Kabanata 5 (EPILOGUE)

38 4 1
                                    

Patuloy ang labanan ng dalawang kaharian, marami na ang namatay kabilang na rito ang Hari at Reyna ng Blue Kingdom. Samantala, patuloy rin ang paglalaban ni Shawn at Mikhael. "Sumuko ka na Shawn. Hindi mo ako kaya! Taglay ko ang kapangyarihan ng dalawang kaharian." pagmamayabang ni Mikhael. "Ikaw ang dapat sumuko. Hawak ko ang buhay ng taong mahal mo." ganti ni Shawn. Napakunot-noo naman si Mikhael. May isang imahe ang nagpakita. Nakita ni Mikhael si Alice na naka-kulong.

"Sumosobra ka na! PAPATAYIN TALAGA KITA!" sigaw ni Mikhael at nagbato ng maraming ice ball at ice blades pero nailagan lahat iyon ni Shawn. Nagteleport si Shawn papunta sa likod ni Mikhael.

Itinutok ni Shawn ang fire knife sa leeg ni Mikhael habang may puwersa na pumipigil sa pag-galaw ni Mikhael.

"Wala na si Alice sa kulungan!" sabi ng nagsalita sa isip ni Shawn! Naagawa ng atensyon nila ang biglang pagtama ng isang fire blade at ice blade  sa binti ni Shawn. Nabitawan niya ang fire knife at nawala ang puwersang pumipigil kay Mikhael.

Binalewala  ni Mikhael ang tumulong sa kanya bagkus ay tinadyakan niya sa sikmura si Shawn at napaubo ito ng dugo. Sa sobrang galit ay di na niya makontrol ang sarili at nagsumon ito ng espada.

"MAMATAY KA NA!" umiiyak at puno ng galit na sigaw ni Mikhael. Ngunit huminto ang lahat at napunta kay Alice ang hawak ni Mikhael na espada.

"MIKHAEL TAMA NA!" sigaw ni Alice. Muling gumalaw ang paligid. "Huwag mong hayaan na kainin ka ng galit." nangungumbinsi ang boses nito habang nakatingin kay Mikhael. Napaluhod si Mikhael sa lupa at yumuko. Tumatangis na ito. Mabigat ang kanyang pakiramdam at habol ang hininga.

"Papa?" naiiyak ang tono ng boses ni Shawn. Lumapit sa kanya si Kharl. "Shawn, wala siyang kasalanan sa pagkamatay ng mama mo. Nagsakripisyo ang mama mo para sayo." sabi ni Kharl. Umiiyak na si Shawn nawala bigla ang galit niya at parang naestatwa naman si Mikhael.

"Khael? Siya si Mikhael ang nawawala niyong anak ni ate Misha." sambit naman ni Alice. "Mag-kapatid kami?!" sabay na tanong ni Mikhael at Shawn. Biglang yumanig ang buong paligid. "Mamaya na natin ito pag-usapan, kelangan muna nating pigilan ang magkabilang grupo." singit ni Alice.

"Kami na po ni Mikhael ang bahala." seryoso na sabi ni Shawn. Nagtulungan sila. Naging magkakampi. Lumipad sila sa ere at kitang-kita nila ang paglalaban na nagaganap sa pagitan ng dalawang grupo. Nagkatinginan sila.

"Pahintuin mo ang lahat." Shawn. Sinunod naman ito ni Mikhael. Pagkatapos, bumaba sila sa lupa. Gumalaw na muli ang lahat at hindi na naglalaban ang dalawang grupo. "Paano mo nagawang pahintuin sila sa laban?" takang tanong ni Mikhael. "Tayo ang may gawa Mikhael, nagtulungan tayo para huminto ang labanan. Kinausap ko sila sa isip habang pinatigil mo ang lahat." nakangiting sagot ni Shawn.

***

Ang mundo ay hindi perpekto,
Maraming nagkakamali lalo na tayong mga tao.
Ngunit sa bawat pagkakamali na nagagawa natin, karapat dapat lang din na mapatawad tayo.

Ang galit at poot na maaaring mabuo sa puso natin, ang siyang maguudyok para sa paggawa natin ng pagkakamali.

***THE END***

ANG LABAN NI MIKHAEL Where stories live. Discover now