pinunasan yung mukha niya at pati na rin yung dugo sa gilid ng labi niya.

"Te-Thankyou."

"Your welcome."

"Tara na hatid na kita pauwi para makapag ayos kana." at inalalayan ko siyang tumayo pero nagkamali akong makakatayo siya dahil natumba siya bigla dahil sa paa niya? Tiningnan ko yun at may sugat siya. Kaya wala ako magawa kundi ipasan siya.

"Te-teka anong ginagawa mo?"

"Pasan na."

"H-huh? Teka wag na kaya ko naman eh." sinubukan niyang tumayo pero hindi siya nagtagumpay.

"See that? Hindi mo kaya. Kaya sakay na." at wala siyang nagawa at sa huli sumakay rin.

-

Habang naglalakas kami papunta sa bahay nila ay tahimik lang kami.
Oo naglalakad kami dahil hindi ko dala yung kotse ko.

"Ibaba mo na ako. Maglalakad nalang ako lay dahil baka nabibigatan kana sakin."

"Hindi ah. Tsaka di mo naman kayang maglakad." tanggi ko kahit na nabibigatan na talaga ako.

Tahimik ulit hanggang sa makarating kami sa kanila. Pasan pasan ko pa rin siya hanggang sa loob ng bahay nila binaba ko lang siya nung inupo ko siya sa sofa nila. At akmang tatayo siya pero pinigilan ko siya.

"Dyan ka lang. Wag kang tatayo. Responsibilidad kita ngayon."

"Wag na kaya kona. Umuwi kana lay."

"Hindi. by the way asan yung first aid kit mo?"  at tinuro niya lang. Kinuha ko yun at kumuha rin ako ng tubig at nilagay sa plangana. Bumalik ako at nakita ko siyang natutulog. Ang himbing ng tulog niya at hindi na ako nag abala na gisingin siya.

Sinimulan ko nang gamutin yung sugat at nang matapos iniligpit ko na rin ito. Inilibot ko ang mata ko sa buong bahay tama lang para sa isang katulad niya.
Napabaling ang mata ko sa orasan at 9:00pm na pala ng gabi.
Maka uwi na nga.


-

Chapter 5 | 5th'day Doneee. :)
Sana nagustuhan niyoooo.

"Only One Week and We're Done"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon