The girl they loved

58 7 0
                                    

Her Pov

What does it feel to have a depression?
I hate it when someones taking depression as a joke. Like as if it is just a thing that can be easy to handle. Every day I woke up and I'm still wondering why I am still alive.

I am Rina Alegre and I am suffering from depression.

-------------
The girl they loved

"Go Rina!"

"Whooooo! I love you Rina!"

" Go Ate!"

Tumingin ako sakanila at binigyan ko sila ng matamis na ngiti.
Nagsimula na ang ang tugtog kasabay ng paggalaw ko. Sa bawat pag indak ko nalulunod ang isipan ko na sana lahat ng problema malunod na rin.

Katulad ng inaasahan nila ,nanalo ako.

"The best ka talaga Rina."
Lumapit sakin ang mga kaibigan ko at  niyakap ako. Nagpapicture sila sakin habang hawak ang trophy na napanaluhan ko.

"Nga pala Rina bukas daw may practice ng choir inaasahan ni Ma'am na makakapunta ka kasi tapos naman na yung contest at bibigyan ka daw nya ng solo part."

Tumango nalang ako kay Sandra at binigyan sya ng matamis na ngiti.

Ganito lang lagi. I make my parents and other people proud because of my achievements.

Gabi na ng makarating ako sa bahay dahil nagcelebrate pa kami ng mga kaibigan ko. Libre naman nila eh kaya okay lang sakin.
Pagkauwi ko nakinig ko ang sigawan sa bahay.

"Lagi mo nalang pinapasakit yung ulo ni Momy at Dady! Kung manggugulo ka dito lumayas ka nalang!"

Alam kong boses yun ni Kuya Jered.

Agad akong tumakbo papasok sa bahay at nadatnan ang ibang babasagin na nagkalat sa sahig. Umiiyak lang si Momy habang hawak si Kuya Jered at hawak naman ni Dady si Kuya Sam. Si Kuya Rico naman ay nakalupagi sa sahig at may may dugo sa parteng kilay nya.

" Edi ako nalang lagi ang mali! Ako na ang may kasalanan!"
Galit na sabi ni Kuya Sam at pinipilit umalis sa pagkakahawak ni Dady. Halatang lasing na naman si Kuya Sam.

"Kuya tama na! Tama na!"

Hindi ko napigilang mapaiyak at pinilit pumagitna kay Kuya Sam nung maglalapit na sila ni Kuya Jered. Tinulak ako ni Kuya Sam buti nalang napahawak ako sa may sofa namin.

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin kaya tumakbo nalang ako papunta sa kwarto ko . Napansin kong bukas yung kwarto ng bunso kong kapatid at tulog na tulog pa rin si Max.

Pumunta ko sa higaan ko at umiyak. Pinipilit kong takpan ang tainga ko para hindi marinig ang pagtatalo nila.
Nakinig ko na pinaalis ni Dady si Kuya Sam kasabay ng malakas na paglagabog ng pinto.
Alam kong paulit-ulit ng ganito pero hindi ko pa rin magawang masanay.

----------
Kinabukasan parang walang nangyari malinis ang buong bahay. Yung trophy na nabitawan ko pala kagabi ay nakalagay na sa may malapit sa tv namin.

Nag gayak na ko para sa pagpasok. Nakita ko si Momy na naglilinis ng bakuran namin. Si Dady naman ay siguradong nag alis na papunta sa trabaho.

Pumunta ko sa kusina at tumabi kay Max. Kumakain lang siya ng lutong umagahan ni Momy. Naglagay ako ng gatas sa baso at kumuha ng tinapay.

"Ate bakit wala si Kuya Sam?"

Tumingin ako sakanya at nagbigay ng pilit na ngiti.

"Hindi ko alam."

Tumango lang sya at patuloy na kumain. Masaya ko kasi hindi nya nasusubaybayan yung mga ganung pangyayari dahil maagang syang natutulog pero at the same time naiinggit ako.

Nagpaalam ako kay Momy na aalis na. Niyakap nya ko at nagsorry sakin dahil hindi sya nakapunta kahapon. Hanggang ngayon namamaga pa rin yung mga mata nya.

Naglakad lang ako papunta sa school namin. Grade 8 na ko and I don't know the reason kung bakit pakiramdam ko mas iba akong mag isip sa ibang ka age ko.

Sa paglalakad ko nakikinig ko na ang ibat-ibang bulungan. Hindi ko masasabi kung bulungan ba yun kasi kinig na kinig ko naman.

"Ang ganda nya pala talaga."

"Tama tapos magaling din syang sumayaw at kumanta."

" Ang swerte nya grabe."

Compliments that I always hear before.

--------------

Tumunog ang alarm clock ko na ibig sabihin ay 5 am na. Binitawan ko ang ballpen na hawak ko at itinigil ang pag susulat. Pinahid ko ang mga luhang pumapatak sa mata ko.

Lumakad ako papuntang Cr at tiningnan ang reflection ko sa salamin.

Puro tigyawat ang mukha ko at halatang halata ang double chin. Itinaas ko ang braso ko at hinawakan ang mga tabang nakapalibot doon. Araw-araw ganito. Gigising ako ng madaling araw para mag sulat ng kwento. Mag gagayak para sa pagpasok at hindi ko kinakalimutang tingnan at laitin ang sarili ko sa salamin. Hindi ko alam kung pano naging ganito.

Pag gising ko ibang Rina na ang nakikita ko. Pag pasok ko ng Grade 10 nun maraming nagbago.

Now I am a Grade 12 student at sa pagsusulat ng kwento ko nilalabas lahat ng hinanakit ko sa mundo.

Hindi ko alam pero I just found myself writing my life.

DepressionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon