Chapter 1: Ang Umpisa ng Pagkakaibigan

1K 12 12
                                    

Sa pagbaba ng paa ko sa bus, nanibago kaagad ako sa paligid ko. May tren na parang uod na gumagalaw patungo sa bawat istasyon. Nagkalat din ang mga malls sa paligid at kung anu-ano pang nakakapanibagong bagay.

JUNE 9, 2012

Umpisa ng pag-aaral ko sa isang pamantasan sa U-BELT. Maagang gigising pero ang nakakatuwa, papasok ako sa bagong paaralan. Makakakilala ng mga bagong kaibigan at  gwapong crush! (Malandi. Haha!).  First day, first impression lasts. Nagpaganda ang lola mo! Parang coloring book ang mukha ko dahil sa sobrang daming make-up na nakalagay. 

Magkakaroon ng orientation ang mga freshmen students sa Arellano Hall ngayong araw mula 1:00-4:00 ng hapon.

Nakapaskil agad sa gate ng pamantasan at pagkatingin ko sa relo ko, 12:50 na! 10 minutes nalang at mag-uumpisa na ang orientation! Dahil freshie, aligaga ako sa paghahanap. Tanong dito, tanong doon.

"Freshman ka ba?", tanong ng isang babaeng kapareho ko ng uniform.

"Oo eh. Saan ba yung Arellano Hall", sagot ko.

"Sumabay ka na sa akin, freshman din ako eh. Im Jennifer Yu. Jen for short", tugon ng babae habang nakangiti sakin sabay abot ng kamay niya aktong makikipagkamay sakin.

"MaKiRe here.", sagot ko habang nakangiti ng sobrang laki at sabay nakikipag shake hands sakanya.

Dahil kabisado ni Jen, nakapunta kami sa lugar ng sakto sa oras at halos kakaumpisa palang ng programa.

Matapos ang programa, tinanong ko kung anong kurso niya. Pareho pala kaming kumukuha ng Mass Communication at parehas din kami ng schedule. Instant friend na ito!

(Itutuloy.. .)

ABANGAN: Ano ang sikreto ni Jen na ikakagulat ni Makire? 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tulay ng PaghihiwalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon