Mga Tauhan

1K 11 1
                                    

Ako si Maria Kintal Reolonda, pwede mong tawaging MaKiRe for short. Tunog malandi, pero hindi.  Nag-aaral sa isang pamantasan dito sa Manila. Taga kolekta ng singko na grado. Iskolar ng mga magulang ko. Ipinanganak na maganda,  mayaman, maganda ulit at ipinanganak din na sinungaling. Isa akong probinsiyanang dayo dito sa Manila. Nakakapanibago ngunit kakayanin naman.  

Meron akong isang kaibigan, siya si Jen. Siya talaga yung maganda at mayaman. Hindi siya yung tipong mayabang dahil mayaman. Hindi niya ginawang pendant yung DSLR Camera niya. Humble kumbaga.

Merong nanliligaw sakanya, si Marco. Hindi tulad ng ine-expect mo sa isang prince charming. Hindi ganun kalaki ang katawan niya at hindi din kagwapuhan. Nagtataka nga ako kung saan humuhugot ng lakas ng loob para manligaw kay Jen. Pero tulad ni Jen, anak mayaman pero ubod ng yabang.

Tulay ng PaghihiwalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon