Flashback
Mama: doc magbabayad kami kahit magkano basta pagalingin niyo lang ang anak ko.
Doc: wag po kyong mag alala maam. Pag may eye donor na match sa kaniya . agad naming isasagawa ang operasyon. Mag stay na lang muna sya dito for a week para sa mga tests na gagawin sa kaniya.
Mama: sige doc.
Halos ilang weeks din ako sa hospital
Sa mga araw na lumilipas ,
Unti unti ding lumalabo ang paningin ko. As in sobrang labo na parang shadow na lang nakikita ko.
Napag isip-isip ko lumabas muna ng silid ko. Para kung sakaling magiging bulag na nga ako atleast my mga magaganda ako imahe naitatak sa utak ko.
Pinagmasdan ko muna ang mga photos ng pamilya ko .
Tapos nagpasama na ako sa nurse na lumabas.
Gusto ko kasing pumunnta sa garden ng hospital.
Nang nasa hallway kami ng hospital may napansin akong lalaki
Nakakatakot siya .
Kasi sobrang galit na galit siya,pinag sisipa at pinagsusuntok niya yung pader .
Iyak siya ng iyak.
Tapos paulit ulit niyang sinasabi na
“please wag muna. Pakakasalan ko pa sya. Mahal na mahal ko siya. Pleeeeaasee!”
Di ko namalayan na pumatak na pala ang luha sa mga mata ko.
Ramdam ko kasi kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ngayon.
Halos ganyan din ang reaksyon nila mama ng malaman nila na may possibility na mabulag ako.
Nakarating na kami sa garden…
Iniisip ko pa rin yung unknown guy na yun..
Napatingala na lang ako sa langit tapos ipinag pray ko na lang siya
Na sana malagpasan niya lahat ng pagsubok at tulungan sya ni JESUS kung ano mang pinagdadaanan niya ngayon.
2 days after I saw that guy.
Biglang dumating ang good news na pinakahihintay naming lahat.
MERON NA DAW AKONG EYE DONOR! ^_^
Tuwang tuwa kami ng family ko sa ibinalita ni doc.
Then isinagawa na agad ang aking operasyon
End of flashback
Then dumating na nga araw na pinakahihintay ko.
Doc.: good morning Ms. Chua.naka tulog ka ba kagabi ng maayos? Excited ka na ba?
Sunod-sunod na tanong ng doctor ko sa akin. Sa sobrang ka ba ko ,hindi a ako nakapag salita pa bagkus nginitian ko na lang si doc.
Unti unti ng lumapit sa akin si doc at tinanggal ang benda sa aking mga mata.
Pa unti unti kong dinilat ang mga mata ko.
“AHHHHH!!! Ang hapdi! Ang sakit” yan ang nasabi ko
Doc: iha normal lang yan . basta wag mong bibiglain imulat mga mata mo. Dahan dahan lang
Sinunod ko nga ang sabi ni doc. Dahan dahan lang
Ma: anak nakikita mo na ba ako? Malinaw na ba paningin mo? Ano okay na?
Little bro.: hoy! Dilat na maganda kong kapatid! Maglalaro pa tayo oh hahaha…
Nang maidilat ko na ang mga mata ko .
Ngumiti agad ako dahil medyo lumilinaw na paningin ko.
BUMABALIK NA SA DATI ANG PANINGIN KO!!! =))
“ma okay na ako .bumabalik na sa dati ang paningin ko” maiyak iyak kong sinabi sa kanila.
Ma&lil bro.: thanks God!.
“ma punta tayo sa church mag papasalamat lang ako kay Jesus.”sabi ko
Ma: okay ,pero sa ngayon magpahinga ka muna ha. Bukas pangako pupunta tayo sa simbahan.