Part 3

19 3 2
                                    


* Angel POV *


' Ano kaya nangyari sa isa kong kaklase ?' Tanong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ko ang kanyang pag labas sa aming silid. " Umh Angel pwede ko bang makuha ang iyong cellphone number?." Paghingi ni rence ng number ko. " Ok. 09********* yan ang number ko pakilala ka if mag tetext ka hah?." sabi ko namn sa kanya na agad nyang kinangiti. " Oo , salamat hah?." pagpapasalamat nya . " Wala yun." sagot ko naman sa kanya. At nakinig na ako sa aming guro na ngayon ay nagtuturo. Makalipas pa ang ilang minuto


* kriing.. kriing.. kring.. *


Hudyat na tapos na ang unang subject namin. " Angel lunch time na, sabay kana sakin alam ko namn na wala kapang kakilala dito." pag aya sakin ni rence na agad ko naman na sinang-ayunan. Sabay na kaming lumabas ng room namin . Habang naglalakad kame ay di ko maiwasan ang mailang sa mga pinupukol nilang tingin samin at di ko rin maiwasan ang kanilang bulungan, na kung bulungan ay di ko alamm.


' Bat magkasama sila ni rence?' girl 1

' Ang ganda naman nya, wala na talo na tayo huhuh' girl 2

' Pare tignan mo yung kasama ni rence ang ganda at ang sexy' boy 1


Ilan lang yan sa aking mga narinig. " Wag mo silang pansinin inggit lang mga yan." nakangiti nyang sabi sakin kaya napngiti naman ako at nawala ang aking kaba at pagkailang. " ok po hehhe, sikat ka pala dito sa Paaralan." pag wika ko sa kanya. Na dinaan lang nya sa pag ngiti sakin ang kanyang sagot. 


Nakarating kame ng cafeteria na nag kekwentuhan. " umh Angel hanap kana ng makakainan natin, ako na bahalang bumili ng pagkaen." sabi nya sakin na agad ko naman sinununod sino ba ako para tumanggi sa kanya. Bukod kasi sa Gwapo sya ei mabait pa. Total Package baga hahah. Kaya agad naman ako nag hanap ng pwesto na pangdalawahan di naman nag tagal at nakahanap din ako kaya mabilis ako nagtungo doon mahirap na ang maunahan pa ng iba. Pag dating ko sa pwesto ay sya namang pagdating ni rence bitbit ang aming pagkaen. 


" ummhh Angel sino pala kasama mo sa bahay nyo?." pagtatanong nya sakin, nginuya ko muna ang laman ng aking bibig bago ko sinagot ang kanyang tanong. " Si mama kaso aalis din sya . mawawala sya ng mga isang buwan, Baket?." Pagtatanong ko sa kanya . " pwede ba akong dumalaw sa inyo ?." Pagtatanong naman nya . na Sinagot ko ng Oo, at kita ko ang pag aliwalas ng kanyang mukha." Nako salamat talaga Angel." sya habang namumula ang mata at di makatingin sa akin ng maayos. " Wala yun ano kaba." natatawa kong sabi sa kanya. Makalipas ang ilang minuto ay tapos na ang break time , kaya agad kameng bumalik sa aming room.


* Room *

* Rence POV *


" Umhh Angel may gagawin kaba mamaya?" tanong ko sa kanya. Umiling naman sya, Ayos mayaya ko nga sya mamaya na pumunta sa bayan . " Pwede mo ba akong samahan mamaya sa bayan, may bibilhin lang ako?" pag tatanong ko sakanya. " Ok pero saglit lang tayo dun ahh? baka kasi hanapin ako ni mama." sagot nya sa aking tanong. ' YES' sigaw ko sa aking sarili . mabilis lumipas ang oras at uwian na namin, kaya tinulungan ko si angel na ayusin ang kanyang gamit. Pagkatapos namin ay nilisan na namin ang room. Habang naglalakad kame ay di ko maiwasan ang pagtingin sa kanya . Napakaperpekto kasi nya tignan . Mukhang inlove na ata ako sa kaklase ko. 


Mabilis kaming nakarating sa paradahan ng sasakyan dito sa campus. " Ummh Rence may sasakyan ka pala ?" Tanong sakin ni rence. Ang cute lang nya tignan habang nakatingin sa kotse. " Oo kaya tara na sakay kana para makarating agad tayo sa bayan." pag sabi ko sa kanya at binuksan ko ang pintuan ng aking kotse. Habang nasa byahe ay tahimik lang syang nakatingin sa daanan. " Angel nagugutom kaba?" Pagbasag ko ng katahimikan na namumuo sa aming dalawa. " Di naman ." sagot nya . 


Maya-maya ay nakarating na kame sa Bayan. Pumunta kame sa parking Lot ng isang Mall at dun ay nag park ako. makalipas ng ilang minuto ay niyaya ko na syang lumabas nang sasakyan. Pag dating namin sa bungad ng Pasukan ng mall ay pinag titinginan na kame, Tingin nang paghanga. Ang iba naman ay rinig ko pa ang usapan na parang pinaririnig oh sadyang malakas lang ang kanilang usapan.


' Ang sexy naman nung bebot ' boy 1

' Oo nga pare , kaso mukhang taken na ei' boy 3

' Pogi rin naman ang boyfriend nya. Bagay sila' boy 2


Ilan lang yan sa aming naririnig na ikinatuwa ko, pagkamalan ba naman kameng mag Jowa. Pag tingin ko naman saaking kasama ay nakayuko lang sya. kaya tinanong ko sya. " Ok kalang ba Angel?" sabay hawak sa kanyang braso, grabe ang lambot at ang dulas ng kanyang balat. " Oo naiilang lang ako sa mga tingin nila." sagot nya sakin at tumingin sya saking mga mata , kaya napatulala naman ako, napakaganda nga nya lalo na sa malapitan. Ang mapupula nyang labi na parang ang sarap halikan, ilong nya na matangos ngunit may kaliitan, mga mata nya na parang ayaw mong paiyakin.-" ok kalang ba rence ? may dumi ba ako sa mukha ?" takang tanong nya sakin. " wala . ang ganda mo kasi , parang nahihiya ako sayo ." totoong sagot ko sa kanya. na ikinapula ng kanyang mukha.


Tahimik lang kaming nagpunta sa isang shop at dun ay binili ko na ang aking bibilhin na kahit hindi ko namn talaga kailngan ay napabili ako para lang maksama ko sya ng sarilinan. Paglabas namin ay niyaya ko sya sa isang kainan ." Angel tara kaen tayo ." pag aya ko sa kanya. " Ummhh Rence busog pa naman ako , tsaka wala kasi akong dala pera ei." sagot nya sakin . " Sino ba may sabi sayo na ikaw ang magbabayad ? Sagot ko ang kakainin mo . remember ? diba ako ang nag-yaya sayo dito ?." mahaba kong wika sa kanya na kinatahamik nya. " Tara na ." pagyaya ko ulit sa kanya . 


Pagpasok namin sa kainan ay nilapitan na kami ng waiter. " Good Afternoon po sir and Maam, For two po ba?" tanong ng waiter samin pero sa kasama ko sya nakatingin. " ehem Oo." pag agaw ko sa kanyang atensyon .. chong awatin nyo ako masusuntok ko tong waiter na ito. " Ok po . Sunod lang po kayo sakin." wika ng waiter at dun nga ay sumunod kame sa kanya. Omorder din kame agad . Tinapos din namin ang aming pagkaen dahil baka mapagalitan ang kasama ko. Pagkatapos namin kumaen ay sumakay na kame sa kotse at hinatid sya sa kanilang bahay.


" Rence dito nalang ako." sabi sakin ng anghel na kasama ko. " Ah sige salamat nga pala sa pag sama sakin. nag enjoy ako." nakangiti ko wika sa kanya. " Ako din namn ay nag enjoy salamat ingat ka pala sa pag drive." wika nya sabay baba ng kotse . " Oh sya sige Angel mauna na ako bye" nakangiti kong pag papaalam at pinaandar ko ang aking sasakyan. " Sana Angel pag niligawan kita ay sagutin mo ako . Dahil hindi ako tumanggap ng salitang Hindi , nakukuha ko ang lahat ng gusto ko."sabi ko sa kawalan . sabay ngisi .


itutuloy..

________________________________________________________________________________


Hanggang saan kaya ang kayang gawin ni Rence ?


________________________________________________________________________________


pls vote po..

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Transgender SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon