love at the wrong time

184 4 4
                                    

I am a fourth year college student in a private school. Ma-swerte ako because I have a great life, but it doesn’t mean na kailangan kong magmayabang sa mga taong hirap sa buhay. Siguro, dahil sa kaalamang iyon, kaya nahulog ang loob ko sa isang babaeng nag-aaral din dito na masasabing hindi sapat ang pera para tugunan ang kaniyang pangangailangan sa araw-araw. Hindi nakakapagtaka kung paano niya nagawang mag-aral sa isang private school dahil sa kaniyang angking talino na naging dahilan sa kaniyang pagkapasa sa scholarship. Balita ko nga, valedictorian siya noong high school. Hindi lang siya matalino, maganda pa!

Nakakahiya mang sabihin, pero nagmistulang akong isang stalker niya na mas maganda kung tatawagin nalang na secret admirer. Inalam ko ang background niya, address ng bahay nila, maging ang schedule niya at room sa school. I’ve always followed her wherever she goes. At ang favorite niyang place is the library. Grabe talaga siya kung mag-aral, after niyang mag-lunch, pupunta na kagad siya sa library to read books, not only book, but books. At ang nakakahanga pa doon, kahit subsob siya sa pag-aaral, napapanatili parin niyang maging maganda sa paningin ng lahat ng tao. Hindi na ako nagtataka kung bakit ang daming may gusto sa kaniya. Sa library ako nakakakuha ng tsempo para pahanginan siya. Torpe kasi akong tao. I’m a NGSB member. As in no girlfriend since birth. Sa library, napapakiusapan ko ang tagabantay ng bags na kung pwede, i-abot niya ang letter ko for her. Even if I’m a guy, gusto ko rin yung feeling na kinikilig, because I make her smile while reading my letter for her. Sa canteen ko naman nabibigay ang mga food na gusto kong kainin niya to make her healthy. Syempre, dahil torpe ako, palihim kong ginagawa yun. Habang nakapila siya para bumili ng food, ilalapag ko ang dala kong pagkain for her sa table na pinag-iwanan niya ng bag. O diba! Sa kaniya ko nagagamit ang utak ko. Haha!

Imagine, four years ko ng ginagawa yun. Since first year, gusto ko na siya. Four years na rin akong mukang tanga. Kung bakit kasi ang torpe torpe ko. But then one day, I’ve noticed na madalas ko na siyang hindi nakikita. Not in her room, in the library, even in the canteen. Is it possible na coincidence lang ang lahat? Hindi na ko nakapagpigil na magtanong sa classmate niya…

“Ilang araw ko ng hindi nakikita si Kristine. Alam mo ba kung nasaan siya? Pumapasok pa ba siya?”

-      “Hindi lang ilang araw. Halos mag-iisang buwan na siyang absent. Hindi nga lang namin alam kung ano ang dahilan. Wala rin kaming balita sa kaniya, because we’re not close. Loner kasi yung girl na yun.”

“Ok. Thank you!”

One week later, I’ve decided to go to their house. While walking, I accidentally saw her.

“Kristine!”

Lumingon siya, pero hindi niya ko pinansin. But I understand her, hindi naman niya kasi ako kilala.

“Kristine!”

-      “E sino ka ba?”

“Hi! I’m Mark.”

Sabay abot ng kamay ko, pero hindi siya nakipag-shake hands sakin.

-      “Kilala ba kita? Bakit mo ko kilala? Bakit mo ko tinatawag?”

“Hindi mo nga ako kilala, pero kilala kita. Madalas kasi kitang nakikita sa school. Mag-school mate tayo.”

-      “Paano mo nalaman pangalan ko? Sayo ba galing yung mga unexpected gifts para sakin? Pati yung letters and foods na natatanggap ko?”

“Ha? A… Hindi sakin galing yun. Nakilala lang kita because I saw your name sa lab book sa library.”

Hindi ko na-amin sa kaniya ang totoo. Nahihiya kasi ako.

-      “A ok! So… Anong kailangan mo sakin?”

“Gusto ko lang malaman kung bakit hindi kana pumapasok sa school.”

love at the wrong timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon