Chapter 1:

11K 93 1
                                    

 

Sa isang Internet Shop:

 

“Miss, malapit ka ng mag-time!”

“Pa-extend po ng 5 minutes!” grabe naman, ang bilis ng oras, facebook kasi ako ng facebook wala pa tuloy akong napag-aaplyan”

Ako po si Cindy, isang fresh graduate ng business management sa Ateneo. O, wag nyo pong isiping susyal o mayaman ako. Hindi po. Full Scholar ako sa school na to kaya dito nakapagtapos. Cum Laude din ako kaya na-maintain ko yung pagiging scholar ko. Alam nyo na, kailangang maging matalino kasi mahirap lang ako.

“Ayan! May secretarial position sa isang sikat na company ng mga alahas. Wow, ang laki  ng sahod ha! Masubukan ngang mag-apply”

 

Sa apartment malapit sa computer shop

“Leila, sana matanggap ako dun sa pinag-applyan ko”

Si Leila  nga pala, best friend ko. Magkasama kami sa isang maliit na apartment/room for rent. Kasama ko din siya sa Ateneo pero hindi kami magkaklase.

*Kring* *Kring*

“Hello, Good evening. This is Miss Cindy speaking”

“Good evening Miss Cindy. This is Ms. Amalia Sanchez, Head of the HR department of Gomez Group of Companies. Please bring your resume tomorrow for the interview at exactly 8 am.”

“Okay ma’am. Thank you”

Napatalon ako sa tuwa ng matapos yung usapan namin. Ang saya ko kasi maiinterview ako. Sana makapasa ako sa interview! Kailangan ko na kasing makahanap ng work. Wala na akong ipon. Ubos na kasi ang allowance ko since tapos na ang scholarship ko.

 

Kinabukasan, nagmadali akong nagprepare for my interview.

“Grabe, ang laki ng building na to. Ang taas pa!” medyo kinakabahan akong pumasok sa loob ng building. Sinalubong ako ng isang babae na kasing edad ko din at sinamahan sa isang section ng building na parang walang ibang pumupunta kundi yung mga boss.

“Miss Reyes, this is the office of the CEO. If ever matanggap ka, siya ang magiging boss mo. Ikaw magiging personal secretary niya.”

 

 

Bigla akong kinabahan. CEO ng company, astig yun pero sempre siya yung parang pinakaboss ng mga boss! Wow big time pala ang boss ko.

Kahit kinakabahan, pumasok na ako sa napakalaki at napakagandang opisina ng CEO.

“Good morning po, Mr… CEO” hala hindi ko nga pala alam pangalan niya. Naku turn-off ito.

Pagharap ko sa kanya, muntik ng tumulo laway ko. Sobrang gwapo pala ng CEO ng kumpanya na to. Hindi lang gwapo, super macho at so delicious. Grabe!

 

“Miss Reyes?” sabi ni Mr. CEO

“Aaa…I’m sorry Sir!”

“Haha, akala ko mahihimatay kana, kanina ka pa nakatulala diyan. So are you ready for the interview?”

“Ah, Yes Sir!” nakakahiya naman ako. Sana hindi niya napansin na na-starstruck ako sa kanya!

My Sexy Secretary (ArikaShikariJi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon