Chapter6|6th'day

10 0 0
                                    

Chapter6|6th'day|HappybirthdayChin

LAY's POV

Maaga akong nagising para puntahan si chin kung kamusta na na siya at kung kaya niya bang lumakad. tss,grabe naman kasi yung pananakit sakanya. pero sisiguraduhin ko wala nang makakasakit sa kanya.

Pagkapunta ko kila chin naabutan ko siyang natutulog pa,di parin nakakapag palit ng damit niya. pinagmasdan kong mabuti yung mukha niya ngunit nasira yun ng bigla akong may narinig , cp pala ni chin. tiningnan ko yun at may nagtext si Red yung bestfriend niya.

From : Bestie red

Wahhh, it's your birthday beshyy. wah, happy birthdayy. :)

birthday pala ni chin ngayon?
what time naba, tiningnan ko yung clock 7:30 palang ng umaga, Maaga pa maluluto nalang muna ako ng breakfast niya namin para naman may magawa.

pagkabukas ko ng ref niya egg, bacon, hotdog lang ang meron dun. kaya yun nalang yung lulutuin ko at magsasangag nalang rin ako.

-

CHIN's POV

Nagising ako ng may naamoy ako galing kusina. sinubukan kong tumayo bigla may naramdaman akong masakit , bakit masakit at naka uniform pa rin ako. Ah, naalala ko na yung nangyari kahapon. Kaya dahan dahan nalang akong tumayo at tinungo ang kusina. Pagkapunta ko dun nadatnan ko si lay naghahain ng niluto niya. wait teka si lay? si lay nga! bat andito siya.?

"Oh, gising kana pala. tamang tama tapos na ako dito. tara kain na."

pero di pa rin ako makapagsalita at nakatunganga pa rin sa kanya.

"Kung nagtataka kung bat andito ako. tigilan mona yun at kumain kana." wala na akong magawa kundi kumain nalang kasama niya. oo, niya.

pagtapos naming kumain napagdesisyonan kong ako na ang maghuhugas. ngunit-

"Ako na, ako na ang maghuhugas." ngunit pinigilan niya ako.

"Ako na kaya ko naman." pagtatangi ko, syempre nakakahiya naman.

"Ako na at magpahinga ka nalang jaan o kaya maligo kana. Ambaho mo na at tsaka tingnan mo mukha ka pulube na namamalimos sa tabi ng simabahan." aba ang loko!

"Aba! loko ka ah. hoy para sabihin ko lang sayo kahit ganto ang kasuotan ko na kahit nadumihan maganda pa rin ako!!" panlalaban ko.

"HAHAHA, Ano daw tama ba yung narinig ko na maganda ka? Hoy , mahiya ka naman at tsaka baka ikaw pa lamigin sa sobrang hangin mo?" tumatawa pa ang loko!

"Makaligo na nga." naka ilang hakbang palang ako sa hagdan ng biglang magsalita siya ulit.

"Nga pala, happy birthday chin." sabay kindat pa. teka pano niya nalaman yun?

"Paano mo nalaman?"

"Ah yun ba? nabasa ko lang sa text ni Red kanina kase naman kanina pinagmamasdan ko yung mukha mo at naputol yun ng bigla tumunog yung cp mo." bigla naman akong pinamulahan. pinagmamasdan niya ako habang natutulog gash! tumalikod na ako agad sakanya bago pa niya makita na namumula ang mukha ko.

"Nagba-blush kapa." sabay tawang sabi niya. nakita niya yun.? arrrggh! kaya pinagpatuloy ko nalang ang pag akyat at naligo na syempre nagdahan dahan ako dahil talagang hindi ako makalakad. -_-

pagkatapos kong maligo , malamang nagbihis ako. nagsuot ako ng maong na tokong hanggang sa ibabaw ng tuhod ko at V-neck kulay gray at nagsuklay pagkatapos bumaba na ako at naabutan ko si lay nanunuod.
nilapitan ko ito at umupo sa kabilang sofa.

"Only One Week and We're Done"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon