Chapter 1

13 1 0
                                    



Year 2013 uso pa ang clan sa cellphone nun kaya sumali ako para madagsagan ang mga kaibigan ko .

   Nung nakasali na ko madami na ko naging kaibigan dun . at isang araw naiset sila ng GEB (Group Eye Ball) pumunta lahat ng kasali sa clan na yun at sa bahay ng isa naming ka clan ang naging venue namin.

    Nung nakarating na ang lahat nag usap usap na kami, nag tatawanan, nag bibiruan, at kung ano ano pa  ..

   At inabot na kami ng gabi na sa sobrong kasayahan , hanggang yung iba nag uwian na ..

   Mga 9pm na ng gabi napag pasyahan naming mag ghost hunting dun malapit sa venue ng GEB, lima kaming nag ghost hunting , kahit yung dalawa ayaw sumama kase natatakot daw sila , pero sa huli sumama nadin.

    Nag lalakad na kaming apat sa kung saan , nakakita kami ng isang subdivision malapit dun .

   Pumasok kami sa subdivision na nakita namin , at ng nakapasok na kami nag lakad lang kami dirediretso.

   Habang nag lalakad kami may biglang umagaw sa atensyon namin , kaya tumigil kami sa pag lalakad ,

Nakatayo lang kaming lima sa kalsada habang nakatingin sa bahay na umagaw ng atensyon namin , kakaiba kase yung bintana nya itsurang mata .

   Habang tinitignan namin yung bintanang yon , maya maya nag paalam yung dalawa namin kasama uuwi na daw sila kase mag 11pm na , kaya napatingin kami sa relo namin at mag 11pm na nga .

   Kaya hinayaan na naming umuwi yung dalawa naming kasama , pag alis nila tinignan ulet namin yung bintana at pag tingin namin bigla kami nagulantang sa nakita namin .

    Pag tingin namin sa bintanang yun may nakita kaming anino at pula ang background , nag tataka kami dun sa nakita namin kase yung aninong yun parang hindi sa tao galing kase nakikita namin yung anino na may sungay .

    Habang tinititigan namin yung nakita namin bigla kami nag tinginang tatlo , nag tatanungan kung nakita ba naming lahat yung anino na yun , at nalaman ng bawat isa na nakita nga namin yun .

  Pag tingin ulet namin bigla ito nawala at naging itim na ulet ang loob ng bintanang yun , medyo natatakot na kaming tatlo dun sa nangyare pero nag patuloy parin kami sa napag usapang mag ghost hunting .

Nag lakad na ulet kming tatlo pag ka tapos namin makita yun , habang nag lalakad kami may nakita ulit kaming bahay sa di kalayuan , at dahil wala namang naka tira dun at sira pa yung bahay napag kasunduan na pumasok kami dun .

    Nasa may pinto palang kami ay parang may kung ano ang nag papalayo samin na parang ayaw kami papasukin sa bahay , pero dumiretso padin kami.

   Pag ka pasok namin nag lalakad kami sa loob ng bahay , pag dating namin sa hagdan may nakita akong babaeng mahaba ang buhok , pero di ko muna yun sinabe sa kanila kase tumigil silang dalawa sa pag lalakad akala ko nakita din nila yun .

    Pero umakyat sila sa 2nd floor ng bahay , sumunod ako sa kanila sa taas , pag dating namin sa taas narinig akong umiiyak na bata , pero parang hindi nila ito naririnig .

     Nakatayo lang silang dalawa sa may bintana na parang tulala , kinulbit ko silang dalawa pero di sila lumingon saken hanggang nag salita ng pabulong si Lhevy (isa sa kasama ko) .



Sabi nya tignan ko daw yung puno sa tapat ng bintana , at pag tingin ko nagulat ako sa nakita ko , kase may tao dun sa ilalim ng puno pero wala syang ulo , kaya nakatitig ako dun sa pugot na ulo na yun .

       Mga 5minutes ko syang tinitigan pero pugot talaga ulo nya at di sya gumagalaw , maya maya bumaba na kami at lalabas na sa bahay na yun , pero nang pag baba namin bigla namin nakita sa may kusina yung pugot na ulo .

     Bigla kami nag takbuhan palabas ng bahay na yun , habang natakbo kami biglang may sumigaw , pero di nanamin pinansin dumiretso padin kami sa pag takbo palabas ng bahay .

   Nang makalabas na kami sa bahay , dali dali kaming lumayo sa bahay na pinasok namin , nang makalayo na kami ay naupo muna kami saglit .

Pag katapos namin mag pahinga ay nag lakad na ulit kami , sa pag lalakad namin ay bigla nalang parang may umakbay sakin na sobrang bigat at sobtang salit ng ulo ko .

kaya nag aya na ko lumabas sa subdivision na yun .. habang nag lalakad kami palabas lalong bumibigat balikat ko at mas lalong sumasakit ulo ko .

Hanggang nakalabas na kami ng subdivision na yun , at ng pag kabas namin sa gate ng subdivision bigla nawala yung bigat ng balikat at sakit ng ulo ko ,

Nang maikwento ko yun sa kasama ko ganun din daw pala ang naramdaman nila habang palabas kami , nung tinignan namin ang oras 12:30am na pala kaya nag aya na ko umuwi para mag pahinga ,

Kaya nag uwian na kaming tatlo , at napag pasyahan na wag na namin ulitin yung ghost hunting na yun .







:) salamat sa pag basa kahit maikli lang true story lang kase kaya maikli ..

plss vote nadin if maganda :) tnx

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ghost huntingWhere stories live. Discover now