Part 2

16 2 1
                                    

si Angel Lacsama po yang nasa taas ..


* MALAYA UNIVERSITY *

* angel pov *

Nag lakad na ako papasok ng gate ng University habang naglalakad ako ay patingin-tingin ako sa paligid, ang laki pala ng MU ( MALAYA UNIVERSITY ) may nadadaanan narin akong mga estudyante, ang iba ay nakikipagkwentuhan ang iba naman ay busy sa pag si-celphone ..

lakad lang ako ng lakad hinahanap ko kasi ang room ko nang mapadaan ako sa isang grupo ng mga lalaki ..  napatingin naman sila sakin . . kaya lumapit ako para magtanong ..

" ummhh mga kuya san po ba dito ang room 211 ? " tanong ko sa kanila .. pero walang sumagot dahil nakatulala lang sila sakin.. tsk tsk ang ganda ko kasi ahahahahah charot.. kaya inulit ko yung tanong .. " mga kuya !! san po banda dito ang room 211 ?" nakangiti kong tanong sa kanila

" a-ah eh sa 2nd floor nang yellow building.. pangatlong pinto." sagot nung lalaki

" salamat po " sagot ko naman at nagsimula nang maglakad .. ang layo pala nang napuntahan ko ei yung yellow building nasa harap lang ng gate entrance.. ei dyuskolord late na ako .. kaya naman binilisan ko ang paglalakad ko .. at sa wakas narating ko na ang room 211..

tok tok tok .. pagkatok ko sa pintuan.. 


ROOM

* mark pov *

" class we have a new classmate i hope maging ka close nyo sya." mrs. Santillan . " Yes maam ". sabay sabay na sagot namin .


' sana maganda ' boy 1

' sana pogi ' girl 1


Mga kaklase ko nga naman ohh.. 


tok.. tok.. tok..


May kumatok. Baka sya nayan.. " Ok class sya, na ata yung kumakatok. " si maam habang nakatingin sa pintuan" pasok , bukas yan " dag-dag nya pa.. At dun nga nag bukas ang pintuan at pumasok ang magandang nilalang .. 


" so ikaw ba si Angel Lacsama?" tanong nang aming guro sa kanya " Opo ako nga po " sagot naman nang babae na nag ngangalang Angel. " oh Pwede mo bang ipapakilala ang sarili mo sa mga kaklase mo?" pag wika ng aming guro. 


" Yes maam.. Good morning teacher, Good morning classmate.. ako nga pala si Angel Lacsama 17 years old, sana po ei maging Close tayong lahat." pagpapakilala nya. Ang Ganda nya , Ang puti, Sexy at napakalamyos ng boses.. " ok lacsama umupo kana sa upuan , sa may likuran nalang ang walang umuokupa pwede ka dun umupo ," pag bibigay direksyon ng aming guro kay angel .." Sige po, maraming salamat po."  Sagot ni angel. at sya ay naglakad papunta sa tinurong upuan ng aming guro.


" Angel gusto mo dito kanalang tumabi sakin?" pag aalok ni Rence. Si rence ay kilala bilang matinik sa babae dahil sa kanyang angking kagwapuhan. " Salamat kung gayon ay di na ako mahihirapan mag hanap ng mauupuan." pag papasalamat ni Angel sabay ngiti ng nakakaakit. " Walang anuman yung Angel, ang makatabi ang isang magandang babae katulad mo ay napaka saya, Kaya ako dapat ang mag papasalamat sayo" pambobola ni Rence kay Angel, na ikinangiti namn ng huli.. " Ikaw naman Rence, di naman sa ganon." sagot ni angel kay Rence.. 


'Teka bat kilala ni Angel si Rence ?' tanong ko sa aking sariliz ahh baka siguro nabasa nya sa ID .


" Mr. Alcantara!" pagtawag pansin sa akin ng guro namin, Na masama ang tingin sa akin, patay mukhang nahuli nya akong nakatulala. " B-bakit po maam ?" tanong sa aking guro. Lahat na aking mga ka klase ay tahimik na nakatingin sa akin kasama na dun ang bago kong kaklase na si Angel, na syang dahilan ng aking pagkatulala. " Nakikinig kaba saaking tinuturo ?" tanong ni maam saakin. " P-pasensya na po medyo nahilo lang po ako." Pagsisisnungalin ko , ayaw ko naman malaman nila na kaya ako nakatulala ay dahil sa bago namin kaklase. " O sige ! kung gusto mo ay magpahinga kana muna sa clinic." Pag aalok ng aming guro, na mabilis ko namang tinanguan. " Siguro nga po maam, kailangan ko lamang itong ipahinga, Pasensya na po ng dahil sa akin ay natigil ang iyong pagtuturo." Pag hingi ko naman ng pasensya sa kanya. " Ohh sya wala yun, Maaari kanang lumabas." ang pag wika nang aming guro . kaya kinuha ko lahat ng aking gamit sa lamesa at pinasok sa aking bag, at naglakad na ako palabas ng pintuan pero bago ko lisanin ang loob ng silid aralan ay simpeng pinagmasdan ko si Angel na ngayon ay Nagsusulat sa kanyang Notebook ng aming pinag aaralan . Lubhang napakaganda nya kahit sa malayuan lamang ang aking pag tingin at ako ay dumeretso na sa paglabas ng silid aralan.


Sa aking pag daan ay narinig ko ang usapan ng limang lalaki, Mukhang may pinaguusapan sila. Parang kinakabahan ako na di ko mawari. 


' Alam mo na ba ang nangyari sa dayuhan na napadaan sa may gubat ? kahapon ?' tanong nang isang lalaki na may kulay ng buhok. 

' Ahh oo nga pare kawawa naman yung lalaki namatay sya na dilat ang mata at ubos daw ang dugo. ' pag sabat naman nung isa sa limang lalaki . mukhang 4th year na sila. kinilabutan naman ako sa kanilang usapan , kaya umalis na ako at di na nakinig at dumeretso na ako sa clinic upang magpahinga kahit di naman ako pagod o nanghihina.

Habang ako ay nakahiga ay biglang pumasok sa aking balintataw ang maamo at magndang mukha ni Angel .. Hanggang sa ako ay hilahin ng antok sa dako paroon ay sya padin ang naiisip ko. 


_______________________________________________________________________________ 


* 3rd POV *

" Hindi ako papayag na makuha ka ng iba sakin , ako lang maaari magmahal sayo at ako lang din ang dapat mung mahalin, dahil lahat nang mag mamahal at mamahalin mu ay mamatay." yun ang maririning mo sa Loob ng isang madilim na kwarto.. Sabay tungga sa baso, na may laman ng pulang likido. na kung papansinin ng mabuti ay Dugo..


Dugo ng tao na napadaan sa Gubat .. Tao na may masamang balak sa kanyang minamahal ..


________________________________________________________________________________


ito po ay una kong gawa . Kaya kung inyong mapapansin ay maraming mali sa mga salita na inyong mababasa.. 


Sana po ay inyo magustuhan 


Vote nyo rin po sana . salamat






Transgender SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon