hallucination

19 0 0
                                        

Sa isang park kung san madalas maglakad-lakad si Crylle galing kompanya na kanilang pagaari kung san marami siyang nakitang magaganda at marami ding nakakairitang tanawin.. dito din siya madalas tumambay pagtinatamad siyang pumasok sa kanyang trabaho o kaya dito din siya pumupunta pagtumatakas siya sa mga bodyguard niya na panay sunod sa kanya lalo lang kasi siya nairita dahil laging may nakabantay sa kanya na hinire ng kanyang ama.. ng may makasalubong siyang dalawang magkasintahan na medyo mga kasingedad lang niya.. sa isip isip niya "imperness ang sweet nyo.. bonggang lambingan to the max ang dalawang to parang wala ng bukas, nakakaingit.. hay naku ba't ko ba iniisip yang mga bagay na yan lalo lang ako naiirita sa kanila eh masaya sila at gusto nila yan ei.. ok fine.. pagganyan eksena kasi ay bumabalik lang sa kanyang isipan ang nakaraan kung san nakilala niya ang kanyang FIRST LOVE na si Reid... dito din sila unang nagkakilala, dito din nagsimula ang kanilang ligawan at lambingan, at dito din niya ito unang sinagot ng kanyang matamis na OO.. at ito rin ang saksi ng kanilang malungkot at masakit na paghihiwalay.. sa pagmumuni muni unti unting bumabalik ang kanyang alaala sa nakalipas..

College silang pareho noon ni Reid nung una silang makakilala lagi din kasing don pumupunta si reid pagayaw niyang pumasok sa universidad, hanggang makahulugan ng loob hanggang sa humantong na sinagot na niya ito ay laging doon ang kanilang tagpuan masaya ang kanilang relasyon kaya para sa kanya ay si reid na ang gusto niyang makasama sa habang buhay ngunit hindi pala ganon ang mangyayari isa lang pala itong kung tutuusin hindi mahigpit ang kanyang ama sa anumang kanyang nanaisin bigay layaw kung anuman ang kanyang hiling ngunit sinisiguro lang ng kanya ama ang kanyang kaligtasan.. isang mayaman na angkan ang pamilya Ricaforte kaya madaming ang nagtatangka sa kanilang buhay.. lalong lalo na nag-iisang anak lang siya ni Don Matteo Ricaforte.. hindi naman ito tutol sa kanilang dalawa ngunit iba ang kutob ni don matteo kay reid.. lingid sa kaalaman ni crylle ay pinasusundan ito ng kanyang ama sa isang agent kung totoo ba ang hangarin ng lalake sa kanyang anak o ang kanilang pera, hindi nagkamali ang ama ni crylle na iba pala ang pakay ni Reid kay Crylle kaya niya ito niligawan at pinasagot.. ng araw na iyon pinatawag ng don si Crylle..

"Ricardo" ang tawag ni Don Matteo isa bodyguard ni Crylle nya..

"Sir.. ano po iyon".. ika nya

"Tawagin mo ang aking anak" utos niya dito

"Masusunod po" sabay alis nito

Mga ilang minuto ay agad ding pumasok sa kanyang study room si Crylle.. at humalik ito sa kanyang ama..

"Baket Dad.. pinatatawag mo daw ako" tanong niya sa kanyang ama

"Bihis na bihis ka ata ngayon at san ba ang punta mo.." pabirong tanong ng kanyang ama

"Diba Dad nagpaalam na ako sayo na magkikita kami ni Reid ngayon" sagot niya

"Ang tagal ko ng naririnig ang pangalan ng iyong nobyo pero ni anino niya ata eh hindi ko makita dito sa ating pamamahay ah iha.." tanong ng kanyang ama

"Dad busy lang po siya sa kanyang studies and you know dad he planning to visit here in our house this coming weekend.." masayang pahayag niya dito

"Magaling kung ganon ng makilala at makilatis ko siya ng lubusan.. bueno iha baka naghihintay na ang iyong nobyo at naabala pa ata kita.." ani to

"Okey bye Dad.. love you.." paalam nito sa ama

Ngiting tanaw lang ang tanging sagot ni don matteo sa kanya.. muli ay tinawag nito ang bodyguard ni Crylle..

"Ricardo.. sundan mo ang aking anak, at kung san sila pupunta.. ayaw kong mapahamak ang aking anak sa lalaking yon.. ikaw na ang bahala.." utos niya dito

"Masusunod po sir.." at agad ng umalis si ricardo para sundan si crylle

Agad ng sumakay ng kanyang kotse si crylle simula ng matutong magmaneho ay ayaw na ayaw niya may magmagmamaneho para sa kanya.. habang lulan ng kanyang kotse ay abot hanggang tenga ang kanyang ngiti.. 

“Napakasaya ng araw ko ngayon dahil 3 years anniversary namen ngayon at don kami magkikita sa park na kung san una kaming magkakilala.. pero bakit ganito ang nararamdaman ko kinakabahan ata ako na hindi ko maintindihan kung bakit.. hay naku naeexcite lang siguro ako dahil may sasabihin daw siya saken hay naku ano kaya yon.. tigil ko na tong pagiisip ko baka mapraning lang ako neto kung ano-ano tuloy ang naiisip ko.. pero iba talaga ang nararamdaman kong kaba ano kaya to.. hays naku maloloka lang ako nito makaalis na nga...”

Sa kabilang banda, ng makarating sa kanilang tagpuan, balisang balisa parin si Crylle dahil siya pa ang nauna sa kanilang dalawa kung tutuusin ay siya ang laging late sa kanilang usapan ngunit iba ngayon.. tumagal ng kinse minuto ang kanyang pagiintay hanggang umabot sa dalawang oras na siyang nakatayo sa kahihintay.. laking tuwa niya ng padating na si reid pero iba ang aura ng kanyang mukha.. agad niya itong sinalubong..

"Hi Hon.. kala ko hindi ka na darating eh.. kanina pa nga ako dito gusto ko na ng magtampo sayo dahil kala ko di mo ako sisiputin.. are you alright hon.." tanong niya dito

"Im fine.." matamlay niyang sagot

"Well Hon.. Happy Anniversary.." sabay abot ng kanyang regalo

"Thank you" tugon niya

"it's there anything wrong Hon.. kanina ko pa napupuna na malalim ang iniisip mo ah.." tanong niya dito

"Crylle" tawag niya

"What" tugon nito

"I'm sorry" ani nito

"For what.. na nalate ka.. okay lang yon ano ka ba naman.. minsan ako naman ang nalalate no kaya forgiven ka na.."

"I'm sorry.. let's break up..

"Teka.. teka lang.. tama ba ang narinig ko.." sabay patak ng kanyang luha "nakikipagbreak ka na saken.. ganon ba un ah.."

"I'm sorry"

"anong dahilan tell me.. ba't ngayon pa reid.. pano mo nagawa saken to.." tuloy parin ang pagtulo ng kanyang luha..

"God knows i try to love you but i can't, i can't lie to myself crylle and i don't want to hurt you anymore" saad nito

"Sa tingin mo hindi mo ako sinasaktan ha Reid.." tanong niya dito

"I'm sorry crylle"

Isang malakas na sampal lang ang tanging sagot na ibinigay ni Crylle kay Reid, at mabilis na nilisan ni Crylle si Reid at nagmamadaling papunta sa kanyang kotse walang lingon lingon sige lang ang kanyang pagpatakbo ng maramdaman niyang kailangan niyang ilabas ang kanyang sama ng loob sa nangyari agad agad din siyang huminto.. isang malakas na iyak kasabay na malakas na kulog ang tanging karamay niya sa kanyang hinanakit pinilit niyang pigilang umiyak pero ganon padin ayaw pa rin tumigil ng kanyang mata sa pagiyak halos abutin na siya ng malakas na ulan sa daan kakaiyak.. halos mamugto na ang kanyang mata sa sobrang kakaiyak dahil sa sobrang sakit ng kanyang nararamdaman.. inabot na siya ng dilim sa daan ng mahimasmasan siya inayos ang kanyang sarili para umuwi dahil sobrang pagod na ang kanyang mga mata galing sa pagiyak ng may mapansin siyang may isang lalaking tumatakbo sa gitna ng ulan na halos katulad niya din may pinagdadaanan.. pinagmasdan niyang mabuti ang lalaking ito na halos tulala sa kakatakbo at nagulat na lang siya ng biglang tumigil sa harapan ng kanyang kotse at halos kapusin ng hininga dahil sa kakatakbo.. agad siyang nagtakip ng bibig sa sobrang gulat ng ito'y sumigaw ni hindi naman namalayan ng lalake na may tao sa loob ng kotse dahil black tainted ang salamin nito pinagmamasdan lang niya ang guwapong mukha nito habang patuloy parin sa kakaiyak at kakasigaw, gusto niyang lumabas ng kotse para damayan ito pero natakot siya dahil hindi naman sila magkakilala, ng mahimasmasan ang lalake tumingala ito na parang may itinatanong.. pero hindi niya mawari kung bakit ayaw maalis ang kanyang panginin dito kung ano o bakit pero biglang gumaan ang kanyang pakiramdam sa konting oras ng kanya itong masilayan..

Bigla na siyang nagulat ng may tumama ng bola sa kanyang likuran na kinagising ng kanyang ulirat sa sobrang saket na pa-aray si ng malakas.. 

"Ouch.." sigaw niya “hindi niyo ba lam na may tao dito”

“Sorry po ate.. pasensya na po..” 

Nagpasya na lang siyang bumalik sa kanyang opisina ng mga araw na yon.. pero hindi parin maalis sa kanya isipan ang mukha ng lalaking nakita niya na mahigit tatlong taon na ang nakalipas.. “sino kaya siya..” yon lang ang kanyang tanging tanong nung mga oras na yun.. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

will you be mine...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon