"Two weeks contract" Part 2

14 0 0
                                    

Pagkababa namin ni Tito Scott ay nakasalubong namin si Tita at si Timothy. Nakakalad nga pala si Tito, nagulat nga ako eh dahil biglang tumayo si Tito kanina tapos sinabi niya na nakakalakad naman daw talaga si Tito eh.

Biglang nabitawan ni Tita ang kanyang dalang bag nang makita niya si Tito Scott at nangilid ang luha ni Tita habang si Timothy ay tumakbo agad papunta sa kanyang daddy at niyakap ito ng mahigpit.

"Daddy!!!, I miss you da-daddy *sob*" umiiyak na pala si Timothy at napaiyak din si Tito.

"I miss you too, my SON *sob* anak, nagbalik na ang daddy ah, hindi na ako ulit babalik sa dati" si Tito.

Kumalas si Timothy sa yakap at tumingin sa kanyang mommy na nakatulala pa rin habang pinupunasan ni Timothy ang kanyang mga luha.

Biglang tumakbo si Tita papalapit kay Tito at niyakap ito ng mahigpit na parang wala ng bukas at tuluyang humagulgol si Tita. "Hon, nakakainis ka naman bakit kasi na-miss kita ng sobra eh andito ka lang naman sa loob ng bahay" si Tita.

Ngumiti naman si tito habang nakayakap pa rin sila. "Hindi na po mauulit Bos, I LOVE YOU AND I MISS YOU" sabi ni Tito at dahilan ng paghagulgol ulit si Tita. 

"I LOVE *SOB* YOU MORE HONEY!!" sabi naman ni Tita. Grabe pati pala ako ay napapaluha na dahil dito parang nanonood lang ako ng teleserye eh. At napansin ko naman si Timothy na nakabusangot habang nakatingin sa kanyang daddy at mommy.

"Can i join that hug?!" sabi ni Timothy sabay pout. HAHA ang cute talaga niya. Kumalas naman ang mag-asawa sa pagkakayakap at tumingin kay Timothy at sabay na napangiti.

"Halika nga dito" sabi ng Dad niya, at lumapit siya. Nag-group  hug naman silang tatlo at buti na lang at napansin agad nilang nandito pa ako kaya kumalas na sila sa  pagkakayakap. 

Kumalas naman si Tito Scott sa yakap nila at tumingin sa akin.

"We should thank her, coz she bring me back to reality" sabi ni Tito Scott with smile in his face.

“Wag niyo na pong isipin ‘yun at sinabi ko lang naman po yung nararamdaman ko eh” sabi ko habang nakayuko.

“Iha, thank you very much talaga, wag kang mag-alala dahil inooperahan na ang nanay mo ngayon at she will be safe” agad akong napatingin kay Tita sa sinabi niya.

“Ti-tita,” ako.

“Oo iha,totoo ang narinig mo at pinuntahan na namin siya sa hospital kanina kasama ko syempre si Timothy” ginulo ni Tita ang buhok ni Timothy.

“Pero paano niyo po nalaman kung saang hospital yung kinaroroonan ni nanay?” tanong ko.

“Syempre pinahanap ko na yung hospital before we go to that hospital and we also told the doctor that we’re going to pay how much it is basta’t operahan agad ang nanay mo” si Tita with forming a smile in her face.

“Salamat po sa inyo,” ako.

“Hindi pa sana namin sasabihin sa iyo ang tungkol dito eh pero dahil sa nagawa mo sa family namin ay sinabi ko na sa iyo” si Tita.

“Thank you po talaga tita” napayakap ako kay tita dahil sa tuwa at napaluha.

“Oh siya, tama na muna ang drama at may dala akong pizza para sa ating lahat kaya we’re going to eat first before we talk about it” si Tita at kumalas na rin ako sa yakap at nagpunas ng luha.

“Halika na Iha” si Tito.

Habang kami ay kumakain ay nagkukwentuhan na rin ang mag-asawa na tila ba’y wala kami ni Timothy kaya nagkwentuhan din kami ni Timothy para sa plano namin mamaya dahil kami ay papasyal.

“Ahm, Aya maraming salamat talaga ha, total malapit na rin ang 15th anniversary naming ni Scott ay isasabay na rin namin yung thanksgiving sa iyo” si Tita.

“Ahm, Tita wag na po ,promise wag na po kasi ilang beses niyo na po akong napasalamatan eh” ako.

“Iha, im sorry but ,either you like it or not ay itutuloy namin ang plano sa araw ng Anniversary namin” sabi ni Tita, tapos tumingin kay Tito Scott.

“That’s right iha” Si Tito.

Hindi na ako umangal pa dahil, kahit anong gawin ko ay hindi na mababago pa ang kanilang desisyon, kaya um-oo na lamang ako.

(After ng Kainan)

Pagkatapos namin kumain ay nagsimula na ako sa aking trabaho, which is magiging personal yaya ako ni Timothy. Pumasyal kaming dalawa sa park at binilhan ko siya ng mga foods like ice cream at cotton candy, natutuwa naman ako dahil kahit papaano ay nagustuhan niya ang pag-aalaga ko sa kanya.

"Ate Aya, can i ask a question?" napatingin ako kay Timothy ng siya ay magtanong habang kumakain ng ice cream.

"Yes baby, ano yun?" sabi ko.

"May boypren ka na po ba?" tanong niya. Muntikan na akong mabilaukan dahil kasalukuyan akong umiinom ng tubig nun.

"Ah, wala pa naman baby, bakit mo natanong?" tanong ko naman sa kanya.

"Kasi po, same kayo ni Kuya Mark eh, since birth po wala pa syang nagiging gurlpren" sabi niya.

"Ah, siguro hindi pa niya nahahanap yung right girl para sa kanya, kasi lahat naman ng bagay ay nasa oras eh" sabi ko.

"Ganun po ba Ate Aya?" tumango na lamang ako bilang sagot.

"Ah, syanga pala, gusto mo bang sumakay tayo ng rides?" tanong ko.

"Talaga po!!!" tumango ako.

"kahit anong rides basta pambata ha" sabi ko.

"YEHEY!!!, gusto ko po dun sa kabayo" sabi niya.

"Ikaw talaga baby, hindi kabayo yun kundi carousel" sabi ko.

(OOOPPSSS!!!!!!! THANKS PO PALA SA MGA READERS KO!!!! BUT BEFORE I UPLOAD THE NEXT STORY AY PAKI VOTE NAMAN PO ITONG STORY KO AND THEN I-FOLLOW NIYO NA RIN PO AKO.....THANKS GUYS!!!!!)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

***LUCKY WITH MY THREE-OH*** ongoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon