Chapter 1: CRUSH

31 0 0
                                    

A/N:  First time ko po ito so pagtiyagaan hehe ^_^V

Paano kaya kung ang matagal mo nang ini-idolo ay makilala mo nang lubusan at hindi lang yon. Makakasama mo pa habang buhay?

Posible nga ba itong mangyari? O sadyang nag-aasume ka lang na maiinlove sya sayo?

Pero paano naman kung tadhana na ang nagtakda? Iga-Grab mo ba agad o magpapachoosy kapa?

Mapapansin ka kaya nya o hanggang tingin ka nalang?

Enjoy-Ms.Author
-  - - - -

Lorainne POV 

Umagang kayganda!

"HALAAA!"gulat kong sabi. Haaaaayyy sarap talaga matulog pag bakasyon kaso sa lahat ng kasiyahan may limitasyon #hugot. 

Hindi kase ba naman maglalaba ako ngayon at buti nalang day-off ko.

 Sya nga pala ako si Lorainne Amelia Mercado mabait, masipag, matangkad at maganda daw ako sabi ko, oh bakit palag? de joke. Wala na ang mga magulang ko, kaya nabubuhay ako nang mag-isa.  Nangungupahan ako ng apartment malapit sa pinapasukan ko dati, kasi kung malayo diba hassle? 

Oo mag-isa lang talaga ako, Patay na ang mga magulang ko at di ko kilala ang mga kamag-anak ko kaya mahirap lang ako, poor kid ba kung tawagin. 

Pero hindi naman ako mag-i-stay sa pagiging mahirap kasi baka mamulubi nalang ako sa labas nyan. Binubuhay ko sarili ko, nagtatrabaho ako sa Mcdo bilang isang crew. 3 taon na ako nagtatrabaho dun at kahit papaano nakakapag-ipon ako. Bakasyon ngayon pero tatlong araw nalang pasukan na. 

3rd year college na ko Bachelor of Arts Broadcasting (AB Broadcasting) medyo madali lang naman pero syempre medyo conflict kase nga working student ako. 

So madaldal nako diba? haha maglalaba pa pala ako nalimutan ko aish. 

Habang naglalakad ako napukaw ang tingin ko sa TV ko na nakabukas, ordinaryong tv lang to pero malinaw naman. Bigla akong natameme nung makita ko ang isang lalaking na crush na crush ko,  nasa interview  sya at sobrang lawak ng ngiti nya. O_0

"EMEGESH!!!Ang gwapo nya talaga!" Singkit at very charming ang mukha. "Mahal na kita! Hihi" hindi naman masama di ba hehe artista naman sya eh

Di ko naiintindihan pinag-uusapan nila kasi nakatitig lang ako sa mukha nya.

Natapos na ang interview at di ko na namalayan magtatanghali na. Naglalakad ako papuntang banyo pero di ko parin maiwasang kiligin enebeyen. Nafeel nyo na ba to? Haha. Yung maya't maya mo naalala. Kala mo talaga eh noh! Malay mo naman diba. MALAY lang, na makita ko sya inperson. Kasi hanggang tingin lang ako T_T

"KYAAAAAAAAAAAAAAAH enebeyen bes" di nako makapagpigil, napatili nalang ako sa kilig. 

Natapos na ang labahin ko at naligo ako pagkatapos. Nilinis ko muna sa loob ng bahay kasi balak kong mamasyal ngayon. Window shopping lang naman kasi nagiipon ang lola mo. Malapit lang naman ang Mall dito lalakarin ko lang kaya di na ako namomoblema sa pamasahe. Dala ko lang ang aking shoulder bag na maliit na naglalaman ng pulbo suklay at cellphone at pati pera kong 200 pesos lang. 

"Saan kaya magandang unahin?" Sabi ko sa sarili ko. Maraming tao kahit Friday palang.

Napagdesisyonan kong mag department store muna kasi marami namang mapagpipilian.  Habang nagtitingin- tingin ako napukaw ang atensyon ko sa isang malaking picture. Hulaan nyo kung sino? 

YES tama ang hula nyo! Siya si CRUSH! I forgot to introduce my one and only, Kim Joo Wylie my husband!

CHAROT. Hahahaha punyeta talaga ang gwapo nya aish.

Papalapit ako ng papalapit may nakita akong mga babaeng nagpapapicture dun sa poster. 

"Be, ako naman!"

"Maya na ako muna mga tatlo pa" 

"Pucha sge last nato ah"

Pinapanuod ko sila kasi naiingit ako sa mga camera nila. Wala kasing camera phone ko eh. IYAK T_T naisipan kong lumapit. 

" Miss, Maistorbo ko lang kayo ah." sabi ko nang nahihiya, napatingala sila dahil nga sa matangkad ako at na pakunot ang noo nila.

"Ano po yon ate?" Tanong nung isang babae na may hawak ng camera na parang nagtataka

Nag-isip muna ko kung magpapapicture din ba ako gamit ng phone nila o wag?

Nakakahiya naman kaya wag nalang. 

"Hehe wala pala" Nakakahiya kase baka mamaya isipin nila feeling close ako diba? Haaaays. Makapag-ikot na nga lang. 

"weird " Rinig kong sabi nila. 

Sobrang nakakapagod talaga at ang nakakalungkot hanggang tingin kalang. Makauwi na nga.

Paano kaya kung makita ko si Kim Joo in person ano kayang magiging reaction ko? Mahihimatay? Maiihi? Matutulala? Malalaglag yung panty?

"HIHIHI

bang! 

"Huhuh sakit ng pwet ko" Maiyak iyak kong sabi, sa sobrang lalim na pala ng naiisip ko ay nakabangga nako 

"Miss, sorry okay ka lang ba?" Sabi nung lalaki.
Bwiset naman tong lalaking to hindi ba sya tumitingin sa dinadaanan nya? Papapulis ko to eh huhu sakit ng pwet ko.

Napatingala ako kase kanina pa ko nakaupo habang iniinda ang sakit. Pagtingin ko sa kanya parang nagspark ang mata ko kase sobrang cute nya. Nakashade na parang nerd at nakacap na itim, maganda ang mata at higit sa lahat gwapo. 

"Miss?" Natauhan nalang ako nung nagsalita nya

"Ah hehe o-oo okay lang ako" utal kong sabi, inaabot nya ang kamay ko para alalayan ako patayo. Syempre bawal choosy grab agad! Pagtayo ko hinawi ko pa ang buhok ko pabebe leng. hihi Gentleman nya naman nakakainlove

"Sorry talaga miss ah, kala ko kase iiwas ka eh, pero mukhang malalim ako ang iniisip mo kaya nabangga mo ko" Owshit. Seriously? Ganon kalalim iniisip ko? Kese nemen to si  Kim joo eh.

" Ay ganon ba? Sorry din di ko kase napansin eh hehe" Nakakahiya talaga. 

"Okay lang, Nga pala ako pala si Kim" OMO Magkapangalan sila!! Inabot nya ang kamay nya para makipagshake hands

" Lorainne" inabot ko ang napaka ganda nya kamay chansing lang? pero parang hawig nya si Kim Joo or hindi. Kase parang kamukha nya. hmmm

"Sige mauna nako ah! Nice meeting you!" sabi nya nagbabye narin ako kase maggagabi nya. Grabe di mawala yung mga ngiti nya sa isipan ko huhu makakatulog kaya ako neto? parehas ko pa silang iniisip , parehas pa sila ng first name tas parehas din silang gwapoooo! 

Nakauwi ako nang ligtas kahit medyo madilim na sa dinaanan ko, kasi ang bilis kong maglakad haba ba naman ng paa ko kaya mabilis akong makakauwi. 

Gutom nako. Bukas nalang ako kakain at medyo nakakapagod mag-ikot ikot. Busog naman na ang mga mata ko eh landi! Makatulog na nga maaga pa pala ako bukas. Zzz






~ Hello readers!  Bagong story ko po ito and pm nyo po ako kung sino gustong tumulong sakin. Hehe Hope you like the chapter one. Please Vote my story! Love you all :* 

_xxxlamxxv

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 02, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Beloved SuperstarWhere stories live. Discover now