CHAPTER 4 "Two weeks contract" Part 1

23 1 0
                                    

Sa  Terrace:

“Ahm iha, pagpasensyahan mo na yung asawa ko ah dahil ganun na talaga siya since namatay si Tiffany eh at hindi niya tanggap yun” napansin kong nag-sniff si Tita.

“Ahm Tita,so-sorry po ,hindi ko po alam”yumuko ako

“no iha wala kang kasalanan, pasensya ka na ah, ang drama ko” sabay punas ng luha niya. “gusto mo bang ikwento ko sa iyo ang nangyari?” tanong niya.

“ahm,,si-sige po”ako

“ganito kasi yun, si Tiffany ang kaisa-isang babaeng anak namin ni Scott, asawa ko, at isang araw  ay nagpaalam sila ni mark na pumunta sa park para mamasyal sila kasi galing lang si Tiffany sa States,nagbakasyon kasi siya doon ng 5 years kaya citizen na siya doon.,tapos yun pinayagan ko silang mamasyal, 13 years old pa lang ni Tiffany nun at 12 years old naman si Mark,miss na miss nila ang isat isa at para nga silang mag-syota kung tignan eh, at ayaw ni Mark na magka-girlfriend dahil nandito na ang ate niya sa buhay niya,” nag-sigh muna si tita” tapos nung nasa plasa na daw sila eh gumala sila ng gumala hanggang sa mapagod sila,sumakay sila rides at kumain sila ng mga streetfoods..,tuwang tuwa nga daw si Tiffany nun eh kasi na-miss niya rin daw ang Pilipinas eh,pagkatapos nun nag-decide na lang daw silang umuwi dahil pagod na sila at gabi na nun. Habang nagbi-biyahe daw sila eh nakatulog daw si Tiffany at abot langit ang tuwa ni Mark ng mga oras nay un,at habang nasa daan daw sila ay hindi daw napansin ni Mark na may truck na paparating at dahil naaliw daw siya kakatingin kay Tiffany ay iniwasan niya daw ang truck at naibunggo niya ang kotse sa poste at parehas silang nawalan ng malay nun," *sniff* "tapos,nabalitaan na lang namin na nasa hospital sila at ayun , agad-agad kaming pumunta ni Scott dun, pero pagdating namin, ikinabigla namin na dead on arrival daw si Tiffany nun at siya ang may pinakamatinding impak sa poste nun,tapos si Mark ay nagka-amnesia pero sabi ng doktor na pansamantala lang daw yung amnesia niya" at ayun tuluyan ng napahagulgol si Tita Teresa. Hinagod ko na lang ang likod niya at pinakalma. "Hanggang ngayon, si Mark pa din ang sinisisi ng ama niya sa nangyari at nawala sa sarili niya dahil sa trauma" pagpapatuloy niya.

"Tahan na po Tita, siguro matatanggap din ni tito yun pero hindi pa ngayon at wala naman pong may gusto ng nangyari eh, aksidente lang po ang lahat" sabi ko.

Tumingin siya sa akin "Iha ,salamat ah ,dahil pinapagaan mo ang loob ko" *sigh* "Iha, gusto ko sanang humingi ng pabor sayo kung pwede"

"Sige po kahit ano po na ikagagaan ng loob niyo, ayos lang po sa akin" sabi ko.

"Ah, iha, pwede bang dito ka muna ,kahit dalawang linggo lang kasi wala pa akong nakukuhang personal yaya ni Timothy eh, at busy ako lagi sa work, pwede ba?"

Huminga muna ako ng malalim. "Ahm, ok lang po sana eh, kaso kailangan po ako ng Nanay ko kasi maysakit siya" yumuko ako.

"A-anong sakit ng nanay mo??" tanong ni Tita.

"Ahm, sakit po sa puso, may taning na po ang buhay niya, kailangan daw kasi siyang operahan sa loob ng isang buwan eh" ako.

"ah, good!!" napatingin ako kay Tita "sige ,ito ang deal natin, you'll gonna be here for two weeks and i'll make sure that your mom will taka the operation" nakangiting sabi ni Tita.

"Ahm, Tita nakakahiya nman po kung kayo pa ang gagastots ng operasyon ni nanay--"

"Of course not iha!!,,ano?, deal?" tapos nag-thumbs up pa sa akin.

"Ah-Eh,,si-sige po pero babayaran ko po kayo sa tamang pa--"

"Hindi na kailangan iha,," tsaka niya ako tinapik sa balikat.

"T-thank you po Tita *sniff* utang na loob ko po ito sa inyo *sniff* sige po papayag na ako sa contract" ako.

"Thank you very much iha" si tita habang hinahagod ang likod ko.

***LUCKY WITH MY THREE-OH*** ongoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon